Mababaw lang ang naging tulog ko kaya nang marinig ko na ang mahinang hilik niya ay gumawa na ako ng paraan para makaalis sa tabi niya. Dahan-dahan kong tinangal ang kamay niya sa tiyan ko at umusod ako para makababa sa kama. Mabuti na lang tulog mantika na siya kaya hindi na niya naramdaman ang pag-alis ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makababa na ako. Inayos ko ang kumot sa katawan niya para hindi siya lamigin saka ako napatitig sa kanyang maamong mukha. Kung totoo nga ang sinasabi niyang hindi pa siya nagkaka-girlfriend parang napaka-imposible naman ata noon. Sa gwapo niyang iyan! Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, mapula ang mga labi at makinis din ang kanyang balat sa mukha. Matikas din ang kanyang katawan. Siguro kaya desperado na si Ms. Caroline na ipagtapat sa kanya ang

