SINGLE

1306 Words
VIRGO's P O V " Magandang tanghali! N- Naistorbo ko yata ang pamamahinga mo? " kiming tanong ni Brent nang makalapit ako sa kanyang kinauupuan sa sofa. Bigla siyang tumayo para nga bumati sa akin, si Mama naman ay gumawi sa kusina. " Magandang tanghali rin naman! Okay lang, nabuburyong na nga ako rito sa loob ng bahay e! Gusto ko nang bumalik sa trabaho ko sa bar. " tugong bati ko naman sa kanya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag simangot niya sa aking sinambit " Maghanap ka na lang ng ibang trabaho, mayroon namang iba na hindi kailangan ng college diploma. " pahayag pa niya at isinenyas ko sa kanyang maupo na kami " Ano namang trabaho? " balik kong tanong sa kanya Natameme naman siya at walang maisagot. " Sumabay ka na sa aming kumain, Brent! " singit na aya ni Mama kaya tumayo na ulit ako " Tara! Kain muna tayo. " aya ko na rin sa kanya dahil napa tulala pa siya sa aking tanong Naramdaman ko namang sumunod siya sa amin sa kusina at umupo na sa hapag kainan. " Ano 'to, Ma? Luto mo ho? " takang tanong ko sa isang putahe na hindi ko alam ang tawag " Hindi, dala 'yan ni Brent! " saad naman niya sabay upo rin sa tabi namin ng bisita naming alagad ng batas " Ahm, g- galing kasi ako sa amin, nag- birthday ang Mommy ko kaya ilang araw akong wala. Pinabaunan niya ako niyang Igado na specialty niya. " sambit naman nito " Ahhh! Okay! Mukhang masarap! " wika ko naman tsaka ko nag sandok niyon at inilagay ko sa aking plato " Virgo, ikaw na nga ang kumuha ang inumin natin, nakalimutan ko pala. " utos ni Mama kaya binitiwan ko muna ang hawak kong kubyertos at tumayo ako para kumuha ng pitcher sa ref. " Virgo? " puno ng pagtatakang ulit ni Brent sa pangalan ko " Oo! Magdalena Virgo ang pangalan niya. Kami lang ng Papa niya ang tumatawag sa kanya na Virgo mas gusto niya kasi sa labas ay Magda siya. " naka ngiting paliwanag naman ni Mama, tatango- tango lang si Brent at nag- umpisa nang sumub0 " Ayan pa pala anak, ang dala ni Brent na mga prutas! " turan ni Mama sabay turo ng kaing sa gilid ng lababo na punung- puno ng iba't ibang klaseng mga prutas " Huh!? Ang dami mo namang dala! Taga saan ka ba!? " sambit ko naman nang makabalik na ako sa aking silya " Taga- guadalupe ako. " kiming tugon naman niya Kilala kasi ang lugar nila sa mga palayan at bukirin. Kaya siguro maraming dalang mga prutas. At kaya pala ilang araw na hindi nagpakita o nagparamdam ay umuwi pala sa kanila. Buong akala ko pa naman ay dahil abala sa trabaho. " Bakit naman dinala mo na yata rito lahat? Hindi ka nag- iwan ng para sa'yo! " sambit ko naman at pinag patuloy ko na rin ang pagkain. " Mayroon pa naman, marami ang pinadala ni Daddy kaya dinala ko nga rito ang iba, hindi ko naman kasi mauubos lahat, masasayang lang kapag nabulok. " wika pa niya Hindi na ako naka sagot gayundin si Mama kaya tahimik na lang naming inubos ang aming mga kinakain. " Mamasyal na lang tayo sa mall, maaga pa naman para sa trabaho mo sa bar mamaya. " aya naman niya pagkatapos naming kumain " Huh!? " hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko Hindi pa nga ako nakaka huma sa biglaan niyang pag punta rito at sa mga dala niyang pagkain tapos aayain naman niya akong mamasyal sa mall. " Sumama ka na, Virgo, para malibang ka naman! Nag bakasyon ka nga sa trabaho mo pero nagmu mukmok ka lang naman sa k'warto mo! " pag tataboy pa ni Mama sa akin, " Akala ko aayain mo si Fatima na mamamasyal kayo? " dugtong pa niyang wika, ito