SA bawat araw na lumilipas dama ng dalagita ang unti-unting pagbabago nang pakikitungo sa kaniya ni Jordan. Bihira na siya nitong kausapin at laging wala ang binata sa mansion ng parents nito. Si Doktora Cathy at asawa nito na si Tito Dale, kasalukuyang nasa London. Ang tanging kasama ni Marah Kaye, ay mga kasambahay. A few months later… Isang gabi nagising si Marah Kaye, dahil sobra ang pagkauhaw niya. Lumabas siya ng kwarto para magtungo sa kitchen nang biglang makita niya si Jordan. Agad na tumakbo siya dito at sinalubong ito ng yakap. Umiyak na rin siya sa sobrang pagka miss niya sa binata. Simula ng nalaman nito na hindi siya ang tunay na Amarah Kate, ngayon na lang ulit niya ito nayakap. Hindi na rin na pigilan ang mapa hikbi at patuloy na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi.

