“Keiran,” tanging na sambit niya. Ngumiti nang tipid ang binata at nagsalita. “Magbihis ka na, I know kanina mo pa gustong magbihis,” wika nito. Napatingin naman sa taas ang dalaga at sa binata. Ngumiti siya rito at tumango. She pursed her lips at pinipigilan ang sariling ngumiti. Tumalikod na siya at pumunta sa room nila. Nakasunod lamang ang binata sa kaniya at tahimik lang ito. Hindi niya alam kung bakit parang hindi niya mapigilan ang sariling huwag mapangisi. Kinikilig siya. Pagdating sa room nila ay may nakikita pa siya sa hallway na mga magkasintahang nagyayakapan sa madilim. Naalala niya tuloy ang paghalik ng binata sa gilid ng labi niya. Pasimpleng napahawak siya sa mukha niya at napabuga ng hangin. Pagdating sa room nila ay nilingon niya si Keiran na nakatayo lang. “Mag

