bc

Under the Governor's Seduction (SPG)

book_age18+
776
FOLLOW
8.6K
READ
forbidden
family
HE
age gap
opposites attract
heir/heiress
drama
bxg
small town
wild
like
intro-logo
Blurb

Timotheos Sean Clémentel ay isang probinsyal gobernador ng La Isla de Amore. Tanyag ito hindi lamang sa kayamanan at katalinuhan nito kundi dahil sa taglay nitong karisma. Sa mahabang panahon kasi nitong paninilbihan ay wala ni kahit isang pagkukulang itong nagawa kaya gayon na lamang itong tinatangi ng mga mamamayan sa lugar. Ngunit hanggang kailan ito magiging perpekto sa mga mata ng tao? Kung isang araw ay guguluhin ni Maria Tanya Aceveda ang kaniyang perpektong mundo. Isang babae na napadpad sa isla ang tuluyang gigimbal sa buhay nitong tila walang bahid ng kasamaan.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula - Naaninag Wala sa sariling napaupo ako sa lupa nang maramdaman ko ang panginginig ng mga kalamnan ko. Kanina pa kasi kaming umaga na nandirito sa bukid at malapit na maghapunan pero hindi pa rin kami umuuwi. Wala yatang balak umuwi itong si Lian. Balak siguro nitong samahan namin na matulog at maghapunan ang mga alagaing kabayo nila. Hindi naman sa nagrereklamo. Pero kasi overwork ang tawag dito. Araw-araw na lang kaming nagtutungo rito sa bukid para lang sandukin ang mga dumi ng kabayo. Hindi ba uso sa probinsya ang rest day? Kahit gaano ako kapagod at kairitado ay pinanatili kong maging kalmado. Wala kasi akong karapatang magreklamo lalo na wala pang isang buwan simula na nagtungo ako rito. Kailangan ko magtiis dahil hindi lang buwan ang itatagal ko rito kundi taon. Napahiga na lang ako sa lupa at napabalik-tanaw na lang sa nangyari nakaraang linggo. Kung kailan ay unang napadpad ako rito sa La Isla de Amore. Parang kahapon lang kasi ay nakaupo lang ako sa opisina namin. Nagtitipa sa kompyuter pero ngayon ay ito at nagdadakot na ng tae. Pero iyong tila kahapon na 'yon ay hindi ko na siguro maibabalik. Kailan ko na harapin ang reyalidad... na tuluyan na nga akong natalo sa buhay. "Hello, Lilian Valencia?" tanong ko sa isang babae na tila mas bata sa akin. Maaliwalas itong ngumiti at tumango. "Kayo po ba si Ate Maria Tanya Aceveda?" tanong nito na ikinatango ko rin. Nabigla ako nang mabilis niya akong niyakap at tila natutuwa na makita ako sa personal. Si Lilian Valencia o mas nais tawaging Lian ay kamag-anak ko sa side ng mama ko. Pero hindi ko sigurado kung sino ang magulang niya. Ang banggit nito ay ang ama niya ay pinsan ng mama ko kaya magiging pangalawang pinsan ko siya. Maagang namatay ang magulang ko. Kaya lumaki ako noon sa bahay-ampunan dahil sa walang kamag-anak na nakontak at kumupkop sa akin. Kaya iyong kakilalang madre namin ang nagpasok sa akin sa bahay-ampunan noong bata ako. Kalaunan no'ng nasa tamang edad na ako ay nagdesisyon akong mag-aral sa kolehiyo bilang sikolohiya. At sa edad na bente ay nakapagtapos naman ako sa awa ng Diyos at nakapagtrabaho. Ngunit matapos nang mahigit limang taon ay minalas dahil sa natanggal ako. Hirap akong makahanap ng trabaho at bago pa ako malubog sa utang ay hinanap ko na ang mga kamag-anak ko upang mahingan ng tulong. "Balak