lamang ang kilala niyang kaibigan ko na kasamahan ko sa sindikato Kaya nabitin sa ere ang pag tanggi ko dahil sumingit nga si Mama sa usapan namin ni Brent. " Opo! Eto na! Magbibihis na! " pag sukong tugon ko na lamang tsaka iniwanan sila sa kusina at tinungo ko na ang pabalik sa aking silid Kung ano- ano pa kasing sermon ang binanggit ni Mama na kesyo puro ako trabaho at nakalimutan na ang sarili ko. Kaya nga raw hanggang ngayo ay hindi pa ako ako nagkaka nobyo. Nasasabik na raw siya sa apo. Tinanong pa kung kailan ko raw siya bibigyan niyon na akala mo nabibili lamang sa supermarket kung humiling. Kaya naman naririnig ko pa ang pigil na tawa ni Brent. Maong pants at blouse ang sinuot ko tsaka doll shoes at sling bag, hinayaan ko namang nakalugay ang lampas balikat kong buhok dahil basa pa. " Let's go?! " tanong pa niya nang makababa na ako sa aking silid " Yeah! " kiming saad ko naman, " Ma, aalis na po kami! " paalam ko naman sa aking Ina " Sige! Kahit hindi na kayo bumalik este mag- iingat kayo! " tugon naman nito na ikinapula ng mukha ko Dinig ko naman ang mahinang tawa ni Brent. " Baka mamaya magulat na lang ako may sumabunot na sa buhok ko! Kapag may nakakita sa atin na ako ang kasama mo? " pahayag ko naman kay Brent nang umaandar na ang kotseng dina- drive niya " H'wag kang mag- alala, walang magagalit tsaka single na single ako! " natatawang tugon naman niya sabay kindat sa akin, kaya naman ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko nang lumingon ako sa kanya at nag tama ang aming mga paningin. Kaya naman hindi na ako kumibo at tahimik na lamang na bumaling sa bintana sa gawi ko para ikubli ang pamumula ng aking mukha. " Wala ka bang trabaho ngayon? " tanong ko ulit nang maalala kong uunti- untiin ko nga palang mag- usisa sa minamanmanan niyang grupo. " Hangganga ngayon ang leave ko, bukas pa ako magre- report sa prisinto. " tugon naman niya na hindi lumilingon sa akin " Matagal ka na sa trabaho mo? " " Yup! Sampung taon na. P- Pwedeng Virgo na lang din ang itawag ko sa'yo? " tugon niya kasunod nang tanong " Okay lang. " kiming saad ko naman Lumukob ulit ang katahimikan sa loob ng sasakyan dahil wala na akong maisip na itatanong. Nakahiyaan ko nang itanong ang tungkol sa nais kong malaman. " Ikaw, ilan taon ka nang nagta trabaho sa bar? " usisa naman niya kaya mabilis ko lamang siyang nilingon at ibinalik ko na ulit ang tingin sa aming dinaraanan. " Anim na taon, mula nang huminto ako sa pag- aaral. " " Bakit hindi ka nagpa tuloy sa pag- aaral mo? Isang taon na lang pala? " Napa nguso naman ako, nagda dalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang dahilan o hindi. Kaya naman napa hugot muna ako ng malalim na buntong- hininga. At namalayan ko na lang na nagkwe kwento sa kanya ng dahilan ko. " Tsk! Dapat nga nagtapos ka, ipinakita mo sa Papa mo na kahit wala siya at hindi siya tumulong ay kaya n'yo ng Mama mong mabuhay. " opinyon naman niya " Para nga kasing gumuho ang mga pangarap ko noon para sa aming pamilya. Ang mataas kong pag tingin at pag hanga sa kanya tapos nagka sakit nga kasi si Mama na kailangang bumili ng maintenance niya na gamot. Ayoko kasing tumanggap sa kanya noon ni singko kaya kinailangan kong huminto sa pag- aaral at mag trabaho. " Hindi na siya nakakibo dahil papasok na sa parking lot ng mall ang sinasakyan namin. Ilang sandali pa ay wala pa ring nag sasalita sa amin na pumasok na sa loob ng mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD