_MAGNUS'S EVIL PLAN

2311 Words
MAGNUS'S POV: My smile never fades as I hold in my left hand the piece of paper that proves that I am now married. Ang papel na ito na nagsasabing malapit ng maisakatuparan ang lahat ng plano ko laban sa mga Cervantes. Ang papel na ito na nagsasabing wala ng kawala sa akin ang pinakamamahal na prinsesa ng abogadong iyon. "Antheia Wilson Cervantes," saad ko habang binabasa ko ang pangalan nito sa aming marriage certificate—habang sa aking kanang kamay naman ang card holder na napulot ko sa airport na pag-aari din niya. Tadhana nga naman' talagang umaayon sa akin ang pagkakataon. "Daddy' Mommy—alam kong masayang-masaya kayo ngayon' hindi dahil ikinasal na ako kundi dahil mabibigyan ko na kayo ng hustisya. I have now in my hands the woman who will help me so I can give you justice!" Ngumisi ako habang inaalala ko ang magandang mukha ng Cervantes na iyon. Just like her Mom—she has beauty, her name suits her perfectly, "Antheia" goddess of flowers. She was like flower blooming with her inherent beauty. Ang sarap niya sigurong pitasin, sariwang- sariwa pa. How would it feel if I could pick one of the freshest and most beautiful flowers of Cervantes family? Ang sarap siguro sa pakiramdam. Hindi na ako makapaghintay pa na pitasin ang sariwang bulaklak na iyon. Fate also had its way, Antheia didn't end up with that Blake Romualdez because she was destined for me. She was destined for me to be the payment for her parents' debt. Antheia Cervantes would be the price of justice. Hawak-hawak ko ang marriage certificate namin at ang card holder sa aking mga kamay ng biglang tumunog ang aking cellphone. Ibinaba ko ang hawak ko sa aking kama upang tingnan kung sino ang tumatawag. Dinampot ko ang aking cellphone. Thaddeus is calling... "Yes' bro?" Bungad ko. "Oh' man, where are you? Nasa hidden garden restaurant na ako." Saad naman nito mula sa kabilang linya. "I am already here at the hotel," "What?! Oh man, ano ba'ng nangyayari sayo Magnus?" "Just come over' dala mo ba ang mga kailangan kong information?" "Yeah' I have in my hands." Napapangiti ako sabay putol ko sa usapan namin ng kaibigan ko. Pagkagaling ko ng restaurant kanina kung saan sana kami magse- celebrate ng kasal namin ng Cervantes na iyon—dumeretso kaagad ako ng hotel. Mabuti na lamang at hindi ito nalalayo Ang restaurant na iyon sa hotel kung saan ako naka- check-in dito mismo sa lungsod ng Santiago. Ilang sandali pa, dumating narin si Teddy. "Bro," nasuntok pa niya ako ng bahagya sa balikat at napapabuga sa hangin. "Balak mo ba akong pagurin ermitanyo ka? Ito na 'yong kailangan mo!" Sabay abot sa akin ng isang brown envelope. Napapangiti naman akong kinuha iyon. "Thanks bro, maaasahan ka talaga. I love you Teddy," saad ko sabay kaming nagtawanan. "Kung hindi ko lang alam na mahilig ka sa babae' iisipin kong nababakla kana sa akin bro." Natatawang saad pa nito sa akin. "Hahahah! Sira-ulo!" Napapailing na lamang ako sa kaibigan ko. Naupo kaming dalawa sa sofa at dito binuksan ko ang dala nitong brown envelope. "Hmm.." habang inisa-isa ko ang lahat ng laman niyon. Mga papeles na kailangan ko. Mga karagdagang impormasyon ukol sa pamilyang iyon. Nangunot ang noo ko ng maagaw ng pansin ko ang mga larawan na nakapaloob doon. "Who is this?" Turo ko sa isang lalake doon sa picture. "That is Achilles Cervantes—the CEO of Cervantes Realty. Anak- anakan siya ni Attorney Kurt Cervantes. Actually bro' anak siya ng policewoman na iyon' si Major Khiara Querubin Cervantes, remember?" Saad pa ni Teddy sa akin na siyang ikinatigil ko bigla. "That policewoman!" Tiim bagang na saad ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng policewoman na iyon. Mula sa aking kamusmusan nakatatak na ang mukha ng policewoman na iyon sa isipan ko. "And take a look at this one bro," Teddy handed me a photo of a young lady. "Antheia Cervantes, the only daughter of Attorney Kurt Cervantes' who's a prosecutor now. That young lady is the manager of Achilles Paradise bro," titig na titig ako sa larawan ng babaeng ito na ngayon ay asawa ko na. Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Ngumiti ako bago ko nagawang muling magsalita. "This is it bro!" Saad ko. "Magnus pare' talagang itutuloy mo ang plano mo?" Tanong nito sa akin "Yes, and no one can stop me now!" Marring turan ko kasabay ng pagtayo ko. Mula sa aking kinauupuan na sofa naglakad ako patungo ng aking kama at kinuha ang inilapag ko doon na kapiraso ng papel. "Even your Mamita and Papsy?" Muli ay tanong ni Teddy. Huminga ako ng malalim— "Yes, 'cause I am doing this not just for myself but for them. Nag-iisang anak nila si Daddy, at alam ko Teddy, nakita ko kung paano sila nasaktan at nagdusa sa pagkawala ng nag-iisang anak nila! That is all because of the Cervantes's! Oras na para maningil Teddy, oras na!" Kasabay ng pagtiim- bagang ko' ang pagyukom ng aking mga kamao. Pati ang papel na hawak ko ay dumausdos pababa sa sahig. Walang anumang salita na pinagsusuntok ko ang puting pader sa aking kwarto dahil sa sobrang galit ko. Isang mabangis na leon kung maiituring ako ngayon, isang leon na umaatungal dahil sa sobrang galit. "Pare tama na!" Nakayuko ang ulo ko na nakaharap parin sa puting pader, pati ang pag-agos ng pulang likido mula sa aking mga kamao ay hindi ko na alintana. "Arrggg!!! I swear Teddy, ipapakita ko sa kanila ang bangis ng isang Magnus Roberts. Ipaparanas ko sa kanila ang sakit kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Ipapakita ko sa mga Cervantes na iyon' na hindi lang sila ang may karapatan na bumawi ng buhay!" At dito hindi ko namamalayan ang pagpatak ng aking mga luha. Tears of a child who lost a parent. Tears of a child who wanted nothing more than to have a happy and complete family. But because of heartless—soulless people, I was deprived of living with my parents. "Enough Magnus! Pare ano ba?!" Pinagsusuntok at pinagsisisipa ko ang puting pader ng aking kwarto. At si Teddy na pilit akong itinutulak at pinipigilan. "Magiging akin ang huling halakhak Teddy! Arrrgggg!!!" Sobrang galit ko, sobrang sama ng loob ko. Ang dibdib ko ngayon na tila isang bulkan na nagbabadyang sumabog dahil sa labis na galit ko sa mga Cervantes. Tumayo ako at naglakad upang pulutin ang kapiraso ng papel na nahulog ko kanina. Pagkapulot ko ay kaagad ko itong iniabot kay Teddy. "What is this? Wait, your bleeding! Sandali lang at lilinisin ko muna yang sugat mo!" Saad pa nito sa akin. "No! Hindi ito masakit' mawawala din ito maya-maya lamang. Just take a look on that piece of paper Teddy." Tiningnan nga ito ni Teddy at ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla. "Wa-what?! Ano ito?!" Gulat na gulat na bulalas ng kaibigan ko. Inasahan ko na itong mangyayari—dahil sino ba naman ang mag-aakala na ang isang katulad kong dadalo lamang sa isang kasal ngunit ako pala itong ikakasal? "Man! Gosh! You're married? Wi-with that girl?" Hindi halos ito makapaniwala sa kanyang nakita. "Now tell me, bro, isn't victory within my reach now?" Umiling-iling ito sa akin dahil hindi parin siya makapaniwala sa kanyang nakita. "How could you do this Magnus?!" Naguguluhang tanong niya. At dito naipaliwanag ko sa kanya ang lahat. Kung paanong humantong na asawa ko na ngayon ang pinakamamahal na anak ng taong kinamumuhian ko. Ang nag-iisang prinsesa ng isang Attorney Kurt Cervantes. "See' umaayon sa akin ang agos ng buhay Teddy. At ang babaeng iyan ang gagamitin ko upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko laban sa kanyang mga magulang." "Bro, natatakot na ako para sa'yo! Malaking tao, malaking pamilya ang babanggain mo' isang prosecutor bro!Please, huwag mo ng ituloy kung ano man 'yang binabalak mo! Magnus, pare' gugustuhin mo ba'ng mangyari sayo ang nangyari sa Daddy mo? What about your Mamita and Papsy? Paano sila bro?" Patuloy na pakiusap sa akin ni Teddy. "Hindi ako natatakot sa kanila, bro! Kung makapangyarihan sila—makapangyarihan din ako. Kung hawak nila ang batas' pwes, hawak ko na sila sa leeg ngayon! This is because of his beloved princess!" Maging sina Mamita at Papsy ay hindi sang-ayon sa kagustuhan kong makapaghiganti—ngunit dito ko nakikita ang aking sarili, magiging masaya lang ako kung magawa ko ng mabigyan ng hustisya ang aking mga magulang. Especially Daddy, na nakita ko kung paano nila binawi ang buhay niya sa mismong harapan ko. "Magnus, makinig ka naman oh' come on man, isipin mo naman ang Lola at Lolo mo. Ikaw na lang ang natitira sa kanila. Paano na lang sila kung pati ikaw mawawala pa sa kanila?" "Nandiyan ka naman bro' alam kong hindi mo sila pababayaan. Ikaw na ang bahala sa kanila Teddy— dahil sa lalong madaling panahon, kailangan ko ng umpisahan ang plano ko! I need you' more than anyone else Teddy, I need you pare." Hindi ito nakaimik sa akin. Isang mahabang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "So what is the plan?" Kapagkuwan ay tanong niya. "Don't worry pare' dahil hindi naman si Magnus ang haharap sa kanila eh," Saad ko. Napakunot ang noo niyang napatitig sa akin. "Hah?! Pare, hindi kita maintindihan." Naguguluhan parin nitong tanong sa akin. "I will use Atticus. He is the only way I see to enter the lives of the Cervantes." Tugon ko na siyang lalong ikinagulat niya. "Wa-what?! Magnus!" napapailing nitong sabi sa akin kasabay ng pagkumpas niya sa dalawang kamay niya paitaas. "Are you out of your mind? Bro' ano ba'ng nangyayari sa'yo? Hindi na tama 'yang mga iniisip mo!" "Nasa katinuan pa rin ako Teddy at seryoso akong gagamitin ko si Atticus upang mapadali ang paghihiganti ko." "No! You can't do that!" Mariing tinututulan ni Teddy ang kagustuhan kong mangyari. "Kung hindi ko ito gagawin' sino ang gagawa nito para sa akin? Tell me Teddy, sino?!" kasabay ng paglangitngit ng mga ngipin ko. "You have all the powers Magnus' what is the use of money? Magbayad ka, I don't know ' basta hindi ako sang-ayon sa kagustuhan mo!" Muli ay pagtutol niya. "Bro' baka nakakalimutan mo, ipapaalala ko lamang sayo ah' matagal ng wala si Atticus sa buhay natin! Matagal mo ng pinatay si Atticus bro!" Huminga ako ng malalim. Inilagay ko ang dalawang duguang kamao ko sa loob ng bulsa ng pantalon ko. Naglakad ako papunta sa sliding