Final Chapter Shayphan's Papasok pa lang ako sa entrance ng building ng opisina ni Gareth ay nakangiti na akong sinalubong ng security guard duon. Tanging tango at magalang na ngiti na lang ang naigawad ko sa kanya. Kilala na ako ng mga staff dito dahil malimit kami bumisita ng anak ko kay Gareth. Karga-karga ko si Grapes habang bitbit ko din yung lalagyan ng mga pagkain na ako mismo ang nag prepare para sa binata. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang sa cloud nine habang binabalik-balikan sa isip ang mga nangyari sa loob ng nakalipas na apat na buwan. Naging official na ang relasyon namin ni Gareth at dahil yun sa kabaliwan ng mga kaibigan niya na nakatikim ng tig-iisang batok kay Gareth. Umalis din muna ng bansa si Carl para daw makapag-isip pero palagi pa din kami nag u
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


