Liwayway KINABUKASAN, nandito na kami sa labas ng gate nina tita Merly. Kasama namin ni Benjamin si mama. Kinakabahan ito, and excited at the same time. “Mare, nandito na kami sa labas niyo,” kausap ni mama kay tita Merly sa phone niya. Sinabi ni mama na pupunta kami ngayon sa kanila. Naka-sarado ang gate kaya by phone nalang ang pagtawag. Kung maghihihiyaw man kami rito sa labas, hindi kami maririnig ng mga tao sa loob at lalawit lang ang mga dilalya namin. Charots. Hindi ko alam kung paano i-explain ang nararamdaman ko this morning pero kinakabahan ako na masaya, baka same same feelings lang kami nila mama. Lumabas si tita Merly sa bahay at nakangiting binuksan ang gate nila. “Sino siya?” agad na bungad nito sa amin. Tinutukoy niya ay si Benjamin. Ngumiti si Benjamin kay tita Merly

