THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 29 TRAPPED CHANTAL’S POINT OF VIEW. “BAKIT gusto mo akong makausap, huh? Hindi mo naman schedule ngayon para ma-check ako, huh? Ayaw kitang makausap ngayon, Doc Jayden,” malamig kong sabi sa kanya. “I’m not here as your doctor, Chantal.” Natigilan naman ako sa sinabi ni Jayden. “If you’re not here as my doctor, who are you?” mahina kong tanong sa kanya. Muling humakbang papalapit sa akin si Jayden at hinubad niya ang suot niyang white coat at inalis niya rin ang nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg at inilapag muna ito sa may lamesa bago siya muling tumingin sa akin. “I’m here as a concerned friend of yours, Chantal.” Hindi ko mapigilan na magulat sa sinabi ni Jayden sa akin ngayon. Friend? Kailan pa kami naging magkaibigan dalawa? Hindi ko n

