Prolouge
Isang babaeng sanggol na isinilang sa mundo ng mahika na magtatapos ng kasamaan sa mundo ng mahika. Siya ay nagtataglay ng 4 na elemento; hangin, apoy, tubig at lupa. Siya rin ang prinsesa sa propesiya.
Nalaman ng pinuno ng kalaban ang tungkol sa propesiya na prinsesa na nag tataglay ng 4 na elemento. Kaya naman ay nag plano sila na sakupin at dakpin ang prinsesa.
Pagkatapos ng ilang linggo matapos isilang ang prinsesa ay sumugod ng ang mga kalaban upang pabagsakin ang Aetheria at kunin ang prinsesa.
Ngunit bago pa ito makuha ay nagtago na ang hari't reyna kasama ang sanggol at isa sa katiwalang kasamahan. Hinabilin ng hari't reyna na alagaan at palakihin ng mabuti at busilak na puso ang prinsesa pag dating sa mundo ng mga tao. Labag man sa kalooban ng hari't reyna ay wala na silang magagawa 'pagkat iyon nalamang ang natitirang paraan upang maging ligtas ang prinsesa. At nararapat na bumalik na sa mundo ng mahika bago ito makatungtong sa edad na labingput-walo 18 na edad.
Matapos ng ilang taon ay lumaki ng busilak na puso at mabait ang prinsesa. Ngunit isang hindi magandang pangyayari ang nangyari upang magbago ang takbo sa buhay ng prinsesa.
Siya ay laging inaaway at sinasaktan ng kapwa tao dahil sa kanyang angking ganda, kulay ng buhok, at mata. Iyon din ang araw na lumabas ang kanyang kapangyarihan at dahil wala pa ito sa kontrol ay na patay nito ang mga bata kasama na din ang kaisa-isang malapit na kaibigan nito.
Magmula noon ay hindi na siya muling nakipag-kaibigan at nakisalamuha. Tinataboy na niya ang mga taong gusto mapalapit sakanya sa takot na maulit ang nangyari noon.
Dumating na ang araw na siya ay tumungtong sa edad na labing-pito at oras na upang bumalik sa mundo ng mahika. Agad naman pinapasok ng katiwala ang prinsesa sa akademya at lumisan ang katiwala patungo sa kaharian ng hangin upang ipagpaalam ang pagbabalik ng prinsesa.
Ngunit bago pa ito makarating ay sumugod ang kalaban sakanya ay siya ay dinakpin. Habang ang prinsesa naman ay nagdadalawang isip sa pagpasok sa akademya 'pagkat alam niya kung ano na ang tanong at mangyayari sakanya kapag ito ay tuluyan ng makapasok.
Gaya ng inaasahan ay siya ay hinatid sa silid ng punong-guro at tinanong. Dahil bawal pa niya ipaalam kung sino at ano siya, ay pinakilala na laman niya ang sarili sa hindi tunay na pangalan at hangin na lamang ang sinabi niyang kapangyarihan at mind reading at mind control.
"Το καλό θα επικρατήσει πάνω από το."