Maaga pa lamang ay gising na si Atticus. Madilim pa ang buong paligid ng siya ay lumabas ng cabin house. Eksaktong naglalakad na siya patungo sa tabi ng dagat ng mapansin niya ang ilang mga katutubo na may dala-dalang kung anong bagay na nakalagay sa mga hinabing basket. Nilapitan niya ang mga ito ng mapansin niyang iba't-ibang klase pala ng mga bulaklak ang dala-dala nila. Napangiti siya ng magawi ang kanyang paningin sa bukod tanging bulaklak na iyon na kulay asul. "Blue Dahlia." Nakangiting sambit niya. Naalala niya tuloy ang kanyang Mommy, ito ang favorite flower niya' ito ang palaging dala-dala ng kanyang Daddy sa tuwing bibisitahin sila nito. "Ahm—Manong, ibinebenta ba ninyo ang mga iyan?" Tanong niya. "Wun ser, idi pay kastuyen ti trabaho min dituy." Natawa naman siya dahil hi