n'yo po bumalik muli sa siyudad? Pero bakit naman? Hindi ka pa nga po nakakarating nang tuluyan dito pero iniisip n'yo na agad ang pag-alis," saad ni Lian na tinulungan akong magbuhat ng gamit ko. Malungkot akong ngumiti na lamang. Binaybay namin ang patungo sa bahay nila na tila may kalayuan sa harbor. Kung sisipatin ang paligid ay walang mga nagtataasang gusali, hindi tulad sa siyudad. Probinsya talaga ang dating. Tila binalik tuloy ako sa matagal na panahon. "Hindi n'yo pa nga po nakikita ang ganda ng La Isla de Amore," dagdag nito. "Natuwa pa naman ako na may makakasama na ako muli." Napatingin ako sa huling sinabi nito. "Nabanggit mo sa usapan natin sa telepono na may unang pinsan ka pala at umalis nakaraan lang upang mag-aral sa siyudad? Kung gano'n ikaw at si Lola Anding na lang ang magkasama rito? Nasaan na ang iba pang mga kamag-anak natin?" usisa ko. "Hindi ko po alam. Medyo matanda na po kasi si Lola Anding at may pagkakalimutin na rin kung minsan. Kaya hindi niya na naikukuwento sa amin," mahinhin na boses nito. "Pero ang magulang ko po ay hiwalay na at parehong nasa ibang bansa. Kaya nandito ako sa kalinga ni Lola Anding." Napatango-tango ako. "Ilang taon ka nga pala, Lian? Nag-aaral ka pa rin ba?" tanong ko dahil sa kanina pa ako nagtataka sa edad niya. Inosente kasi ang dating nito. Mahinahon magsalita. Tila mukha itong teenager. Hindi naman nalalayo ang height namin dahil sa kinapos ako sa tangkad. Kulay kayumanggi rin ang balat niya at maamo ang mukha na kabaliktaran sa akin. "Bente anyos na po ako. Hindi po ba bente singko ka po, Ate Tanya?" balik nitong tanong na ikinatango ko. "Nag-aaral pa rin po ako at sa may bayan ang paaralan namin. Bakasyon lang po ngayon pero kapag may pasok na ay sa apartamento sa bayan ako kadalasang nananalagi po." "Eh, paano 'yan? Kapag may pasok ka pala ay naiiwan mag-isa si Lola Anding?" Umiling ito. "Hindi po, nandiyan naman po lagi ang inaapo niya." Inaapo? Akala ko ba ay kami-kaming tatlo na lang ang magkakamag-anak dito sa isla? Pero hindi na ako nagtanong pa dahil mamaya ay magtaka na ito. Nakakapagod din magtanong dahil sa nakakahingal ang init. Summer kasi ngayon. Pero mukhang magiging maayos naman ako sa puder nila dahil sa nagkagaanan agad ang loob namin ni Lian. Pagkarating namin sa malaking bahay o mas akmang tawaging hacienda na gawa sa makuwalidad na materyal. Doon ko lamang napagtanto na may kaya pala sila Lola Anding. Mula kasi rito sa kinatitirikan ng bahay nila hanggang sa magkabilang dulo ay lupain nila. "Maria Tanya, ikaw na ba 'yan? Diyos ko po! Napakaganda mo naman sa personal!" pambobola ni Lola Anding na naabutan naming naghahanda ng mga pagkain. Kahit na tila mga nasa edad sisenta na si Lola Antonette Valencia ay mukhang malakas pa ito. Lalo na nang ipabida nito na siya lamang ang nagluto ng mga pagkain. "Si Melinda pala, Maria. Siya ay isa sa tagapangalaga ng hacienda," pakilala ni Lola Anding sa kasama nito kanina pa. "Kaagapay ko rin siya sa pagluto kung minsan." "Magandang hapon, hija. Kung may kailangan o problema ka ay maaari mo naman akong lapitan. Huwag ka mahihiya," saad nito na ngiting ikinatango