Masayang masaya ang asawa ko nang malaman naming triplets ang pinag bubuntis ko. Kaya ayan nag tawag nang buong resort at maypa party pa ang tanda. Nakaupo ako sa mahabang upuan ng lumapit si Winona. Heto na naman ang mapang asar kung kaibigan. Alam ko naman ang sasabihin niya. "Hoy! Bruha! Lupit ah! triplets agad!" natatawang sambit nito. Sabi ko na nga ba, kaya ito lumapit sa'akin at mang-aasar lang. "Well, ganon talaga. Magaling ang asawa ko." pang-aasar ko pa rito. "Gaga! Kwento mo pa at nang mainggit ang lahat ng kababaihan sayo. Pero, alam mo masaya ako sayo. Teka, saan ka ba nag punta? Bakit akala nila patay ka na?" tanong niya na nanlalaki ang mga mata. "Bru, long story to tell. Medyo private na rin kasi. Hayaan muna ang mahalaga buhay pa ako." ani ko sa tono na pagbibiro p

