THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 37 VOLUNTEER CHANTAL’S POINT OF VIEW. HINDI ako makapaniwala na muntik na akong mamatay. Kung hindi ko napindot ang button sa tabi ng aking kama ay baka tuluyan na akong binawian ng buhay at ang makikita na lang ng mga nurses, o kung sino man ang pupunta rito sa loob ng kwarto ko pagkatapos kong manghina ay ang aking malamig ng katawan. “We need to find the suspect who poisoned my daughter! Muntik na siyang mamatay! Anong klaseng security ang meron sa hospital niyo at bakit nakalusot ang lalaking ‘yun, Jayden?!” galit na sabi ni Mommy habang matalim siyang nakatingin ngayon kay Jayden. May kasama na rin kaming mga police dito at investigator na galing sa security agency ng aking Tito Alec. Nandito ang aking mga magulang, si Kuya Caden, at si Jayden.

