CHAPTER 1
Pagod.
Yun ang nararamdaman ko ngayon bukod sa gutom na gutom na ako dahil buong araw ako wala kinain dahil ang pera hawak ko lang naman kanina ay 200 pesos at di sapat upang makabili ako ng pagkain mula umaga Hanggang gabing pag hahanap ng trabaho.
Pero wala.
Kahit isa wala tumanggap sakin kesyo puno na o di kaya ay nandidiri sakin, di ko nga maintindihan kung bakit diring diri sila sakin, hindi naman ako ganun kapanget pero naisip ko na din na mabuti na ganto ang ayos ko kesa makita nila yung totoong itsura ko pag di ko suot ang mga mahabang palda ko, ang mga long sleeve na damit na suot ko, ang makakapal na kilay na ako mismo ang gumuhit at ang malalaking nunal at tigyawat na ako mismo ang naglagay upang di ako pag intiresan ng kahit na sino lalaki.
" Kamusta ang pag apply?" tanong ni mama habang di ito nakatingin sakin at tila hinihipan ng marahan ang kuko nito siya mismo ang naglagay ng kulay.
" Wala po. " mahina at pagod ko sagot. Yun na lamang ang sinagot ko upang di na ako makarinig pa ng kahit na Anong salita sa kanya pero mukhang nasa systema na ata ng Ina ko Ang bungangaan at pagsalitaan ako ng kung ano ano.
" Pabida ka kasi! Anong akala mo may tatanggap sayo sa ganyan itsura mo?" Sigaw nito.
" Sa panget mo yan, wala talaga tatanggap sayo! Ih kung nakinig ka sakin at pumayag ka ayusan kita baka may pakinabang ka ngayon!" Dagdag pa nito.
Nakakarindi sa tenga pero tama naman, walang nga naman tatanggap sa panget na katulad ko pero mas mabuti na ito kesa hayaan ko ang Ina ko ayusan ako, at pag piyestahan ng mga mahahalang na lalaki ang buong kaluluwa ko.
Puri na lang ang natitira sakin hahayaan ko pa ba ibenta ko pa yun sa kung sino sino lalaki?
" Ma, ilang beses ko po ba sasabihin sa Inyo na di ko ibebenta ang kaluluwa ko para lang sa mga pang araw araw na gastusin natin at lalo na sa luho ng lalaki mo batiugan." Balik ko sagot.
Ngunit nang pantig ata ang tenga ng ina ko ng banggit ko ang tungkol sa lalaking kinakasama niya ngayon na di ko alam kung ano ang pwede gawin sakin kapag wala ang Ina ko dito at naiiwan ang lalaki nito sa bahay.
Hindi ko naiwasan ang pagbato ng Ina ko sa sigarilyo may sindi na ngayon ko lamang nakita at nayamot tumama iyon sa braso ko ngunit dahil siguro sa pagod ay di ko na iyon napansin at ininda pa.
" Batugan? Ang batugan na sinasabi mo ang tumayo tatay sa Iyo pagkatapos ako iwan na lang bigla ng walang hiya mo ama!" Saad nito pagkabato nito ng may sindi sigarilyo.
" Tumayong ama? Ma! naririnig niyo ba ang sarili niyo? Bakit di niyo makita walang hiya din yan lalaki ipinagmamalaki niyo sakin!" Sumalubong sakin ang palad ng iha ko ng isinigaw ko iyun.
Hinila nito Ang buhok ko at hinawalan ako sa panga. Ngunit wala ako naramdaman kahit na ako sakit. Tila namanhid na ata ako
" Walang ka modo! Walang ka utang na loob! Tama si Roberto dapat ipinalaglag nalang sana kita noon at di na sana kita binuhay pa kung pag laki mo wala ka na nga kwenta wala ka pa utang na loob!" Balik sigaw ng Ina ko.
Ang akala ko manhid na ako, ang akala ko wala na ako mararamdaman pa sakit, pero baliwala pa ang bugbog, pagbato ng upos ng sigarilyo sa balat ko, ang sampal na araw araw ko nararamdaman sa Ina ko man o sa asawa nito.
Mas masakit pala ang marinig na niminsan sa buong buhay Ina ko tumakbo pala sa isip ng Ina ko ang ipalaglag ako at wag nang buhayin pa.
" Na sana ginawa mo na noon pa! Dahil mas gugustuhin ko mamatay kesa mabuhay ng may natitira magulang pero hindi kayang magpaka nanay-" balik sagot ko.
Hindi ko nais na makita ng Ina ko nasaktan niya ako sa mga sakita binitawan niya.
" Nelda! Ang bunso mo anak nasagasahan!" Umaangos na sigaw ng kapitbahay namin mula sa labas ng amin tahanan na naging dahilan upang pareho kami matahimik ng aking ina.
Naramdaman ko natigilan ng Ina ko kungkayat nakakawalan ako sa mahigpit na pagkakasabunot ng Ina ko sakin sakin.
" Aling Teresa, anong nangyari sa kapatid ko?" Kinakabahan salubong ko sa ginang na nasa labas. Nais ko kompirmahin ang narinig dahil baka pinaglalaruan lamang ako ng pandinig ko.
" Ang bunso mo kapatid nasagasahan Nasya" muli ay bigkas nito. Dali dali ako sumama dito ng itinuro nito ang daan kung saan nasagasahan ang kapatid ko.
Nagtuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko ng makita ko ang kalagayan ng kapatid ko nakahandusay sa sahig at puno at naliligo ng dugo sa kalsada.
" Maki, andito na si ate, imulat mo lang ang mga mata mo dadalhin kita sa hospital-" nangingig ang buong katawan at boses ko ng lapitan ko ito at pilit na ipinamumulat ang bahagya bukas na mga mata nito.
" A-a-te, na-na-naka-u-we ka-ka-na" marahan at hirap nito salita.
" Oo bunso, nakauwe na si ate, kaya imulat mo lang ang mga mata mo ah kung hindi, hindi ko ibibigay ang pasalubong ko candy sayo." saad ko habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko.
" A-a-te, d-di k-ko ga-law m-mga k-kamay, p-pa-a k-ko." Hirap na hirap na saad ni Miko.
" Tulong Po! Ambulansya! Tumawag Po kayo ng ambulansya!" Natataranta sigaw ko sa mga tao nakikiusosyo sa paligid namin.
Puno ng luha bumaling ang mata ko sa Ina ko tulalang nakatitig lamang mula sa hindi kalayuan kinaroroonan ng kapatid ko. " Ma! Ano ba! Kahit ngayon lang magpaka Ina ka naman oh! Tumawag ka ng ambulansya!" sigaw at pagmamakaawa ko sa Ina ko ngunit tila hindi ako narinig nito. Kung kaya panandalian ko iniwan si Miko at nilapitan ang ina namin dalawa.
" Ma, parang awa mo na, magpaka nanay ka naman samin, kay Miko, kailangan ka niya-" umiiyak na pagmamakaawa ko dito.
" Miko, bunso ko, Miko ko" tila nagising ito at nanginginig na hinawi ako at nilapitan si Miko habang lumuluha ito.
" Miko bunso ko, andito si mama dadalhin ka namin sa hospital ah, wag ka susuko, wag mo iiwan si mama ah" saad nito kay Miko.
Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko at nanginginig ang kamay ko kinapa ko sa cellphone ko sa bulsa ko ng lapitan na ni mama si Miko.
Mabuti na lamang at may load pa ako pang tawag kung kayat nagawa ko makatawag ng ambulansya magdadala kay Miko sa hospital.
" Anong nangyari ma? Bakit nasa labas si Miko?" Nanginginig na Tanong ko habang nasa labas kami ni mama ng operating room (OR).
" Hindi ko alam! Ang alam ko pinatulog na siya ng papa niya-"
" Ipinagkatiwala niyo ang kapatid ko kay Tito Roberto?" nagulantang na saad ko.
" Oo" wala sa sariling sagot ng Ina namin.
" Ma! Ilang beses ko po ba sasabihin sa Inyo na di niyo dapat ipinagkakatiwala ang kapatid ko sa adik na yun-" nanginginig ang kalamnan nasaad ko. Hindi ako makapanila sinuway ako ng Ina ko.
" Papa niya yun-"
" Kahit na ma! Kahit ama pa yun ni Miko! Tignan mo ang nangyari! Nang dahil sa pagtitiwala mo sa lintik na lalaki na yan napahamak si Miko. Ma! alam mo na may Autism Spectrum Disorder Miko pero hinayaan mo pa din siya ang magbantay sa kapatid ko!" hindi ko mapigilan hindi lapitan at isigaw sa Ina namin ang kamalian pagkakatiwala niyo sa kapatid ko sa adik na kinakasama nito.