THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 25 THE SHOW CHANTAL’S POINT OF VIEW. “GOODLUCK, Chantal.” Hindi mawala sa aking isipan ang paghalik sa akin ni Jayden sa aking labi. Hawak ko pa rin ang aking labi ngayon habang naglalakad ako papunta sa backstage ng stage. Ang lakas ng kabog ng aking puso ngayon at pinagpapawisan na rin ako at nanlalamig ang aking mga kamay. Nakakaramdam ako ng konting hilo pero nilalabanan ko pa rin ito. Naubos ko na ang pills na kinuha ko galing kay Joshua at kaya kong umabot ng dalawang oras ngayon sa pag pe-perform—kakayanin ko. “Chantal!” Agad akong nakita ni Christine at nakasuot na rin siya ngayon sa kanyang costume. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik. Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam si Christine sa aking ginawa. “Oh my God! This is

