"I love you, honey!" Yumakap sa kaniya ang babae at tinangkaan siyang halikan sa mga labi.
"Get off. We're done. You're not even my girlfriend." Mabilis na nailayo ni Brian ang mukha sa babae sabay tulak palayo dito. Parang nagsisisi siya at nandidiri nang matapos ang kanilang pagtatalik.
"But we can be, right?" Muli nitong sinubukang pumulupot sa kaniya pero mabilis siyang bumangon at tumayo sa gilid ng kama.
Isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat niyang damit sa sahig at mabilis na nagbihis. Pagkuwa'y kumuha siya ng lilibuhin sa kaniyang wallet at ibinato sa nakahubad na babae.
"Your payment. And don't ever try to contact or meet me again. Or else gusto mong masira ang buhay mo."
Hindi na siya nag-atubili pang marinig ang sasabihin nito. Mabilis na siyang lumabas ng pinto ng kanilang kuwarto at sumakay ng elevator pababa sa lobby ng hotel. Deretso siya sa kaniyang itim na kotse at nag-start ng engine.
It was just eight o'clock in the evening at masyado pa iyong maaga para sa isang Brian Fortaleza. Medyo busog pa naman siya kaya wala sa listahan niya ang magpunta sa restaurant. Sinimulan na niyang patakbuhin ang kaniyang sasakyan habang nag-iisip kung saan muna magpapalipas ng sandali.
Binuksan niya ang stereo upang malibang sa music. Pagkuwa'y tumunog ang kaniyang cellphone at ikinabit ang bluetooth headset sa kaniyang magkabilaang tainga.
"Bakit twenty thousand lang ang ibinigay mo sa akin? Fifty thousand ang usapan natin, ah!" agad na singhal sa kanya ng babae sa kabilang linya.
Nakilala niya agad kung sino.
"Haven't I told you not to contact me again? Gusto mo talaga masira ang buhay mo, ano?" sagot niyang pasinghal din.
"Hindi kita kokontakin kung tumupad ka sa usapan natin. Balikan mo ako dito at dagdagan mo ang bayad mo!"
The heck! Kung bakit kasi kulang ang dala niyang cash sa wallet. Ayaw niya namang pagkaabalahang ipag-withdraw pa ito dahil hindi niya ugaling makipagkita ulit sa mga babaeng nagamit na niya. Saglit siyang nag-isip kung paano masosolusyonan iyon.
"The necklace," aniya sa babae. "That almost costs two hundred thousand pesos, ibenta mo kung gusto mo."
Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang tawag. Agad din niyang inilagay sa blocklist ang numero ng babae upang hindi na ito makatawag ulit.
Ipinagpatuloy niya ang pagda-drive nang walang destinasyon. Mayamaya ay natanaw niya ang malaking billboard ng Fortaleza's Gems and Diamonds. Ine-endorso iyon ng isang sikat na artista na medyo silip ang cleavage sa mababang neckline ng damit.
May naalala siyang bigla. Napangiti. Si Yrma, ang babaeng kasama niya sa hotel kanina na ngayon ay nasa blocklist na niya. Binayaran niya ito upang magpanggap na girlfriend niya para manggulo sa store kanina. Well, he just wanted to confirm such a person. At nagtagumpay naman sila sa plano. That credit card she used was from his friend's cousin na maxed na ang limit.
Napagpasyahan niyang magmaniobra sa mall na pinuntahan nila kanina. Malayo pa lamang siya ay tanaw na niya pakay na biglang naghatid ng pilyong ngiti sa mga labi niya.
....
ISANG itim na kotse ang tumigil sa harap ni Irish. Naglakad siya ng ilang hakbang upang makalayo dahil nakaharang ito sa pag-aabang niya ng taxi.
Ngunit umandar ang kotse paharap ulit sa kaniya. Doon siya nagtaka dahil wala naman siyang kakilalang may itim na sasakyan.
"Sakay." Biglang bumaba ang bintana ng kotse sa gawing driver's seat at isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig.
"N-No," natutuliro niyang tugon nang makilala kung sino ang taong iyon. Biglang kumabog ang dibdib ni Irish kasabay ng pag-alala niya sa naganap kanina sa may jewelry store.
"Sabing sakay," pamimilit nito, and this time, mas lumakas at tumigas ang tono ng pagkakasabi nito.
Isang taxi ang nakita niyang paparating at mabilis siyang dumistansya sa kotse upang parahin iyon. Ngunit mas naging mabilis ang reflexes ni Brian. Nakita na lamang niyang bumababa ito sa kotse at tiim-bagang na nakatingin sa kaniya.
"What's your problem?" asik nito na animo matagal na siya nitong kakilala. Ilang segundo pa at nakatayo na ito sa kaniyang harapan.
"P-Parang ikaw ang may problema, Mr. Fortaleza," aniya sa halos mangatal na boses. Ni hindi niya masalubong ang mga mata nito.
"Nakailang ulit na akong sabi na sumakay ka." Sa pagkagulat ni Irish ay hinaltak nito ang kaniyang braso palapit sa may passenger's seat. Agad nito iyong binuksan at halos ipagtulakan siyang isakay.
Hindi pa siya maayos na nakauupo ay pabalya na nitong isinara ang pinto. Tinangka niyang lumabas ngunit mabilis itong nakaliban sa kabila at nakaupo sa may driver's seat. Muli nitong sinaklit ang kaniyang braso bago ini-lock ang bawat pinto ng sasakyan.
"Don't ever try," pagbabanta nito at binuksan na ang engine.
