— Matilda — “It's 5:30. Hindi pa ba tayo pupunta sa party nila Sael?” tanong ko kay Henzo habang pumipitas siya ng mga bulaklak. Para sa ’kin daw. Tiningnan niya lang ako saglit at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. “Maya-maya, wait lang,” sagot niya na ikinatango-tango ko na lang. Umupo na muna ako sa seasaw habang hinihintay siya. Christmas na, 2nd anniversary rin namin ngayon. Ngayon lang kami nag-anniversary na magkasama pero bakit parang nakalimutan niya? Psh, hindi niya pa 'ko binabati kaya hindi ko na rin muna siya babatiin. Napatingin ulit ako sa kaniya dahil tapos na siya at naglalakad na siya palapit sa akin. Marami siyang hawak na tulips. Ngumiti pa siya bago hinawakan ang kamay ko at inayayahang tumayo. “Ang dami mong alam,” natatawang sabi ko dahil inaabot niya sa ’kin a

