1 Juan 5 : 19
"Nalalaman natin na tayo'y sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama."
*****
Third Person's POV
Pagtingin ni Jeff sa walang malay na katawan ni John Dave ay umatras siya dahil naalala niya kung paano siya sinuntok noon. Nahintakutan siya kaya dahan-dahan siyang lumabas sa kwarto at lumapit sa apat na kumakain.
"Pagkatapos ninyo kumain ay piringan siya sa mata at itali ang mga kamay at paa sa malaking punong-kahoy sa labas."
"Bukas na Dude ng madaling araw. Hindi naman agad iyon magising dahil matagal mawala ang bisa ng gamit namin na pampatulog," angil ni Nilo.
"Pwede na tayong uminom ng alak mamaya," masayang dagdag ni Mario.
"Oo, habang binabantayan ang natutulog na mangangalakal na iyan!" Pagsang-ayon ni Bert.
Walang magawa si Jeff kundi pagbigyan ang kanyang mga kasama. Pagkatapos kumain ang apat ay nag-iinuman sila kasama siya.
Napaka ingay ang kanyang mga kasamahan ngunit walang nakakarinig sa kanila dahil malayo na sa kabihasnan ang kanilang hideout.
Tuloy-tuloy lang ang kanilang pag-inuman ng alak habang si Jeff ay alalay lamang. Ayaw niyang tuluyan siyang malasing baka kasi hindi magawa ng kanyang mga kasamahan ang kanyang pinapagawa.
Hindi siya nagkamali dahil mabilis malasing ang apat. Hindi na magkatugma ang mga lumalabas sa bibig nila. Mas lalo itong nainis ng pati pagkain ay naubos nila.
"Ang tatakaw nila kumain pero lampa naman," sabi sa utak nito na animo ay hindi niya sila kauri.
"Dude, lasing na kami. Ikaw na muna ang bantay at matutulog muna kami. Bukas ka na namin papalitan," sabi ni Mario na halos nakapikit na dahil sa kalasingan.
Si Bert ay hindi pa naman masyadong lasing sa pag-aakala ni Jeff dahil nanonood pa naman ng TV. Panatag naman siya dahil may kasama pa siya na hindi lasing kundi nakainom lang.
Nakatulog ang tatlo sa mismong pinag-inuman nila. Tiningnan ni Jeff ang suot na relo at ito ay alas-diyes pa lang ng gabi at hindi pa malalim ang gabi ngunit hindi siya nakaligtas sa pagdalaw ng antok.
Nilingon niya si Bert pero nakayuko na ito na ibig sabihin ay nakatulog na rin. Tumayo siya at pumasok sa kwarto kung saan nila iniwan ang katawan ni John Dave. Tulog na tulog pa ito na parang bangkay ang itsura.
"Gano'n ba talaga kabisa ang pampatulog na pinaamoy nila sa kanya?" Tanong sa isip nito.
Alam niyang nakainom siya ng alak ngunit ng nakita niya ang mukha ng binata ay kinilabutan siya.
Lumabas muli siya sa kwarto at bumalik sa kanyang mga kasama ng naghihilik na dahil sa kalasingan. Nilalabanan niya ang antok kaya nagtungo sa maliit na kusina upang maghilamos. Nawala ang kanyang antok ng nabasa ang kanyang mukha.
Bumalik sa sala at ng nakita niya na may natira pa pala sa pagkain ay agad niya itong kinain. Mabuti pa at may natira dahil kung wala ay gutom na gutom na siya ngayon.
Kasalukuyan niyang nginunguya ang pagkain habang nakaupo sa bangko ng naalala na may naitabi siyang pagkain kanina sa mesa sa kusina kaya bumalik sa kusina upang kunin ito.
Binuksan niya agad ng hinawakan niya ito sa na nakalagay sa paper pack lunch. Sumigaw ng tahimik ang utak niya ng maisalin sa paper plate ang pagkain. Nilantakan niya agad habang natutulog ang kanyang mga kasama.
Nabusog siya ng husto na may lakas na siya na magpupuyat habang nagbabantay sa lima. Ang sarap buhusan ng malamig na tubig ang apat na natutulog para mawala ang kalasingan.
Para hindi niya maramdaman ang galit at inis ay lumayo siya sa apat na natutulog. Lumapit siya sa maliit na TV at ipinagpatuloy ang panonood.
Minsan pa niyang tiningnan ang oras at ito ay alas-dose na. Inaantok na siya talaga kaya tumayo siya at nagtungo sa kwarto kung nasaan si John Dave.
Hindi pa rin nagigising kaya kinuha ang pantali saka tinali ang mga kamay at paa ng binata sa kama. Nang para sa kanya ay mahigpit na ang pagkakatali ay sinubukan pa itong hilain kung mahigpit na ba.
Nang makita na maayos ang pagkakatali niya ay bumalik sa sala. Nahiga siya sa mahabang couch at agad na sumalubong ang antok.
Mahabang oras ang pagkakatulog ng apat. Naunang nagising si Bert na agad na nagtungo sa kwarto ng naalala ang kanilang bihag.
Nakita niyang nakatali sa kama ang binata at dahil siya pa lang ang gising ay maghihintay pa siya ng isa para mailipat sa labas na itali gaya ng bilin ni Jeff.
Inaliw ang sarili sa paglalaro ng kanyang cellphone at ng nasulyapan ang oras ng kanyang cellphone na mag-alas-singko ay alam niya na malapit na mawala ang bisa ng gamot na pampatulog kaya dapat mailipat na nila ang lalaki.
Ginising niya si Ben upang tulungan siya na ilipat ang katawan ng binata sa labas. Naalimpungatan si Ben sa pagyugyog ni Bert ngunit agad na nakahuma ng naalala niya ang kanilang trabaho ay agad na bumangon.
"Halika ka, ilipat na natin ang basurero sa labas at doon natin itali."
Sabay nilang kinalas ang mga nakatali sa kamay at paa at binuhat ang katawan na wala pa ring malay na si John Dave. Magkaalalay silang dalawa sa pagtatali sa kamay at paa ng mailabas na nila.
Hirap na hirap silang dalawa sa kanilang ginagawa hanggang natapos din nila. Naiinis si Ben dahil lima sila ngunit dalawa lang sila ngayon na gumagawa ng trabaho.
Dahil mabigat ang tinali nilang katawan ay lumabas ang kanilang pawis kahit na wala pa naman ang init ng araw. Sa wakas ay nagtagumpay silang tapusin pati ang pag piring sa mata.
Naramdaman nila ang gutom kaya nagmamadali silang pumasok sa loob sa kadahilanan na alam nilang may pagkain pang natira kagabi.
Hindi nila napansin kanina na wala ng kalat pagkagising nila. Tanging bote na lang ng alak at paper cup ang naiwan sa maliit na mesa na ginamit nila kagabi.
Nagbabakasakali na may makita na pagkain kaya nagpunta si Bert sa kusina ngunit wala.
"Dude, wala ng pagkain dito," reklamo ni Bert kay Ben.
"Ganyan ba? Dahil nagawa na natin ang parte natin ay umuwi na tayo," suhestiyon ni Bert.
Bahagyang nag-iisip si Ben ngunit sumang-ayon naman kay Bert. Kinuha nila ang kanilang mahalagang gamit saka dahan-dahang umalis sa bodega.
Naglakad ang dalawa patungo sa nakatagong parking-an ng kanilang mga sasakyan. Mabilis silang sumakay at mabilis din na pinaharurot hanggang sa nakalayo sila sa bodega.
"Ihinto mo sa unang kainan na makita natin dahil gutom na talaga ako," sabi ni Bert kay Ben na nagmamaneho.
"Oo, huwag na natin paabutin sa siyudad sobrang gutom na rin ako."
Pagkatapos kumain ang dalawa ay napag desisyon na umuwi muna at maglinis ng katawan. Sa daan ay pinag-usapan nila ang kanilang kasama na si Jeff.
"Baka magalit si Jeff kapag nalaman na wala tayo doon?"
"Kasalanan niya dapat ay nagtambak ng maraming pagkain para hindi sana pa abala sa atin sa pagbabantay. Imbes na mabilis matapos ang trabaho hindi na dahil nakakagutom naman!"
"Babalik din naman tayo kapag nakaligo na tayo. Ay siya pala dapat tig-isa na tayo ng sasakyan pagbalik doon." Suhestiyon ni Ben.
"Oo, pero maghintayan tayo sa crossing saka tayo magkasunod magtungo sa hide out."
"Pagbalik natin ay bilhan na natin sila baka konsensiyahin na naman nila tayo."
"Oo," sang-ayon ni Bert.
Pagdating ng siyudad ay naghiwalay ang dalawa at nakauwi sa kani-kanilang bahay para maligo. Pagkatapos maligo ay nag-usap sila sa cellphone at pinag-usapan ang oras ng kanilang pagbabalik sa hideout.
Sa kabilang banda ay nagising ang tatlo at nagtaka na wala sila Ben at Bert. Nataranta nilang pinuntahan si John Dave sa kwarto kung saan nila nilagay ngunit wala na ito.
"Dali hanapin natin si John Dave," humahangos si Jeff ng kausapin ang dalawa.
"Di ba sila ang naka-toka na itali ang bihag natin sa puno ng kahoy sa labas? Baka nagawa na nila iyon?" Sagot ni Nilo.
Halata sa itsura ng dalawa na sina Nilo at Mario na inaantok pa at tamad sa paki-usap ni Jeff.
Nagngalit ang bagang ni Jeff kaya nasigawan niya ang dalawa. Nataranta naman sina Mario at Nilo kaya nauna pa silang lumabas kaysa kay Jeff.
"Istorbo naman itong Jeff na ito. Antok pa nga ako eh nag-uutos na hindi man lang gawin mag-isa." Reklamo ni Mario.
Sinang-ayunan naman ni Nilo ang sinabi ni Mario tungkol kay Jeff ngunit wala na silang magagawa pa dahil pumayag sila sa pinagawa sa kanila.
Nagtungo sila sa may malaking puno at nakita nilang nakatali doon si John Dave pero wala pang malay kaya agad silang bumalik sa hide out.
Nakaslubong ni Nilo at Mario si Jeff kaya sinabi nila na nakatali na siya doon sa malaking puno na iniutos kay Bert at Ben.
Nakibalik na rin di Jeff sa hide out. Tinawagan niya ang numero ni Bert at napag-alaman niyang umuwi muna sila ni Ben para maligo at pagbalik nila ay bibili sila ng pagkain.
Nasiyahan naman si Jeff sa narinig kaya parang pumalakpak pa ang kanyang tainga dahil doon. Gutom na rin ang tatlo kaya malaking tulong iyon sa kanila.
"Bilisan ninyo at gutom na rin kami dito." Pakiusap ni Jeff sa kanila.
Narinig nina Mario at Nilo ang pakiusap ni Jeff kaya nasiyahan ang dalawa at nag-apiran pa sila na narinig naman ni Jeff kaya nilingon sila.
"Ngayon masaya kayo dahil nakarinig kayo ng pagkain. Kanina halos ayaw n'yo akong tulungan na hanapin ang bihag natin at kailangan ko pa kayo sigawan!"
Nakayuko naman ang dalawa na parang batang pinapagalitan ni Jeff. Walang nais sumagot sa kanila dahil takot na hindi mabigyan ng pagkain kahit pwede naman din silang umuwi sa siyudad.