BAR

1143 Words
MAGDA's P O V " Magda! Beer pa raw sa table number six! " pa sigaw na utos ng kasamahan kong waiter sa akin, may bitbit naman siya na tray na may naka patong na mga basyo ng bote ng inuming nakaka lasing. " Sige! " ganting tugon ko at kumuha na nga sa aming Barista ng kailangan ng aming mga customer na isang grupo ng mga lalake na tantya ko ay nasa edad trenta na ang mga ito. Ilang sandali pa ay inilalapag ko na sa table nila ang kanilang mga order. " Miss, baka pwede ka na ilabas? Ang tagal na naming customer dito, pag bigyan mo na kami. " ungot ng isang lalakeng medyo may katabaan sa akin Mahina naman kasi ang tunog ng aming sound system kaya nagkaka rinigan pa rin kahit hindi mag sigawan h'wag lamang bubulong. " Hindi ho talaga ako lumalabas, iyon pong ibang kasamahan kong Waiter ang ayain n'yo. " magalang naman akong tumanggi sabay prisinta sa ibang kasamahan ko ngang sumasamang lumabas sa ibang customer ng aming bar. " Ikaw ang gusto namin e! Kahit magkano, Miss, sumama ka lang sa amin kahit ngayong gabi lang. Kahit magkano ang i- presyo mo. " pangungulit pa ng isang lalake na maputi at nag sabi pa nga kung magkano ang ibabayad sa akin Nag pigil lamang ako nang tawa, hindi ko lang masabi sa kanilang ang perang inaalok nila ay sandaling oras ko lamang sa trabaho ko sa aking Bossing. Halata naman sa kanilang mga kutis at pnanalita na galing sila sa may kayang pamilya. Hindi naman kasi basta- basta itong aming bar, kung minsan pa nga ay may naliligaw pa ritong mga artista. " Hindi ho talaga pwede, pasensya na, iyong iba na lang po ang ayain n'yo. Sige po, balik na ko sa counter at tawag na lang po kayo kapag kailangan n'yo pa ng beer. " magalang konoang saad sa kanila sabay talikod para bumalik nga sa pwesto naming mga Waiter para mag- abang sa mga customer kung ano pa ang kailangan nila. Maliban na lamang syempre sa aking ini ingatang pagka babae. Ganito ang routine ko gabi- gabi, malayong- malayo sa trabaho ko sa araw na puro aksyon. Kaya laging b@ril ang hawak ko, kung tutuusin nga ay pwede na akong hindi mag trabaho rito sa bar dahil sa laki nang kinikita ko sa pag trabaho ko kay Bossing. Ayoko lamang pag- alalahanin ang aking Ina sa uri ng aking trabaho sa araw. Sigurado kasing mag- uusisa siya, kung bakit sandaling oras lamang ang aking trabaho. Kapag kasi na tapos na ang aming misyon at naghi hiwalay na kami para hindi kami matunton ng mga alagad ng batas. Iba rin ang aking suot ngayong gabi. Kung sa araw ay halos balot ang buong katawan ko. Dito ay tila kinapos sa tela ang aking kasuotan. Kaya siguro hindi makapag pigil ang mga lalake sa akin na ilabas ako ay dahil halos lumuwa na ang aking malulusog na hinaharap. Tube blouse lamang kasi ang suot ko tsaka skirt na maigsi rin na kapag yumuko ay makikita na ang panloob mo pero naka suot naman ako ng cycling short. Dahil hindi mo masasabi ang mga tao lalo na kapag nasa impluwensya na nang inuming nakaka lasing. Hindi naman na ako kinulit ng grupo ng mga lalake sa table six hanggang sa magsi uwian ang mga ito. Naging smooth naman ang sumunod na oras sa bar, walang nang gugulo o maiingay na customer at nam babastos na mga Waitress. Hanggang sa mag sarado na kami. " Bye, Magda! See you tomorrow! " paalam sa akin ng mga kasamahan ko nang pumara ako ng jeep pauwi sa amin, iba kasi ang way ko kaysa sa kanila. " Bye! Ingat kayo! " tugon ko naman na may kasamang kaway Hindi naman nag tagal ay umandar na ang jeep na sinasakyan ko. Hindi ko dinadala ang aking motorcycle kapag naka- duty ako sa Bar. Katwiran ko kasi ay iba ang aking pagkatao kapag naka sakay ako roon. Tsaka madaling araw na ang uwi ko baka antukin ako sa daan habang sakay niyon ay maaga kong makilala si San Pedro. Paano naman ang aking Ina na siya na lamang pamilya ko. Sumama nga kasi sa ibang babae ang aking Ama. Kaya kami lamang mag- ina ang namumuhay. Ako lamang naman kasi ang naging anak nila pero marami akong naging kapatid sa aking Ama. Nakikita ko kasi kapag nag- i- scroll ako sa aking socila media accounts. Lagi ko naman ina- unfriend ang account ng aking Ama subalit makulit ito at panay papansin. Nag- message pa nga sa akin kung bakit ayaw ko raw i- confirm. Duda naman akong baka iyong kabet niya lamang ang nag- friend request sa akin tsaka nagme- message. Para makita ko nga naman kung gaano sila kasayang pamilya. Kaya para lamang mag lubay na ay in- accept ko na pero hindi ako nagre- react o nagko- comment sa mga post niya. Dahil din sa pang- iiwan ng aking Ama sa aking Ina ay hindi na tuloy ako naniniwala sa salitang pag- ibig o pag mamahal. Kaya tinatawanan ko na lamang kapag may umamin ng kanilang nararamdaman sa akin. " Sa kanto lang po. " wika ko sa jeepney Driver, inihinto naman nito smat bumaba ba ako. Kaunting lakad pa ay bahay na namin. May sarili naman akong susi kaya iyon ang ginamit ko para maka pasok ako sa loob. At hindi na rin maistorbo ang aking Ina sa kanyang pagkaka tulog. Pagka pasok ko ay nag half bath lamang ako at nahiga na sa aking malambot at malapad na kama. Ilang minuto muna akong nakipag titigan sa madilim na kisame bago ako dinalaw ng antok. Kahit naman puyat nang nag daang gabi ay maaga pa rin akong nagising. Gayunpaman ay nag babad muna ako sa aking kama habang nanunod ng palabas sa netflix. Nag- text na kasi ako sa aking Ina na wala akong pasok ngayon sa 'opisina' dahil umalis ang aming Bossing kasama ang pamilya. Para hindi na niya ako gambalain dito sa aking silid. Hindi pa naman kasi ako nagugutom, mamaya na lamang ako lalabas kapag kumalam na ang aking tiyan. Hindi naman kasi kami gumagawa ng misyon kapag nasa bakasyon si Bossing. Dahil ito ang nag bibigay nga nang task sa amin. Naka monitor din kasi sila mula sa aming 'opisina' kung kami ba ay nasa panganib kapag nasa misyon kami. Para ma timbrehan nila kaming umalis na sa lugar kapag nasa hindi kami magandang sitwasyon. Lumabas nga lamang ako ng k'warto para kumain. Pagkatapos ay bumalik din ako agad para bumawi nang tulog at manood nga ng palabas. Dahil mamayang gabi ay mag- duty ulit ako sa bar kinabukasan naman ay may misyon na ulit kami kaya sa ngayon ay susulitin ko na makapag pahinga para may lakas ulit para makapag trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD