2015 Umalis daw si Jose na ninong ni Louis. Pumunta ito ng Malolos para ipaopera ang alaga niyang German Shepherd at sinabi ng asawa nitong si Cristina na babalik din ito mamayang hapon. Sina Louis at Vincent ang pumunta. Mataas pa ang araw no’n. Naiwan ang apat kasama ni Mang Pol sa bahay. “Mga anong oras po ba?” tanong ni Louis. “Siguro, mga alas-dos o mahigit. Di ako sure,” sabi ni Cristina. “Ano ba kailangan n’yo sa kanya?” “May assignment po kami, eh. Eh kailangan po namin ng kahit sinong may trabaho na puwedeng makakausap.” “Hindi puwedeng i-search na lang sa google?” “Hindi po, eh. Interview po. Thesis.” “Ah, gano’n ba. Sige. Bumalik na lang kayo mamaya. Mga one-thrity. O two.” Bumalik silang dalawa sa bahay ni Mang Pol at sinabi na wala pa ang ninong ni Louis. Naghintay si

