Chapter 26 Aliyah Veda Gonzales ANTOK na ANTOK pa rin ako pagbangon ko, wala akong tulog. Pagkatapos kong umalis sa kwarto ni Johan kagabi, diretso ako sa dati kong kwarto, doon ko ibinuhos lahat ng pigil kong luha. Hindi naman nagtagal, napagod din ako sa kaiisip at nakatulog, pero pagkagising ko ngayon...parang mabigat pa rin ang dibdib ko. Kailangan kong gumising nang mas maaga. Kailangan kong umiwas kay Doñya Carmelita. Kilala ko siya, she's always up early. Hindi pwedeng makita niya akong natulog sa dati kong kwarto. Kahit hilo pa ako at maga pa ang mga mata ko, dumiretso ako sa kusina.mPero bago ako makarating doon, may humarang. Si Gillian.mNakapamewang. Maganda pa rin kahit umaga. Pero ang ngiti? Malisyoso. Mapanlait. Alam kong may sasabihin itong hindi maganda. "Well, we

