Sorry

1350 Words
Kenaih's Point of View These past few days, iniiwasan ko ng makita at makasama si Gio. Kapag tinatawagan niya ako, lagi kong idinadahilan ang pagiging abala sa trabaho. Kahit na wala naman akong gaanong ginagawa. I have a ghostwriter kaya ang trabaho ko lamang ay maghintay at magbasa ng mga kwento niya. Iniiwasan kong pumunta sa set kaya marami akong tinanggap na advertising and modeling projects this week. Mas mabuti na ito kaysa sa magkaharap kami ni Gio. Hindi kami nag-away ngunit nakakasawa na ang paulit-ulit naming ginagawa tuwing nagsasama. Making love, plan for our future and be lovers in secret. It's not a crime to love someone but to love a famous actor like him, it is indeed forbidden. Isa pa, nami-miss ko na si Kalt. I wanted to see him or hear his voice but damn, he is not answering my calls. Yes, I cheated, pero kasalanan ko ba talaga lahat ng iyon? Loving someone involves Science, that's why I love doing experiments. Gusto ko lang malaman kung saan ako mas sasaya at sinong mas magaling. Mali ba na maghanap at mangilatis muna? Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng aking sasakyan. Nakasuot ako ng maluwag na itim na jacket at nakasumbrero. Nagsuot na rin ako ng glasses at mask upang hindi mamukhaan. It's six in the evening and I am craving for my favorite pasta. Si Kalt ang nagluluto at bumibili ng ingredients nito para sa akin, but I guess I have to cook it myself. Abala ako sa pamimili ng sangkap nang mahagip ko si Kalt na seryosong-seryoso na nakatuon sa mga spaghetti. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa tuwa dahil sa presensya niya. Ang kaninang matamlay at walang sigla kong sarili ay napuno ng enerhiya. Ngumiti ako ng todo at patakbo siyang nilapitan. Niyakap ko siya ng mahigpit galing sa likod na kanya namang ikinagulat. “Who are you? Will you let go of me?” masungit niyang taboy sa akin habang marahas na tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. “Calm down, Kalt. It's me,” tugon ko na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti. His familiar comforting scent and rudeness make me miss him more. “I miss you, babe,” I grinned as I continuously hugged his back. Kapansin-pansin ang hindi niya paggalaw at sandaling pananahimik. Nilubayan ko ang pagyakap sa kanya sa likod upang tuluyan na siyang maharap. His piercing eyes examine me. Hindi ko siya nakitang ngumiti o kababakasan ng kasiyahan, kahit kaunti. His eyes became hollow as we continue to stare at each other. “Hindi ka ba masaya na makita ako? I said, I miss you, Kalt. Ikaw ba, hindi mo ba ako nami-miss?” I caressed his face without minding the people around us. Napakagat ako sa aking labi nang bigla niyang iniwas ang kanyang mukha. “This is not the right place to talk, Kena,” he said and look around. “Let's talk outside,” he added that made me heaved a sigh of relief. I get it. Ayaw niya sigurong malaman ito ng parents niya. Akala ko, ayaw niya na talaga akong harapin. I'm glad that he's still my Kalt. Sana talaga mawala na si Felicia ng tuluyan para naman maging masaya na kami. Si Felicia lang naman ang panira at hadlang sa pagmamahalan namin. Napakalandi, nagplano pa talagang magpabuntis kay Kalt upang matali silang dalawa! Felicia's Point of View Tingin ako nang tingin sa labas kung nakarating na ba si Kalt pero wala pa rin. I am craving for spaghetti and he insisted on cooking kaya heto ako tuwang-tuwa na naman dahil inaasikaso. Hindi na gaanong malupit si Kalt sa akin subalit nagsusungit pa rin. He changed after knowing my condition. “Ang tagal naman ni Kalt,” bulong ko nang isang oras na ang lumipas. Bakit ba ang tagal niyang bumalik eh, hindi naman matao ang pinuntahan niya? May nangyari kayang masama? No! Umiling-iling ako sa aking iniisip at nilibang na lamang ang sarili sa panunuod ng telebisyon. Nakatuon nga ako sa tv pero ang imahe pa rin ni Kalt na nagluluto ng spaghetti ang nasa utak ko. Pangiti-ngiti pa ako habang nai-imagine na sinusubuan niya ako. While tending to my fantasy, Sara interrupted. “Ma'am Felicia, kumain na po kayo. Mukhang matatagalan pa ang balik ni Mr. Davenport.” “Okay lang, hihintayin ko na lang siya. Isa pa, gusto kong kumain ng spaghetti,” salaysay ko habang nakangiti. Kahit papaano ay nagiging okay na rin naman ang pakikitungo ni Sara sa akin sa ilang araw naming pagsasama. “Sigurado po ba kayo, Ma'am Felicia?” paniniguro niya na tinanguan ko. Ilang minuto pa ang nagdaan pero wala pa ring Kalt ang nagpapakita. I texted him pero wala man lang sagot. Nagsimula na akong mag-alala. Gusto kong makasiguro na ligtas siya kaya nagpasama ako kay Mang Ben at Sara na pumunta kung saan siya laging namimili. “Ma'am Felicia, wala po rito ang sasakyan ni Mr. Davenport. Baka nagkasalise po tayo,” wika ni Mang Ben na abala rin sa paglinga upang mahanap ang sasakyan ni Kalt. “Bumalik na po tayo, Ma'am Felicia. Huwag na po kayong mag-alala,” dagdag ni Sara na kasalukuyang hinahawakan ang aking balikat upang mapanatag ako. Nagdesisyon kaming bumalik at tama nga si Ben. Naroon na sa garahe ang sasakyan ni Kalt. Dali-dali akong bumaba ng kotse upang makita siya. Inaalalayan naman ako ni Sara na animo'y babasagin. Naabutan ko si Kalt na tahimik na nakaupo sa sala. Hindi siya tumingin sa direksyon namin kahit na narinig niya naman ang pag-uusap namin ni Sara. Binalewala ko na lamang ang pananahimik niya at tumayo sa kanyang harapan. “Are you alright? Where's the ingredients?” siyasat ko na inilibot ang tingin sa paligid niya. “Nahirapan ka bang bumili? It's fi—” Naiwan sa ere ang aking mga salita nang sa muling pagbaling ko sa kanya ay iritasyon ang una kong nakita. He gave me that stern look and his eyes narrowed sharply. Nanlamig ang buong katawan ko pati na rin ang aking pawis. Ganito rin ang ekspresyon niya noong nag-propose siya sa akin. Wala akong ideya kung bakit siya umaakto ng ganito ngayong okay na naman kami. “Where have you been?” maotoridad niyang tanong. Pakiramdam ko ay lalayasan na ako ng lakas sa aking mga tuhod. Kapag hindi ko siya nasagot ng tama, maaaring sumabog ang galit na pinipigilan niya ngayon. “Nag-aalala lang po si Ma'am Felicia sa inyo Mr. Da—” sabat ni Sara na natigilan din sa biglaang bulyaw ni Mr. Davenport. “I told you to stay, Felicia! Bakit ba hindi mo makuha-kuha iyon? Ang tigas talaga ng ulo mo 'no?” iritadong sabi niya na napapikit bigla nang makita ang ekspresyon ko. Nangingilid ang luha ko ngayon. Ang sakit lumunok na para bang may namuong kung anong bagay sa aking lalamunan. Sa bawat paglunok at pagpipigil ko ng luha, sumasakit na rin ang aking dibdib. “Sana pala utak mo na lang ang nabuntis nang dumami at lumaki naman kahit papaano. Simpleng bilin hindi pa masunod,” he murmured while crossing his arms. Hihingi na sana ako ng tawad kung 'di ko lang nahagip ang maliit na bakas ng lipstick sa kanyang damit. Ngayon, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Natagalan si Kalt at bumalik ang galit niya sa akin dahil sa isang rason. Maaaring nagkita na naman sila ni Kenaih. Sino pa ba 'di ba? Lumunok ako at pairap siyang binalingan. Mas lalo lamang siyang nainis sa biglaang pakikitungo ko sa kanya. “You are not even sorry?” usisa niya na hindi makapaniwalang sinusungitan ko siya pabalik. “Fvck you, gago!” I scowled as I raised my middle finger in front of him. Pinaghintay at pinag-alala niya ba naman ako sa walang kwentang dahilan. Sinayang niyo ang oras ko! Kainis talaga! Tinalikuran ko siyang laglag ang panga sa ginawa ko. Dala na rin siguro ng galit kaya nagawa ko iyon. I don't normally cuss but I can't help it whenever we argue. Sorry but I'm not sorry at all, Kalt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD