6:45am ng umaga dumating si Daisuke sa mansyon ng pamilyang TAKAHASHI ang isa sa pinakamayaman na pamilya sa bansa
Nanlula sya sa laki ng mansyon ng pamilyang Takahashi, subalit hindi mawala sa kanya ang takot, kaba na naghalo sa katawan nya
"Relax Daisuke, wag mong biguin sya, nakasalalay sayo ang kaligtasan ni Kate" pagpapalakas ng loob na sabi ni Daisuke sa sarili nya na humihinga ng malalim upang maging relax
Sa gate pinindot nya ang ring, sumilip ang gwardiya
"Sino ka? Anong kailangan mo?" Tanong ng Guard
"Ah si Kate po" sagot ni Daisuke
"Anong kaylangan mo kay mam Kate?" Tanong ni Guard
"Pakitawag na lang po sya" sagot ni Daisuke
"Makakaalis kana, wala si mam Kate dito" sagot ng guard na hindi naniniwala sa mga sinabi ni Daisuke sa kanya
Dahil hindi pinapasok ng guard tinawagan na lang ni Daisuke si Kate sa cp
"Bakit ang tagal mo? mamaya nandito na sila" sabi ni Kate
"Nandito na ako sa labas ng gate nyo ayaw akong papasukin ng guard nyo" Sagot ni Daisuke
"Wait lang" Sagot ni Kate at lumabas sya ng bahay
Paglabas nya sinugod nya ang guard
"Ikaw" sabi ni Kate sabay nagmadaling lumabas ang guard sa guard house
"Ano po yun mam?" Tanong ni Guard
"Yung boyfriend ko nasa labas. bakit hindi pinapasok ah" galit na si Kate
Gulat at tarantang nagmadali ang guard na binuksan ang gate, pumasok si Daisuke
"Tandaan mo toh, kapag naulit pa toh, tanggal ka sa trabaho" galit na Kate
"Upo mom, sorry po sir" na bumaba pa ng ulo
"Halika na" Masayang si Kate at hinawakan nya ang kamay ni Daisuke, nanigas na lang ang katawan ni Daisuke, para syang root na naglalakad. habang ang guard ay di makapaniwala na boyfriend ng amo nya si Daisuke
"Mukha syang hindi mayaman. papanong naging boyfriend sya ni mam Kate?" nagtatakang tanong ng guard sa sarili nya
Pagpasok ni Daisuke sa mansyon ng FAMILY TAKAHASHI
Nanlula sya sa laki ng loob ng mansyon sa ganda ng masyon, para kay Daisuke ay para syang nasa paraiso. May tatlong chandelier pa sa taas at may mahabang hagdanan papunta ng second floor
"Wait ka lang dyan ah, YAYA!" tawag ni Kate habang si Daisuke ay nakaupo sa malambot na sofa pinagmamasdan ang ganda ng loob ng masyon, Tumabi sa kanya si Kate
Lumapit nman ang maid
"Mam?" sagot ng maid
"Maglabas ka ng maiinom" utos ni Kate
"Yes po mam" sabay alis ng maid
Pagkaalis ng Maid
"Ah Daisuke, wala dito si Mommy at Daddy pagdating nila kasama na nila ang lalaking ipapangasawa nila sakin" sabi ni Kate
"Matanong ko lang Kate. Bakit sa dinami dami ng lalaki bakit ako pa ang napili mo na magpanggap na boyfriend mo? paano kung huli mabuking na hindi pala totoo na tayo? anong gagawin mo?" Tanong ni Daisuke
"Dahil naramdaman kong mapagkakatiwalaan kita at makakatulong sakin, Basta saka na ako iisip ng bagong plano. Ang importante ay hindi matuloy ang kasunduan na ipapakasal ako, sa hindi ko nman gusto" Sagot ni Kate
Subalit dahil sa lapit ni Kate kay Daisuke na magkatabi ngayon sa Sofa. Tulala si Daisuke na nakatitig kay Kate
"Huh? Anong problema?" Tanong ni Kate
"Aahhhhkkk Wala" Sagot ni Daisuke na agad umiwas ng tingin napayuko na lang sya
"Napakaganda pala nya, ngayon ko lang nakita" sabi ni Daisuke sa kanyang sarili
"Basta maging relax ka lang. Ako lang magsasalita, Kapag nagtanong sila. Sakyan mo lang, Tandaan mo dapat mapaniwala natin sila" Sagot ni Kate
At lumabas ang maid na may dala dalang juice
"Inom ka muna" at inabot ni Kate ang isang basong juice
Dahil sa nerbyos ay naubos agad ni Daisuke ang juice sa isang inum lang
"Gagawin ko ang lahat para mapaniwala sila" Sagot ni Daisuke
Sa Sala ng mansyon ay nakaupo si Kate at Daisuke kaharap nila ang ina at ama ni Kate
"Sino ka? at sino ang mga magulang mo?" Tanong ng ina ni ina ni Kate subalit si Daisuke ay nanahimik lang na nakayuko ang ulo. kagaya ng plano na si Kate lang ang magsasalita
"Sya si Daisuke Sato, Nakilala ko sya sa University, may business ang pamilya nila" sagot ni Kate
"At anong klaseng business?" Tanong ng ina ni Kate
"Sila ang nagmamay ari ng(nang biglang tumayo si Daisuke) nagulat si Kate sa biglang pagtayo nya
"Tama na Kate" sabi ni Daisuke na mukhang handa ng harapin ang mga katanungan ng mga magulang ni Kate
"Sasabihin ko po sa inyo ang totoo, Hindi po ako mayaman. Wala na akong mga magulang, ang nagpalaki lang po sakin ay ang aking lolo at lola nasa probinsya sila ngayon. Ngayon matatanggap nyo po ba ako para sa anak nyo?" Matapang na pag amin ni Daisuke habang si Kate ay mukhang na momblema
"Hindi, Hindi ka namin matatanggap para sa anak namin" Sagot ng ina ni Kate
"Alam ko pong yan ang sasabihin nyo, Ipaglalaban ko si Kate hanggang sa huling hininga ko, Hindi ako papayag na maghiwalay kami, Bakit po ninyo kinukontrol ang anak nyo? Wala ba syang karapatan maging masaya? Hindi ko alam kung anong paniniwala o tradisyon ang ginagawa nyong mga mayayaman, subalit kung alam nyong hindi masaya ang tao, bakit nyo pinipilit sa kanila ang isang bagay na hindi sila magiging masaya" Matapang na sagot ni Daisuke sa magulang ni Kate, Habang si Kate pinipigilan nya sa paghawak nito sa braso
"Bago ka lumayas sa pamamahay ko, Una wala ka ngang alam. Sa mundong ito, pera ang pinakamahalaga. nabubuhay ang tao dahil sa pera. kaya ang mayaman ay para sa mayaman. ang mahirap na kagaya mo ay di nababagay sa mayaman naiintindihan mo ba?" sagot ng ina ni Kate
"Pera? nagkakamali po kayo. dahil hindi pera ang mahalaga sa mundo. kundi pagmamahal. Pasensya na kung sa tingin nyo ay kabastusan ang sinabi ko. subalit yun ang totoo, hindi madadala ng tao sa libingan ang pera" matapang na sagot ni Diasuke na lalong kinagalit ng ina ni Kate
Sisigawan sana nya si Daisuke ng biglang nangialam na ang ama ni Kate
"Tama na Honey" sabi ng ama ni Kate
"Lumayas ka sa pamamahay ko" Galit na sabi ng ina ni Kate
"Sinabi ng tama na" sagot ng ama ni Kate
Kaya napatigil ang ina ni Kate, habang si Kate ay problemado na sa nagyayari
"Daisuke tama? Naiintindihan kita. Dahil ako laki rin sa hirap. hindi talaga ako mayaman siguro sinuwerte lang. Humanga ako sa katapangan at katapatan mo. Kate mahal moba talaga sya?" Tanong ng ama ni Kate
"Upo Daddy" sagot ni Kate
Hinawakan ng ama ni Kate sa kanang balikat si Daisuke at sinabi
"Sige. wag mong sasaktan ang anak namin, Mag usap tayo gusto kong makilala ka pa namin" Sagot ng Ama ni Kate
"Ano? Pero Honey" tutol na ina ni Kate
"Honey wag ka ng kumontra sa desisyon ko, Tama sya hindi nga magiging masaya si Kate kung ipapakasal natin sya sa hindi nya mahal. Kaya Daisuke, Pinapangako mo bang hindi ko sasaktan ang anak namin?" Seryosong mukha ng ama ni Kate
Napalingon si Daisuke kay Kate, sabay tango ng ulo si Kate. ngunit dahil nagpapanggap lang sila at akting lang ang lahat binalutan ng nerbyos si Daisuke. pero dahil napasubo na
"Upo pinapangako ko" sagot ni Daisuke na kinakabahan subalit tinatago lang
"Magaling" sagot ng ama ni Kate
Pagkatapos ng matinding pagsubok na pinagdaan ni Daisuke sa labas ng gate
"Salamat Daisuke sa tulong mo, Heto tanggapin mo, kaunting pera" na may inaabot kay Daisuke
"Hindi na kaylangan. ang importante ay hindi ka na ipapakasal" Sagot ni Daisuke
"Tanggapin mona" Na pumupunilit na si Kate
"Hindi na kaylangan. Kate, kagustuhan ko na tulungan ka ng walang bayad, Kailangan ko ng umalis mayroon pupuntahan. kung may kailangan talaga. mo na lang ako" Sagot ni Daisuke
"Nako nman Daisuke, Tatanawin ko to ng malaking utang na loob, Maraming salamat sa malaking tulong na ginawa mo saakin" sagot ni Kate