Kinabukasan ay pumunta sa eskuwelahan ang dalaga. Nakakunot ang noo niya nang makitang halos lahat ng mga estudyante ay sobrang busy. May mga guro pang nakatayo at tumitingin sa mga estudyanteng bumubunot ng damo. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad at pumunta sa room nila. Ganoon din, halos busy lahat. “Good morning, Ma’am,” bati niya sa adviser nila. Ngumiti naman ito at tumango. Pagkapasok niya sa loob ay nandoon si Tria at naglalagay ng floor wax sa sahig. Inilagay naman niya ang kaniyang bag sa bakanteng upuan na nakaupo lang sa gilid. “Ano’ng meron?” tanong niya sa kaibigan. “Bukas na ang sports meet girl, gagamitin room natin ng taga-ibang school para pag-stay-han ng tatlong araw,” sagot ni Tria. Napatango naman siya. Saktong wala silang klase. “Kaya pala,”

