Isang linggo na mula nang maoperahan ang mga mata ko at ngayon ay tatanggalin na ang benda ng mga mga ko. Excited na akong makakitang muli na miss ko din ang gwapong mukha ni Clyde Naramdaman ko na hinawakan ni Clyde ang kamay ko at hinahaplos iyon gamit ang hinlalaki nito. Napangiti ako, dahil bawat oras na magkasama kami ay lalo itong naging sweet sa akin. Naramdaman ko din ang pagmamahal nito sa akin. Walang araw na di nito ipinaramdam sa akin na mahal ako nito. "Hello, good morning." Bati sa amin ng isang panauhin. "Morning dok." "Morning Sheena. Ngayon ko na tatanggalin ang benda ng mga mata mo. At ngayon di natin malalaman kung naging successful ba ang operasyon mo talaga." Tanging tango lang ang isinagot ko. Lumapit sa akin ang doktor at hinawakan ang benda na nasa ulo ko. Naka