ko. "Bakit mo nga pala naisipang magtungo rito? Ang balita ko ay maganda sa siyudad dahil maraming oportunindad." Napahinto ako sa tanong niya. Pero sinagot ko naman 'yon nang totoo. Inamin ko na natanggal ako sa trabaho at nawalan ako ng kakayahang mamuhay sa siyudad. Kaya pansamantala ay umuwi muna ako rito sa isla. "Balak mo ba mamasukan dito? Pero karaniwan sa trabaho rito ay kasambahay o kaya sa palayan..." "Ano ka ba, Melinda. Hindi na kailangan ni Maria ang mamasukan kung kani-kanino. Dahil kailangan ko ng katuwang sa paggawa rito sa bahay. Sapagkat itong si Lian ay babalik na ulit sa eskuwela," kontra ni Lola Anding. Napuno ng kuwentuhan ang hapag-kainan. Samu't saring tanong ang sinasagwan ko mula sa kanilang tatlo lalo na kay Aling Melinda. Hindi ko alam kung ano trip nito o sadyang mausisa lang talaga ito. "Marunong ka ba magluto?" tanong ni Lola Anding na alanganing ikinailing ko. "Ayos lang 'yan at matututo ka rin kagaya ni Lian. Pwedeng samahan mo muna si Lian sa paghahatid ng mga pagkain." Paghahatid ng pagkain sa mga nagtatrabaho sa kanila sa bukid? "Pwede rin po. Kahit saan n'yo po ako ilagay kahit padakutin n'yo pa po ako ng tae ng kalabaw ay kaya ko naman po," biro ko sa kanila na hindi nila ikinatawa at sa halip ay tinotoo 'yon ni Lola Anding. Kaya ito kami ni Lian at magdamag na dinadakot ang dumi. Hindi sa kalabaw kundi sa kabayo. Hindi ko naman kasi batid na wala pala silang sense of humor! Mas pipiliin ko pa yatang mamalimos sa siyudad kaysa magdakot ng dumi ng iba. Tuluyan akong napabalik sa ulirat nang maaninag ko si Lian na palapit sa akin. Kasalukuyan pa rin akong nakahiga sa lupa habang pinagtatanto na itong si Lian nga ay walang reklamo. Kahit ano iutos mo sa kaniya ay susunod talaga. "Ate Tanya!" tawag sa akin ni Lian. "Bakit nahiga ka sa lupa? Eh, may dumi riyan ng kabayo!" Hindi ako kumibo dulot ng pagod. Kaya hinatak na lang ako nito paupo. "Hayaan mo na, Ate Tanya. Maligo ka na lang pag-uwi," ngiting sambit nito at isinuot sa akin ang salakot. Bago ako binitiwan muli na ikinabagsak ko sa lupa. "Suotin mo po muna 'yan para hindi ka masyadong matirikan ng araw." "Saan ka pupunta, Lian? Aalis ka?" mabilis kong tanong at napatayo. "Iiwan mo ako mag-isa rito?" "Kailangan ko po bumalik sa bahay kasi malapit na maghapunan. Baka makalimutan ni Lola Anding ang gamot niya sa hika," tugon nito na inalis ang guwantes. "Babalik po ako agad dahil kailangan malinis natin ito." "Pero malapit na gumabi. Dapat ipagpabukas na itong paglilinis. Kaya sasama na ako sa iyo pauwi..." "Ate Tanya," pigil nito. "Magagalit sa atin sila. Inako natin ang paglilinis ng dumi kaya kailangan nating tapusin." "Hindi ko kaya inako ang pagdadakot. Sinabi ko sa inyo nagbibiro lang ako," depensa ko na ikinatawa niya. "Kung gayon maling biro po kayo," banat nito na handa ng umalis. "Dadalhan ko na lang kayo ng damit at pagkain. Babalik din po ako agad, Ate Tanya!" Wala akong nagawa kundi maiwan dito sa bukid. Habang inaaninag ito na tumakbo palayo sa akin. "Bilisan mo lang, Lian! Hindi ko pa kabisado ang daan pauwi!" sigaw ko sa kaniya na ikinakaway nito hudyat na narinig niya ang sinabi ko. "Ayoko pa naman matulog kasama ang mga alagain nilang kabayo." Pero tiwala lang. May tiwala naman din ako kay Lian dahil sa masunurin ito. Hindi naman niya siguro ako makakalimutan na balikan dito. Kinampante ko na lang ang sarili ko at kinumbinsi na tapusin ang natitirang trabaho para kapag bumalik si Lian ay kaunting linis at makakauwi na agad. Kinuha ko ang pala at mabilis na pinala ang dumi ng kabayo bago inilagay sa timba na may sako. "Bakit ba kasi kailangan n'yo dumumi, huh?" tangang tanong ko habang nabibigatan sa hawak kong pala. "Eh, ang mga pusa nga naililigpit ang sariling dumi. Kayo pa kaya na mas malaki kaysa sa pusa?" Nakailang pala na ako sa dumi at binuhat ko pa ang sako papunta sa gilid dahil iniipon nila 'yon bilang fertilizer. Pero tila infinity ang dumi nila o sadyang baguhan lang ako sa gawain na ito dahil hindi ko kayang punuin ang sako. Mas lalo lang akong hindi makahinga sa suot kong salakot pero pinanatili ko 'yon. "Napakawalang modo n'yo talaga," sambit ko sa mga kabayo na hindi naman nakakaunawa. "Hindi n'yo dapat pinapaligpit ang dumi n'yo sa ibang tao. Hindi 'yon makatao!" "Mukhang wala ka rin sa katauhan." Napatigil ako sa pagpapala nang may magsalita. Malalim ang boses nito at tila may mahika 'yon dahil sa hindi ako nakagalaw ni hindi ko ito nalingon upang iproseso ang narinig. Sigurado ako na ang boses na 'yon ay galing sa matipunong tao. Impossible na galing sa kabayo 'yon unless na mukhang kabayo ito. "Para kausapin ang mga kabayo," dagdag nito. "Hindi mo na kasama si Tope?" Nagtaka na nilingong sinagot ko ito. "Tope? Sino naman 'yon..." Napatigil ako muli nang maaninag ko na ito. Mabuti na lang ay hindi niya nakita ang mukha kong nakabalot sa tela at salakot. Hindi niya nakita kung paano umawang ang labi ko sa makamandag na itsura at tindig nito. Holy f*ck. Sino namang creator ang gagawa ng ganito kaamong mukha? Parang anghel na bumaba mula sa kalangitan. At daig pa ang makasalanang taong umakyat mula sa impyerno sa sobrang hot nito. Sobrang tangkad niya. Hindi kaputian pero bagay na bagay sa kaniya 'yon. Mapula at tila pusong hugis na labi. Mapupungay ngunit maalindog na mata. Matangos na ilong at higit sa lahat ay ang katawan nito. Sobrang maskulado kasi ito na tila kayang mangabayo buong magdamag. "Lian, tinatanong kita," tawag nito na ikinabalik ko sa sarili. Lian? Hindi ako si Lian. Pero paano nagkaroon ng ganitong kakilala ito? "Lilian," tawag niya muli. "H-Huh?" mahinang sambit ko dahil tuluyan akong nahibang sa itsura at boses niya. "Ang sabi ko kung may kasama ka ba ngayon? Ikaw lang mag-isa na nandito?" paninigurado nito na ikinatango ko. Sh*t. Bakit siya lumalapit? Huwag niyang sabihin na nobyo siya ni Lian? Dahan-dahan akong napaatras habang ito ay nakangising lumapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa kung saan. "Delikado maging mag-isa kapag bisperas ng gabi at lalo babae ka pa," mahinahong suway nito na ikinakunot-noo ko. "Sang-ayon ka ba sa akin, Lian?" Tumango ako pero binawi ko 'yon at umiling. Hindi nito makita ang mukha ko lalo na bahagya akong nakayuko. Kaya siguro akala nito ay ako si Lian. Pero si Lian man ako o hindi. Hindi niya pwedeng gawin ito sa akin. Porket kami lang na nandito sa kabukiran. Aakitin na niya ako? Napalunok ako nang inokupado na nito nang tuluyan ang espasyo sa pagitan naming dalawa at inambahan ako ng halik. Pero puwersahan ko siyang itinulak dahilan kaya ito napaatras. "Hindi ako si Lian!" naisigaw ko at tumakbo palayo pero agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko. "Aray ko... iyong kamay ko!" "Tangina, sino ka?" gulat nitong tanong na pinigilan akong makalayo. "Tinatanong kita kung sino ka?!" "Pakialam mo?!" pambabara ko at pilit na inaalis ang mahigpit na hawak niya sa kaliwang pulsuhan ko. "Nasaan si Lian? Bakit suot-suot mo ang salakot niya?" marahas na tanong nito. Binabawi ko na. Mukha siyang anghel pero iyong ugali niya ay mas demonyo pa sa demonyo! Sigurado ako na isa itong tikbalang na nag-anyong tao lamang. Ang kulit din kasi ni Lian. Sabi ko na huwag akong iiwan! "Bakit si Lian lang ba ang may ganito?!" sigaw ko pero sobrang lakas niya at kulang na lang ay idapa niya ako sa lupa para lang hindi tumakas. "Ako ang nagbigay n'yan kay Lian! Kaya nasaan siya? Sino ka ba?" Napainda ako sa sakit nang walang alinlangang pinaluhod ako nito. Kaya nasa likuran ko ito at mahigpit na kinandado ang mga kamay ko sa likuran ko. Habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa batok ko upang pigilan akong lumingon. Dinaig ko pa ang kriminal kung tratuhin nito. Eh, kung tutuusin ay siya pa nga itong kriminal sa amin dahil sa ginagawa niya sa akin. Kahit sabihing mukha itong alagad ng kabutihan dahil sa mabiyaya nitong pagmumukha. "Hindi ako sinuka! Hindi rin ako pulis para hanapan mo ng tao!" galit kong sigaw dahil sa isinandal niya ako sa puno. Habang kaunti na lang ay babalian na niya ako ng buto sa braso. "Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako! Baka gusto mong saktan din kita..." "Isa pang pabalang na sagot mo. Hindi ka matutuwa sa susunod kong tugon!" Hindi ko na natiis ang sakit na iginawad nito. Kaya sumuko na ako dahil pakiramdam ko ihihiwalay talaga nito ang braso ko sa katawan ko. Animo'y ihihiwalay niya ang kaluluwa ko sa katawan ko. "O-Okay! Pinahiram lang sa akin ni Lian ito. Kung nagagalit ka na isinuot ko ito. Ito na at huhubarin ko na!" pakiusap ko na hindi niya ikinatinag. "A-Aray ko! Huwag mo idiin! Kapag ako nabalian ng buto kahit anong uri ng buto mo sa katawan ay babaliin ko rin!" "Hubad," biglang utos nito. "Hubarin mo na. Huwag mong hintayin na ako pa gagawa. Kundi buong damit mo ang aalisin ko." Sh*t. Ang dumi ng bibig niya. Mas madumi pa kaysa sa dumi ng kabayo. "Bobo ka ba?" pabalang na tanong ko sa kaniya. "Eh, hawak mo 'yong dalawang kamay ko. Paano ko huhubarin, aber?" Galit niyang pinakawalan ako. Habol tuloy sa paghingang napasandal ako sa puno. Habang matalas ang tingin dito na nagpupuyos sa galit ang mata. Siya pa ang may ganang talasan ako ng tingin? Eh, kung tusukin ko ang mata niya? Kung nobyo ito ni Lian. Madidismaya talaga ako. Sa sobrang bait ni Lian ay sa isang malademonyong pag-uugali lang siya mahuhulog? Inis kong inalis ang tabon ko sa mukha at ibinato sa mukha niya ang salakot. "Masaya ka na? Saksak mo sa baga mo 'yan, ha!" galit kong saad. Pero tila natigilan ito. Naiwan ang sarili niya na nakatingin sa akin habang hinayaan niyang mahulog sa lupa ang salakot. Ano na namang problema niya? Akala ko ba ay salakot ang nais niya? Eh, bakit pinabayaan niya lamang itong masawsaw sa dumi? Hindi ito kumibo sa sinabi ko. Matalas na tingin ko siyang iniwan at dinampot ang pala. Dapat pala hinampas ko sa kaniya ito kanina. Edi, sana mahimbing siyang natutulog ngayon. Tuluyan nang kinain ng dilim ang buong kalangitan. Habang ako ay pinagpatuloy ang pagpapala. Ilang sandok na lamang ay makakauwi na ako pero wala pa ring Lian na dumarating. "Bagong salta?" tanong ng kupal na ito na hindi pa pala napuksa. Hindi ako tumugon kaya mas lumapit ito sa akin. At pinanood niya lang ako habang hinihintay kumibo. Kaysa titigan niya ako ay bakit hindi niya ako tulungan? Baka mapatawad ko pa siya sa karahasan niya kanina. "Pangalan mo?" seryosong tanong niya muli pero hindi ako kumibo. "Wala kang pangalan?" Tingnan mo ang ugali niya. Ganiyan ba dapat ang nagtatanong? Inagrabyado niya na ako! Kaya imbes na mangusisa siya ay dapat humingi na siya ng kapatawaran. "Huwag mo akong pauulitin." "Huwag mo rin akong pilitin," depensa ko. "Pribado ang pangalan ng tao. Kung ayaw niya sabihin sa iyo, makuntento ka." "Walang pribado sa lugar na ito," mariin na sambit niya na ikinatawa ko. "Sino ka ba sa akala mo?" pagsusungit ko. "Ikaw ba ang pinuno ng lugar na ito? Eh, mukha ka lang namang lakwatsero!" "Bago ka magsalita, babae. Bakit hindi mo subukan tumingin sa salamin?" depensa niya na ikinalukot ng kilay ko sa galit. Loko ito. Porket madungis lang ako dahil nahiga ako sa dumi kanina. Idagdag pa na pinaluhod ako nito sa lupa. Anong aasahan niya? Magiging kasing sariwa ako ng pechay matapos ako nitong isubsob sa putikan? Kuhang-kuha niya ang inis ko. Hindi na lang ako kumibo at tinalikuran ito upang makauwi na. Bahala na kung saan ako dadalhin ng paa ko basta mailayo lang ako sa demonyong ito. "A-Aray ko!" inda ko nang bigla siyang sumunod at marahas akong hinila sa pulsuhan upang ipasakay nito sa magara niyang sasakyan. "Hoy, saan mo ako dadalhin? Anong gagawin mo sa akin?" "Sumama ka sa munisipyo," saad niya habang puwersahan akong hinahatak. "Sigurado ako na nag-eespiya ka rito..." "Ang galing mo mambaliktad, ah!" pambabara ko. "Kailan pa naging pag-eespiya ang pagdadakot ng tae, aber?!" Hindi ito tumugon. Kaya nagpilitan pa kaming dalawa para lang mapasakay ako sa sasakyan niya na ang istilo ay pang-pickup truck. Ngunit masyado akong palaban para magtagumpay itong dakpin ako. "Pumasok ka..." "O-Okay... Maria Tanya Aceveda!" pagsuko ko na lang. "Hindi mo na ako kailangan dalhin sa munisipyo. Sinabi ko na ang pangalan ko tulad ng nais mo!" Binitiwan niya ako agad. Mabilis pala siya kausap. Ang laki ng problema niya porket hindi lang ito nasasagot. "Hihintayin kita bukas ng umaga sa munisipyo," striktong saad nito na ikinataas ng kilay ko. "Bakit sasama pa ako sa munisipyo? Sinabi ko na ang pangalan ko. Hindi ba ayon lamang ang nais mo?" iritadong sambit ko pero hinatak niya ako muli pasakay. Kaya tumango na lang ako upang sumang-ayon sa pagtungo bukas sa munisipyo. Dahil tila nangalay na ang panga ko sa pakikipagbangayan dito. Pagod na ako. Gusto ko na lang umuwi at ipahinga ang sarili. "Hindi ka sumasagot..." "Tumango ako!" galit kong tugon. "Kapag hindi kita makita bukas sa munisipyo. Anong gagawin ko sa iyo, Maria Tanya Aceveda?" Natigilan ako sa pagbigkas nito ng buong pangalan ko. "Makikita mo ako ro'n. Baka nga ikaw pa itong hindi sumipot dahil apat na kaso ang isasampa ko sa iyo," inis kong saad. Makikita niya. Isusumpa ko siya. Pabubulukin ko siya sa kulungan na tila isang bulok na balat ng saging. Ngumisi ito. "Kahit isampu mo pa, Tanya," hamon nito na ikinaikot ng mata ko. Pinanlilisikan na tinging sinundan ko ito na sumakay sa sasakyan niya. Mukhang kumalma na ang demonyo sa katawan nito at nagpasiya ng umalis nang payapa. At ang kaninang plantsadong pormal na suot nito ay ngayon ay gusot-gusot na. Pero habang pinapanood ko ito ay tila nakaramdam ako ng pang-aapi. Gusto ko pala umuwi na may dignidad pa rin. Kaya mabilis kong dinampot ang pala at sinandok ang dumi ng kabayo. Tutal sa munisipyo rin ang bagsak ko ay susulitin ko na. Walang alinlangang isinaboy ko sa bukas na bintana nito ang dumi ng kabayo. Kaya ligong-ligo ito sa kadugyutan. "Tangina... Tanya!" palahaw nito na ikinangisi ko. "May problema ka talaga sa utak!" Tinawanan ko siya. Sinipa ko ang pinto niya nang balak niya pang bumaba. Pero dahil malakas ito kumpara sa akin ay tumalsik ako nang pigilan ko siyang makababa. "May ubo ka rin sa utak!" sigaw ko pabalik at mabilis na tumakbo nang habulin niya ako. Pero sumibol ang kaba at takot sa dibdib ko nang sobrang bilis niya tumakbo. Tila ang tatlong hakbang ko ay isang hakbang lang para sa kaniya. "Sinasagad mo talaga ako!" malakas na boses niya. Dinaig pa namin ang kabayo na nag-alboroto. Tila determinado rin ito sa paghabol kaya mabilis akong tumakbo sa masukal na daan. "Aceveda!" galit nitong tawag pero determinado akong takasan siya. Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Mapupunong paligid at mababatong daan ang narating ko sa kakalusob sa isang padilim na gubat. Dali-dali kong nilapitan ang isang malaking bato nang mapansin ko ito. At hinihingal tuloy akong nagtago rito habang kabado sa kapangahasan ko. "D-Diyos ko po. Mas okay pa yatang habulin ng usa kaysa ng ulol," hirap na sambit ko. Lumipas ang ilang minuto na mukhang tuluyan kong nailigaw ang gagong 'yon. Pero agad akong napatago muli nang nagkamali ako. Nandito pa rin pala ito at tahimik lamang na naghahanap. Gano'n ito kautak na nilalang. "I know you are here, Tanya," mabagsik na tono niya. "Alam ko naririnig mo ako. I give you one more chance. Siputin mo ako bukas kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
614.9K
bc

The Pack's Doctor

read
258.8K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
249.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
302.2K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
202.3K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
178.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook