Tahimik lamang si Atticus na nakatunghay at nakikinig sa mga kwento ni Antheia. May kung anong humaplos sa kaibuturan niya ng mga sandaling iyon—ngunit pilit niyang inignora iyon. "You know what Atticus' hulog ka ng langit para sa akin. Salamat ah, dahil sinabayan mo ako sa kabaliwan ko. Heheh.. Nakakatawa hindi ba' baliw lang dahil sa manlolokong ex- ko." Pilit pa itong napapatawa sabay punas niyang muli sa kanyang mga mata. Napakurap ng kanyang mga mata si Atticus. Tama ba narinig niya—nagpapasalamat sa kanya si Antheia? Huminga siya ng malalim dahil hindi malaman ang kanyang sasabihin. "Kahit papaano' gumaan ang pakiramdam ko, hindi man ako nakaganti sa ginawa nilang panloloko ni Lorraine—nagawa ko man lang na ipakita na kaya ko ding maghanap ng iba, tulad niya." Isang buntong-hini

