Hindi ko inaasahan na makatatagpo ako ng isang salamangkero. Sila kasi ang mga tipo ng taong mailap sa kapwa nilang tao nang dahil sa nangyari mga milenyong taon na nakalilipas. Nag-umpisa ang lahat bago tuluyang makawala ang mga masasamang elemento nakakulong mula sa pinakailalim ng impyerno. Upang mapigilan, pumili si Bathala ng sampung pamilyang may busilak na puso at may natatanging kakayahan. Binasbasan sila ni Bathala ng matinding kapangyarihan. Binigyan sila ng purong salamangka sa kanilang katawan at inatasan sila na lupigin ang lahat ng masasamang elementong maghahasik ng lagim. Ang sampung pamilyang napili ay magkasamang hinarap ang mga ito na walang paalinlangan. Sa nagdaang mga taon, kanila naman naisakatuparan ang misyong iniatas ni Bathala at natulungan din nila ang mga t

