ELIJAH Wala nang nagawa si Chari nang sapilitan ko siyang isakay sa sasakyan ko. Kahit panay ang rekalamo niya ay hindi ko na siya pinansin pa. Dumaan ako sa isang fast food chain para umorder nang pag kain dahil nagugutom na ako. "What do you want to order?" mahinahon kong tanong sa kanya. "Wala ayaw kong magpalibre sayo baka mabulunan pa ako pag kinain ko." mataray niyang sagot sa akin. "Okay kung ayaw mo di huwag!" sang ayon ko naman sa kanya. Bigla kong narinig ang tiyan niya na tumunog kaya napatawa na lang ako kasi alam kong gutom na siya. Umorder pa din ako nang dalawang order para sa aming dalawa kahit sabihin pa niya na busog pa siya. Nang matapos akong umorder ay naghintay lang kami saglit at agad din namang hinati sa amin ang order ko dito sa aking sasakyan na. "Saan nga