door ng tinutuluyan kong hotel. Huminga ako ng malalim. Ngumisi ako saka ako humarap kay Teddy. "Sabi mo nga, nasa akin ang lahat ng kapangyarihan diba? Pwes, buhayin natin si Atticus." Nakangising saad ko. "Huh! Magnus, nababaliw kana ba?! Alam mo, tigilan mo na 'yang kahibangan mo sa mga Cervantes. Sa ginagawa mong iyan' mapapahamak ka lang bro!" Kahit ano pa ang sabihin nila ngayon sa akin, desidido na ako. Sa lalong madaling panahon' kailangan kong maibalik si Atticus. Wala akong nakikitang ibang paraan, kundi ang gamitin siya. "Actually, hindi ko naman talaga pinatay si Atticus eh' I just sent him away to keep him in silence. Ngayon panahon na upang siya ay bumalik, panahon na upang siya ay bumangon mula sa kanyang himlayan." Napapahilamos si Teddy ng kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad. "God! I really can't believed it Magnus! Paano mo nagagawa ito? Man, nilamon kana ng sobrang galit diyan sa puso mo! Pati ang taong matagal ng nananihimik' idadamay mo pa talaga dahil diyan sa kabaliwan mo! Bro, sana lang— sana lang hindi mo pagsisihan sa bandang huli ang lahat ng mga gagawin mo!" Napapailing nitong sabi sa akin. "Bro' ito na ang isa sa pinakamalaking laban ko sa buhay. Suporta niyo lang bro, sapat na sa akin. Huwag kayong mag-alala dahil kahit ano man ang mangyari, labas kayo dito. Laban ko ito, at hindi ko kayo idadamay." muli ay bulalas ko. Napabuntong-hininga naman ito sa akin. "At sa tingin mo ba' pababayaan ka naming mag-isa na lumaban? Para saan pa na magkakaibigan tayo? Hindi kita pwedeng pabayaan bro," Mahinahong sagot nito sa akin sabay hawak niya sa aking magkabilaang balikat. "Thanks bro," napangiti ako kay Teddy, ito ang isa sa mga gusto ko sa kanila. Bukod kay Lyndon na pinsan ko, si Teddy na bata pa lamang kami ay palagi ng nakasuporta sa akin. Mga kaibigan kong handang tumulong sa akin. Mga kaibigan kong maaasahan sa lahat ng bagay. "Get everything ready for Atticus' return. Gusto kong maging malinis ang pagbabalik niya bro' and one more thing— I don't want Mamita and Papsy to know anything about this." tumango- tango na lamang sa akin ang kaibigan ko. "Talk to Lyndon' pakisabi sa kanya ang plano at kung pwede lumuwas siya ng Manila sa lalong madaling panahon." muli ay utos ko kay Teddy. "Let's get ready to rumble! Let the battle begin!" napapangiting saad ko. Hindi man umiimik sa akin ang kaibigan ko, alam kong hindi nila ako iiwan. Katulad noong mga panahong lugmok ako. Noong mga panahong akala ko' puro na lamang kadiliman ang makikita ko. Mga panahong lubos akong nangungulila sa pagpanaw ng mga magulang ko. "Hindi man ako sang-ayon sa kagustuhan mo' maaasahan mo ang tulong namin Magnus. Katulad ng dati hindi ka namin iiwan. Laban mo, laban nating magkakaibigan, laban nating lahat." "Salamat pare, salamat!" saka bahagya naming niyakap ang isa't -isa. Nang araw ding iyon' lumuwas na kami pabalik ng Maynila. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa Romualdez. Ayon kay Teddy, nanggaling siya sa simbahan ng Saint James the Apostle Parish Church—at dito ko napag-alaman na natuloy din pala ang kasal ng Blake na iyon sa babaeng ipinalit niya kay Antheia. I smiled. Victory is within my reach. You, Antheia Cervantes, will be the compensation for the death of my parents. Antheia Cervantes—you are going to be the price of justice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD