CHAPTER 15: YOU DID NOT "MA'AM, hindi ko po talaga kilala 'yon. Kusa lang po siyang lumapit sa 'kin no'ng nakaraang araw—" "I told you to stop," pigil ko sa kaniya. I don't care!" Umirap ako. May kung anong binilong siya ngunit hindi ko narinig. Kanina pa 'yan. Paulit-ulit. Sabi nang wala akong pake, hindi pa rin matahimik. Wala naman talaga akong pake kung lapitan siya ni Ella o kung sinuman. It's okay. Huwag lang sa oras nang trabaho. Nandito siya para sunduin ako hindi para makipagharutan sa mga babae. Nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin sa pamamagitan ng salamin. I just rolled my eyes every time our eyes met. Nang huminto ang sasakyan dahil nasa pula ang street light muli na naman siyang nagsalita. "Wala lang talaga iyon, ma'am—" "Ano ka ba!" sigaw ko, inis na dahil paulit

