Chapter5

848 Words
Amethyst * Tatlong araw na ang nakakalipas mag mula nung ma-encounter ko yung engkanto na yun.Tatlong araw na rin akong hindi makatulog ng maayos dahil pakiramdam ko,sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko o di naman kaya'y nakakaidlip na ako ay makakaramdam ako na tila ba may nag mamasid sa akin sa paligid.Nariyan yung gigising ako na para bang may umiihip sa mukha ko at kung minsan naman ay biglang may malalaglag na bagay sa loob ng kwarto ko.Pero sa tuwing titignan ko naman ay wala naman ibang tao roon kung di ako lang.Katulad na lamang ngayon na nakaidlip na sana ako pero bigla na lamang akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman kong may kung anong bagay ang tumama sa aking noo. Aray!!!!! Inis na sigaw ko habang hawak hawak ang aking noo.Ilang beses pa akong nag palinga linga sa loob ng aking kwarto at natigilan ako ng makita ko ang suklay malapit sa aking tabi. “So eto yung tumama sakin? pe-pero saan galing to?” Tanong ko sa aking sarili at nag umpisang makaramdam ng takot.Unti unti akong pinagpawisan at dahan dahan nilingon ang bintana na ngayon ay nakabukas na. “Hoy sino kausap mo d'yan?” “Ayyyyy tangina!” “Hahahahahahahahaha.” Halos mamatay matay na tawa ni Aya na siya namang ikinainis ko kung kaya't mabilis kong dinampot ang unan sa aking tabi at malakas iyong ibinato sa kanya. “Aray ko te hahaha! bakit ba kasi yung itsura mo para kang na engkanto? sa labas pa lang ng kwarto rinig na rinig na kitang nag sasalita.Sino ba kausap mo?” Tumatawa pa ring tanong ni Aya.Halos mapalunok pa nga ako ng banggitin nito ang salitang engkanto.Unti unti na naman tuloy bumalik sa akin ang alala noong gabing papaalis na ako ng ilog at may binato ito bunga ng saniata na kinagatan na niya. “Asahan mo ang pagdating ko sa mga susunod na araw.Maniningil ako.” Nakangisi nitong sambit mula sa kabilang banda ng ilog. A-anong klaseng singil ba ang gagawin mo? Halos pabulong kong tanong dito at mabilis na nag yuko dahil hindi ko magawang tagalan ang mga titig nito. “Tss.” Dinig kong pag ngisi nito. “Buhay.” Sambit nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko dahilan upang mag taas ako ng tingin dito ngunit tulad kanina ay wala na ito doon. “Hoy! ano ba ate?” Yugyog sa akin ni Aya at saka lamang ako bumalik sa aking ulirat. “Ano ba yan.Tulala yarn? alam mo ang mabuti pa, kumain na lang tayo ate.Bilis marami akong take out.Galing to sa birthday ni alondra.” Sa sinabing ito ni Aya ay mabilis ko itong kinurot sa kanyang tagiliran. “Ouch! ate naman eh!” Namimilipit na reklamo ni Aya habang hipo hipo ang kanyang tagiliran na kinurot ko. “Ikaw ha! akala mo napatawad na kita sa ginawa mong pang ba-block sa number ko?” Taas kilay kong sambit. “Eh ate, sorry na nga kasi.” Hay naku aya! tigil tigilan mo ko ha.Gawain ba ng matinong babae ang umuwi ng hating gabi? papaano na lang kung may mangyari sayong masama d'yan sa daan? Sermon ko kay Aya na siyang ikinanguso nito. Eh ate nandun naman si tito Emman.At saka kilala na rin naman ako ng mga tao dito so sino naman ang gagawa ng masama sa'kin? “Ah basta! simula ngayon ayoko ng uuwi ka ng ganitong oras.At isa pa yang Emman na yan.Hindi ko gusto yang napangasawa ni Nanay.Masama ang kutob ko d'yan.Wala ng dahilan para mag stay siya dito dahil patay na ang Nanay.Kung hindi lang dahil kay baby Pearl ay pinalayas ko na yan.” Inis na sambit ko.Kung meron mang nakakapag hatid ng kilabot sa akin ngayon bukod sa engkanto na naincounter ko na naniningil kuno ng buhay, ay pangalawa dito ang titig ni Emman.Kahapon lang ay huling huli ko itong sinisilipan ako mula sa pintuan ng aking kwarto.Mabuti na lamang ay nakarma agad ito.Paano ko ito nahuli? sumigaw lang naman s'ya ng pagkalakas lakas nang mula sa bintana ay humangin ng malakas dahilan upang sumara rin ng malakas ang pinto na nagresulta sa pagkaipit ng kanyang mga daliri.Hindi ko nga maiwasang mag isip na baka isang araw ay pagtangkaan nito ang sino man sa amin ni Aya.Siguro'y kukuha ako ng tyempo para kausapin ito ng masinsinan na kailangan niyang bumukod ng tirahan since wala na rin naman na si Nanay.Pero paano naman si baby Pearl? kapatid ko siya.At ayoko namang iwan siya sa tatay niyang lasinggero. “Ate kain na.Masarap to promise.Kilala ang mga luto ni manang Leth na masasarap kaya bilis na.” “Tanging tango at ngiti na lamang ang nagawa kong tugon kay Aya.Punong puno kasi ang isip ko ng problema.Una ay paano kung totoong maningil nga ang engkanto na yun ng buhay.Kaninong buhay naman ang ibibigay ko? probably not my two sisters and not even mine. At pangalawa si baby Pearl.Paano kung ipilit ng lasingero niyang tatay na sakanya dapat si Pearl? hay di ko na alam kung ano ang una kong iisipin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD