Nakakalungkot man pero babalik na kami ng Palawan. Kailangan ko namang harapin ang buhay ko na malayo muli sa pamilya ko. Alam ko naman hindi ako papabayaan ng poong maykapal. "Ate aalis ka na naman, iiwan mo ulit kami?" tanong ni Janina na naluluha na. "Opo, 'e kailangang mag-aral ng ate. Promise ko sayo babalik ako bago ka mag tapos ng grade 6 at ako ang magsasabit ng medalya mo." sagot ko na nakangiti. "Ate ang tagal pa po nun 'e," sagot nito sabay kamot sa ulo. "Heheh! Kaya nga dapat mag-aaral ka palagi. Hayaan mo kapag may pera na ang ate ng maraming marami, ipapasyal kita sa Palawan. Gusto mo ba 'yon?" tanong ko habang pinipigilang mapaluha. "Opo ate, gustong gusto ko." bibong sagot nito sabay yakap sa'akin. Lumapit naman sila Ja, Inay at Itay na naki yakap na rin kaya nam

