ATTICUS POV: Kaagad kong tinahak ang daan patungo sa hotel na kinaroroonan nina Antheia. Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ko ng sasakyan—mabuti na lamang at hindi kagaya sa Manila na sobrang traffic kaya naman malaya akong nakapag-drive. Habang nasa daan ako, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Kung anong ginagawa nila ngayon? Bakit sumama si Antheia sa manlolokong iyon? Nakipagbalikan ba siya? Lahat ng iyon sumagi sa isipan ko. "Damn! What do I care about them? Who are they in my life? Huh!" Naiiling-iling na lamang ako dahil sa isiping iyon. Hindi ako dapat magpa- apekto sa sinasabi ng isipan ko. Kapag ako nawala sa konsentrasyon—siguradong sira ang lahat ng mga plano ko. Ilang sandali pa narating ko na din sa wakas ang nasabing hotel—Isabela Zen Hotel & Restaurant

