EPISODE 1

1102 Words
KIRA TIA'S POINT OF VIEW. “Kira Anak, ikaw lagi ingat dyan sa Manila. Ako alala sayo lagi!” sabi ni Baba habang tinatawagan ako ngayon. Hindi kasi sanay si Baba na wala ako sa tabi niya. Hindi naman pwedeng doon nalang ako lagi sa probinsiya namin. Kailangan kong magtrabaho galing sa sarili kong hirap, hindi ‘yung umaasa lang ako sa negosyo namin ni Baba. “Yes, Baba. Don’t worry about me, okay? I’ll be alright here.” Masaya kong sabi. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Baba. “Hao de! Mag-ingat ka, anak.” “Ikaw din, Baba. I love you!” pagkatapos kong makipag-usap kay Baba ay nilagay ko na ang cellphone sa aking bag na nasa aking tabi. Nag da-drive ako ngayon sa aking kotse at pauwi na ngayon sa aking apartment. My Baba is a pure Chinese kaya siya ganoon magsalita. Marunong naman siya mag tagalog pero hindi pa rin siya magaling mag pronounce ng mga words. Kami nalang dalawa ni Baba ang magkasama sa buhay kasi matagal nang namatay ang aking Mama. Pure Pinay rin si Mama at nagkakilala sila ni Baba sa Beijing at mas ginusto nila na dito manirahan. Muli akong napatingin sa aking phone nang tumunog ulit ito. Nakita kong tumatawag ang kaibigan kong si Isabelle, mabilis ko rin itong sinagot. “Hello, Isabelle.” “Girl! Punta ka dito sa club! Party tayo.” Napabuntong hininga ako ng marinig ang maingay na background sa kabilang linya. Pustahan pa natin kasama talaga ng babaeng ito ang isa pa naming kaibigan na si Naime. “Girl, bilis na!” rinig kong sabi ni Naime. Sabi ko na nga ba. “I’m sorry, girls. Alam niyo naman na hindi ako umiinom. Tawagan niyo nalang ako kapag nalasing na talaga kayo at hindi na makapag drive.” Sabi ko at pinatay na ang tawag. Hindi talaga ako nakakasabay sa mga gimik nila kasi palagi silang pumunta sa clubs and bars. Pero kahit mga party girls sila ay hindi naman sila bad influence sa akin. Sila ang masasabi kong mga kaibigan na totoo talaga. Sila ang nagtanggol sa akin noon sa mga kumukutya sa akin na mata noong nasa high school kami. Mataba naman kasi talaga ako pero sabi pa nila Isabelle at Naime ay hindi ako mataba, chubby lang daw talaga ako at cute. Habang nilalagay ko ang aking cellphone sa bag ay bigla nalang akong napatigil sa pag da-drive nang makitang may nabunggo akong lalaki. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at napalabas sa kotse at agad na pinuntahan ang lalaking nabunggo ng aking sasakyan. Mabilis akong napalapit dito at tinignan ito kung humihinga pa ba. Jusko! Hindi ako pwedeng makulong! Patay ako kay Baba nito. “K-Kuya, gising ka po.” Sabi ko at bahagyang tinapik ang kanyang balikat. Kinabahan pa ako lalo nang hindi ito sumagot. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at tumawag ng ambulansya. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang ambulansyang tinawagan ko at sinabayan ko na ito para pumunta sa hospital. Nanghihintay ako ngayon sa labas ng emergency room habang nag dadasal na hindi mamatay ‘yung lalaki na mabangga ko kanina. Agad akong napatayo nang makitang lumabas na ang doctor. Lumapit ako dito at tinatanong kung kamusta na ang lalaki. “Kamusta po siya, Doc?” kinakabahan kong tanong. “He’s fine. Pero naapektuhan ang kanyang utak sa pagka bangga kanina sa kotse. Possible na sa pag gising niya ay makalimutan na niya ang lahat ng memorya niya. Pero temporary pa naman ito, pero hindi ko alam kung kalian babalik.” Sabi ng Doctor at umalis na. Hina akong napaupo sa upuan at napatulala. Paano siya makakauwi sa kanila kung hindi niya maalala ang lahat? Wala pa naman siyang mga id’s kanina o di kaya cellphone. Napayuko ako at napahawak sa aking ulo. Bakit kasi hindi ka nag-iingat, Kira! Idinala ito sa private room at mabilis din akong pumunta doon. Nakaupo ako ngayon sa nag-iisang sofa sa loob ng kanyang hospital room. Naka bandage ang kanyang ulo ngayon ana sabi pa ng doctor ay nabagok. Tinitigan ko ang lalaki na nakahiga ngayon sa hospital bed at masasabi ko talaga na pogi ito at parang may lahing foreigner. Mayaman kaya ang lalaki ito? Bakit siya nandoon sa madilim na lugar, e gabing gabi na! Baka kinidnap siya tapos tumakas? Hala! Napatayo ako agad nang makita kong gumalaw ang kanyang kamay at hinay-hinay na napamulat sa kanyang mga mata. “Naririnig mo ba ako?” tanong ko habang kinakabahan. Baka nawalan din siya ng pang dinig eh malapit pa naman ang tenga sa ulo. “Nasaan ako?” Tangina. Ang hot ng boses. Kira, mag hunos dili ka! “N-Nasa hospital ka. Kilala mo ba ang sarili mo?” tanong ko sa kanya. Napakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “Sino ba ako?” Tangina. Sabi ko na nga ba! “Wait…” sabi ko at may kinuha sa aking bag. Nakita ito ng nurse sa bulsa niya kanina. Isa itong maliit na papel na may sulat. Trevor, mag-ingat ka! Balik ka lang sa bahay kapag gusto mo! - Luke. Isa itong sulat na galing sa nag ngangalang Luke. Ibinigay ko ito sa kanya. Hirap siyang umupo sa kama kaya tinulungan ko siya na makaupo galing sa kanyang pagkakahiga. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa maliit na papel na binigay ko sa kanya. Marunong pa ba siyang bumabasa? Baka pati pagbabasa nakalimutan na niya, ah?! “H-hindi ko kilala si Luke. Sino si Luke at si Trevor?” sabi niya habang gulong nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at mas lumapit pa sa kanya at umupo. “First of all, gusto ko humingi ng tawad sa’yo kasi nabangga kita sa kotse ko at hindi ako nag-ingat.” Magsasalita na sana siya nang maunahan ko na ito. “Please, ‘wag mo akong ipakulong! Ako na ang gumastos sa lahat ng bayarin dito sa hospital at hindi ako pwedeng makulong.” Sabi ko habang nagmamakaawang nakatingin sa kanya. “Okay.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Agad akong napatingiti. “Talaga? Salamat!” “Pero hindi ko maalala ang lahat. Pati pangalan ko hindi ko maalala, at kasalanan mo ‘yun.” Napalunok ako sa aking laway sa kaba. Ngumisi siya sa akin. “Kaya habang wala akong naaalala, responsibilidad mo ako. Hindi ka pwede humindi kasi ipapakulong talaga kita.” Napakagat ulit ako sa aking labi at inis siyang tinignan. Nakangisi siya ngayon sa akin at bumalik sa pagkakahiga. Mukhang mas mahihirapan pa ako nito, ah? Paksheet! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD