ATTICUS FINNIAN POV: Tumatak sa isipan ko ang masalimuot na pangyayaring iyon sa aking buhay. Ang pagkamatay ni Daddy sa mismong harapan ko—ang mga mukha ng mga taong malaki ang kinalaman sa pagkawala ng aking Ama. Isang tuwid na alagad ng batas si Major Khiara Querubin Cervantes—dahil iyan ang palagi kong naririnig mula kay Papsy ngunit para sa akin isa siyang walang puso at mas masahol pa sa isang kriminal. Nasaan ang hustisya? Palagi kong naririnig na kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo—ikaw ay may karapatan pa din na ipagtanggol ang iyong sarili. Hindi man lang nila binigyan ng pagkakataon si Daddy, pinatay nila ito ng walang kalaban-laban—pinagtulungan nila. Nang mga sandaling iyon' binuhat ako ni Attorney Kurt Cervantes upang ilayo sa katawan ni Daddy. Panay ang pa

