THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 28 WORTHLESS CHANTAL’S POINT OF VIEW. “ALAM mo bang illegal ang ginawa mo, Chantal? Ipinagbabawal na gamot pa rin ang ininom mo and you were addicted to that. Pasalamat ka na lang na tinulungan tayo ng agency ni Tito Alec at hindi na kumalat ang tungkol sa balitang gumamit ka ng droga habang nagpe-perform sa show mo.” Tinignan ko ng masama si Kuya Aiden ng sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Wala ako sa mood para sa mga ganitong bagay. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko dahil araw-araw na lang akong nakakarinig ng ganito—palagi na lang akong sinisisi sa lahat ng nangyari sa akin ngayon. Oo na… kasalanan ko na ang lahat. Pwede bang tama na? Kailangan pa ba talagang ipamukha sa akin na kasalanan ko ang lahat? Alam ko! Hi

