"Pak na pak!" sabay nagkatawanan sina Yumie at Lizzie, tawang tawa sila sa hitsura ni Angela habang palabas ito ng opisina ni Matheo. "You b***h! May araw din kayo sa akin!" dinig pa nilang sabi ni Angela. "We'll wait for you!" tila nang-iinis na sabi ni Lizzie. Tumayong muli si Matheo at iika-iika itong naglakad patungo sa kanilang dalawa. "Baby what's wrong?" napangiwi pa ito habang hawak nito ang kanyang harapan. Hanggang sa marealized ni Yumie ang kanyang nagawa. "Ah- eh sorry! Hindi ko sinasadya, ikaw naman kasi eh!" napakagat sa daliri si Yumie dahil sa guilt na kanyang nararamdaman. Nagpaalam narin si Lizzie sa kanilang dalawa, ilang sandali pa dumating naman si Hilda na galit na galit sa kanila habang nakasunod naman sa kanya si Angela. "Tita look oh, pinagtulungan nila akong

