FRANKS’ POV
THREE HOURS LATER
Hindi ko alam kung paano ko nairaos ‘yung tatlong oras na ‘yon.
Tatlong oras mula nang bumagsak si Rosalia sa braso ko.
Tatlong oras mula nang maramdaman ko ‘yung bigat ng katawan niya, ‘yung lamig ng balat niya, at ‘yung mahina pero mabilis na t***k ng puso niya na parang nagpa-panic din sa loob.
Tatlong oras mula nang mapagtanto ko:
Inlove na yata ako.
Pero eto ako ngayon — nakaupo sa bench sa emergency clinic ng school, hawak ang malamig na bote ng tubig na hindi ko naman iniinom, nakatutok lang sa pinto ng infirmary kung saan dinala si Rosalia.
Hindi pa lumalabas ang nurse.
Hindi ko alam kung nagiging dramatic lang ako o talagang may mali—but my chest’s been tight since she collapsed.
Si Matt, nasa tabi ko, hinihawakan ‘yung balikat ko na parang inaamo akong aso na nadapa.
“Bro chill… stable naman daw siya kanina, ‘di ba?”
Hindi ako sumagot.
Kung nagtanong man siya, wala akong maisagot.
Ang ironic—‘yung babaeng kinatatakutan ko nung una, siya pala ‘yung dahilan kung bakit ako hindi makahinga ngayon.
Sino mag-aakala?
Lumabas ang nurse, may clipboard sa kamay.
Napatalon ako agad. “Miss—kumusta siya? Nagising ba? Huminga ba nang maayos? May—”
“Mr. Manuel, kalma. Hindi ko kayo maririnig kung lahat sabay-sabay.”
Napakamot ako sa batok. “Sorry… I’m just—”
“Worried?” singit ni Matt, naka-smirk.
Tinamaan ko siya sa tagiliran. “Shut up.”
The nurse sighed softly. “She’s stable. Pero pagod na pagod ang nervous system niya. Elevated ang stress markers, sobrang taas. Para bang… matagal siyang nakipaglaban.”
Matagal.
Nakipaglaban.
Put*ngina. Literal.
“Pwede ko ba siyang makita?” tanong ko.
“Sandali lang, Mr. Manuel. Check ko muna if she’s awake.”
Pagpasok niya, naglakad-lakad ako in circles. Hindi ako ganito usually. Ako ‘yung clown, ‘yung chill, ‘yung masayahin.
Pero ngayong himbing sa loob ng kwarto ang babaeng may hawak sa—
Ayoko nang tapusin ‘yung sentence. Bad omen.
Si Matt tumikhim. “Bro, relax. Hindi siya mamamatay.”
“Hindi mo alam ‘yon.”
“Franks. Dude. She’s a hacker, not a ghost. Hindi basta-basta mamamatay ang mga ganon.”
I wanted to laugh.
Pero hindi ko kaya.
ROSALIA’S ROOM
Pagbalik ng nurse, ngumiti siya. “She’s awake.”
Para akong pinakawalan mula sa chain.
Pumasok agad ako, hindi ko na hinintay si Matt.
At doon ko siya nakita — nakahiga, naka-oxygen, maputla ang pisngi, pero gising.
At nakatingin sa akin.
Literal na tumigil ang mundo.
“Franks…” mahina niyang sabi.
Tumakbo ako sa tabi niya. “Hey… hey. Thank God. Akala ko—”
“Wag kang dramatic,” sabi niya, kahit mala-whisper.
“Dramatic ka d’yan—umiiyak ka nga kanina eh,” bulong ni Matt mula sa likod.
“Hindi ako umiiyak,” sagot ko pero halatang nagsisinungaling.
Rosalia actually smiled. Weak, pero totoo.
“I’m okay,” bulong niya. “Just exhausted.”
“Exhausted? Ro, muntik ka nang bumagsak sa roof! You literally fainted sa arms ko!”
“Which is embarrassing, by the way.”
“Hindi ‘yung point!”
She blinked slowly. “Then ano ‘yung point?”
Huminga ako nang malalim.
“The point is… I don’t want you to die.”
Tahimik.
Tumingin siya sa akin nang matagal — too long, too deep.
Tapos tumingin siya sa kamay ko na nakapatong sa gilid ng bed niya.
Gumalaw ang kamay niya, dahan-dahan.
Hinawakan niya ang kamay ko.
I swear to God, muntik ako ma-short-circuit.
“Hindi ako mamamatay,” sabi niya softly. “Hindi pa ngayon.”
“Promise?”
“Franks…”
“Just say yes.”
Tumango siya nang maliit. “Yes.”
And I felt my lungs work again.
BUT THEN—
May biglang nag-vibrate.
Phone ni Matt.
Pagtingin niya, nag-dark ang mukha niya. “Bro… may nag-message sakin.”
“Kay Rosalia?” tanong ko agad.
“Hindi.”
Nilapit niya ang screen.
“Galing sa unknown number. At… bro, tingnan mo ‘to.”
Message:
MATTHEW CRUZ. YOU HAVE 1 HOUR.
RUN.
My blood froze.
“Matt… may nakaalam ng buong pangalan mo?”
“Bro—lahat ng government records natin online?” nanginginig niyang sagot.
“Pero bakit ikaw? Hindi naman ikaw ‘yung hacker—”
Then my brain clicked.
Zero.
He said earlier na ako ang “boyfriend” ni Rosalia.
He said na anyone connected to her is a target.
Pero hindi si Matt ang una kong inisip.
Ako dapat.
Ako ang partner niya sa project.
Ako ang lagi niyang kasama.
Ako ang… ina-assume nilang pinakamalapit sa kanya.
Pero bakit hindi ako ang pinadala ng threat?
Bakit si Matt?
Tumayo ako.
Matt looked terrified. “Bro… anong gagawin natin?”
Hindi ako nakasagot.
Because the nurse suddenly entered, pale at nanginginig.
“Mr. Manuel… the emergency office just called. May nag-trigger ng silent alarm sa campus server.”
“What?”
“A system breach daw. Pero hindi lang yun—”
Her voice cracked.
“…the breach originated from your best friend’s student account.”
Napalingon ako kay Matt.
“What?! HINDI AKO ‘YON!!” sigaw niya.
“I know,” sabi ko. “I KNOW. Wait lang—”
Pero may tumunog.
Phone ko.
Unknown sender.
I opened the message, same skull icon from before.
WRONG TARGET, CIPHERQUEEN?
DON’T WORRY. WE’LL USE THIS ONE INSTEAD.
CLOCK STARTS NOW.
Nalaglag ang kamay ko.
“Franks…” bulong ni Rosalia mula sa bed. “Anong… anong sinabi?”
Hindi ko masabi.
Hindi ko mahawakan ‘yung boses ko.
Pero lumapit siya, weak pero matapang ang tingin.
“Tell me.”
So I did.
“He said… they’re using Matt.”
Rosalia’s breath hitched.
“Franks… may mali.”
“What do you mean?”
“Zero doesn’t waste time on side people. He never threatens someone na hindi asset.”
“Matt is my best friend—”
“That’s not the point,” aniya. “Kung gusto ka nilang galitin or takutin, ikaw dapat ang i-target.”
“So bakit si Matt?”
She stared at me.
Tapos bigla siyang pumikit, parang may nag-click sa utak niya.
“No…” bulong niya. “Hindi pwede ‘to… Franks—”
“Rosalia, ano ba?!”
Dumilat siya.
At ‘yung susunod niyang sinabi?
Parang sampal sa utak ko.
“Franks,” mahina pero matigas ang boses niya.
“Hacking Matt’s account… the timing… the message… the panic setting in…”
Tumingin siya sa akin, diretso.
“Hindi si Zero ‘to.”
Natigilan ako. “What?! Pero—”
“Hindi style ni Zero ang mag-bluff. He doesn’t do countdowns. Hindi siya naglalaro ng ganito ka-immature.”
Huminga siya nang malalim.
“Franks… someone else is inside the network.”
“And… and they're after Matt?”
“No.”
Umiling siya, weak pero klaro.
“They’re after you.”
“Pero ang message kay Matt—?”
“Diversion. Para lumabas ka. Para piliin mong iligtas siya. Para iwan mo ako dito.”
My spine went cold.
“Franks,” boses niya nanginginig,
“someone is baiting you.”
I swallowed hard.
“Who?”
Her eyes darkened.
“Ang tawag sa kanya… Specter.”
Kinilabutan ako from head to toe.
Hindi ko siya kilala.
Hindi ko alam kung anong mundo inaapakan ko.
Pero nung binitiwan ni Rosalia ang pangalang ‘yon—
para siyang nag-crack.
“Rosalia… sino si Specter?”
Nagtagal bago siya sumagot.
At nung sinabi niya, halos napatras ako sa shock.
“Specter…”
She exhaled shakily.
“…is the only hacker Zero is afraid of.”
My heartbeat stopped.
“And Franks…” she added, voice trembling.
“…si Specter ang tunay na dahilan bakit ako nagtatago.”
AND THEN— THE REAL PANIC
Nagsimula mag-alarm ang buong gusali.
RED FLASHING LIGHTS.
SIRENS.
PA FOOTER SA SPEAKERS:
“All students, evacuate immediately. This is not a drill.”
Rosalia tried to sit up but collapsed back. “Franks—GET OUT. They’re here.”
“Hindi kita iiwan—”
“FRANKS, NOW!”
Pero hindi ko siya sinunod.
Tumakbo si Matt sa likod ko, nanginginig. “Bro! BRO! May mga tao sa hallway—naka-mask, naka-black, parang—”
Hindi ko na narinig ang huli niya.
Because sa dulo ng corridor,
sa salamin ng window ng infirmary door,
nakita ko ang reflection ng isang lalaki.
Naka-hoodie.
Naka-black mask.
At may hawak na something metallic.
Phone ba?
Device?
Weapon?
Hindi ko alam.
Pero ang alam ko:
Hindi si Zero ang nasa labas.
At hindi siya pumunta dito para kay Rosalia.
He was staring directly at me.
AND WHEN OUR EYES MET—
Nag-vibrate ulit ang phone ko.
One new message:
HELLO, FRANKS.
READY TO PLAY?
My whole world shattered.
And that was the exact moment I realized—
Ako pala ang totoong target mula pa sa simula