Panay naman ang linga sa labas ni Irish kung may guard o tao bang nakakita sa ginawa nito sa kaniya. Ngunit wala siyang maaninag dahil may kadiliman ang parteng iyon na sakop ng mall. At isa pa ay tinted ang salamin ng sasakyan kaya walang makakapansin sa kaniya kung sakali.
"B-Bakit mo ba ginagawa ito? Anong kasalanan ko sa'yo?" halos maluha niyang sambit habang tumatakbo na ang sasakyan.
"I just want to talk to you." Ni hindi man lamang ito lumingon sa kaniya. Matabang din ang boses ng pagkakasabi nito.
"T-Tungkol saan? A-About ba sa nangyari kanina? Well, for your information, totoong nag-maxed na ang ---"
"Shut up!" bulyaw nito. "I'm not asking about anything yet."
Saglit siyang natahimik. Tiningnan niya ang cellphone at mag-a-alas nuwebe na ng gabi. Ano kayang plano ng lalaking ito at tila gusto siyang i-kidnap?
"What's your address?" mayamaya ay tanong nito.
Napalunok siya. "H-Huwag mo na akong iha ---"
"Don't let me ask again. What's your address?"
"S-Sa may Fortaleza's Home and Village sa Makati," napilitan niyang tugon. Napansin niyang sarkastiko itong ngumiti.
"So, you even live in our residential property."
Saglit siyang nag-isip kung dapat bang sabihin na bigay iyon ng kapatid nito o hindi. Pero sa huli ay napili niyang tumahimik.
"Tell me, how much did my brother pay you to be his fianceé?" pang-uuyam nito pagkuwan.
Natigagal siya. Ang walanghiyang ito, pinag-iisipan ba siya nitong gold digger?
"Excuse me?" aniya sa medyo malakas na boses. "Hindi niya ako binayaran para maging fianceé niya. T-Totoong nagmamahalan kami."
"Really?" Saglit itong tumingin sa kaniya. Sarcastic pa ring nakangiti. "I know my brother a lot. Hindi siya magseseryoso sa mga kagaya mo. Not unless, you're really damn good in making him happy."
Nagpanting ang mga tainga niya. Ngayon naman ay niyuyurakan na nito ang pagkatao niya. Ang dignidad niya. Ano kayang pinagdaraanan ng taong ito at masyado yatang bitter sa mundo?
"Look, Mr. Fortaleza, kung pinasakay mo lang ako para insultuhin ako, mabuti pang ibaba mo na lang ako d'yan sa isang tabi. I don't owe you any explanation about myself or anything. Ibaba mo na lang ako bago ko pa ito ipagbigay-alam sa kapatid mo."
She bit her lower lip after. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para makawala dito. Sana'y kumagat ito sa banta niya.
"The hell no," matigas nitong tugon. "I don't care kung magsumbong ka pa sa kaniya. He's not someone I'm afraid of. In fact, I can even tell him how urged you are to sleep with me tonight."
Muli siya nitong tiningnan. But this time, bumaba ang mga mata nito sa kaniyang dibdib, at pababa pa hanggang sa kaniyang mga hita.
Para siyang hinuhubaran sa mga titig na iyon. Na-conscious siyang bigla at iniharang ang kaniyang shoulder bag sa mga parteng pinagmamasdan nito. Nanlalamig din ang kaniyang pakiramdam sa takot na gawin nito sa kaniya ang isang bagay na hindi pa nagagawa ng kahit sinong lalaki sa buhay niya.
Pagak itong tumawa. "Acting like a virgin, huh?" Muli itong nag-focus sa pagda-drive. "We'll see about that."
Mayamaya ay tumigil ang kanilang sinasakyan. Huli na nang mapagtanto ni Irish na nasa tapat na pala sila ng subdivision. Akma niyang bubuksan ang pinto ngunit naka-lock pa rin pala iyon.
"Not that easily, sweety," anito sa malambing na boses. Napasiksik si Irish sa may gilid nang mapansing unti-unting lumalapit ito sa kaniya.
"B-Binabalaan kita. Sisigaw talaga ako kapag may ginawa kang masama sa akin." Medyo nanginginig ang kaniyang boses.
"Go on. Those guards won't believe you."
Napapikit na lamang si Irish sa pag-aakalang hahalikan siya nito. Ngunit nagdaan ang ilang segundo ay walang nangyari. Pagmulat niya ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Halos sumabog ang dibdib niya sa bilis ng t***k ng kaniyang puso.
Those eyes! Saan niya nga ba nakita ang mga matang iyon? Parang pamilyar. At bakit ngayong sobrang lapit nito sa kaniya ay hindi niya ito naikukumpara sa isang demoniyo? Kung hindi'y sa isang anghel na labis na nagpapakabog sa kaniyang puso.
"What about I give you a million pesos? Make love with me tonight."
Isang sampal ang mabilis niyang iginawad sa pisngi nito.
"Hindi ako tulad ng mga babae mo." Pinawisan siya nang malapot nang makitang tila hindi ito apektado sa pagkakasampal niya.
"I can always get what I want to." Inilapit nito ang mukha sa kaniyang kanang tainga. "I'll make sure you can never forget it."
Kakaibang sensasyon ang kaniyang naramdaman nang tumama ang hininga nito sa kaniyang leeg.
"B-Bababa na ako, please?" Halos mapatid ang kaniyang hininga.
Mayamaya ay narinig niya ang pag-click ng lock. Dali-dali siyang umibis ng kotse.