Maliban sa pagkapanalo niya sa gabing iyon, hindi niya inaasahan na ang makakaparehas niya sa buong gabi ay ang ex-boyfriend niya. Alas kwatro ng hapon nang makarating si Danica sa school nila. “Mag-iingat ka paglabas, ha. Tingnan mo ang dinadaanan mo at dito ka na sa kanan lumabas dahil baka may biglang dumaan na sasakyan,” paalala ng Papa niya. Ang taxi na minamaneho ni Joventino ang naghatid sa kaniya papunta sa school nila. Sa field lang ng school ginanap ang Junior and Senior High Prom nila dahil sa kakaayos lang nitong amadome. “Ingat ka, Papa,” ani Danica. Pababa na sana siya nang may mapansin ang Papa niya sa likuran na upuan. “Grabe naman ‘yang glitters mo. Ang kalat sa upuan,” puna nito. Napatingin naman doon si Danica. Bahagya siyang natawa. “Hala… oo nga. Sorry, Pa,”

