Napaawang ang aking labi habang nakatingin sa binatang nasa harapan ko. Hindi ko alam na katatapos lang pala niyang maligo. Ang buong akala ko kasi ay nasa kitchen area siya o nasa working office niya kaso mali pala.
Bakit kasi hindi sinabi sa akin ng butler na nasa mismong kuwarto si Sir Napoleon para hindi naman ako basta-basta papasok? Minsan talaga ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng matandang iyon. Pinilit-pilit akong papasukin kanin tapos ang tatambad sa akin ay bagong ligo?
Napansin ko ang iilang butil ng tubig na nahuhulog galing sa kaniyang buhok. Pababa iyon hanggang sa kaniyang dibdib. Mukhang hindi na niya naisip pang magpunas nang pumasok ako. Basta na lang yata niyang itinapis ang tuwalya sa kaniyang katawan at hindi na inisip pa ang ang tungkol sa kaniyang sarili.
Namula ang aking pisngi nang makita kung gaano kaganda ang kaniyang katawan. Magmula sa balikat niya hanggang sa braso niya na halos pumuputok na ang kaniyang braso dahil sa muscles niya. Ang kaniyang dibdib naman ay halatang matigas dahil na rin siguro sa workout niya. Hindi siya nag-focus sa braso at tiyan niya hindi kagaya ng iba. Ang kaniyang tiyan? Yes, may abs. Walo rin iyon.
Mabilis akong tumalikod at minabuting hinarap na lang ang pinto dahil sa kahihiyan. Baka kung ano pa ang maisip niya kung magtatagal pa ang mga mata ko sa kaniyang katawan. Ramdam ko rin ang titig niya na hindi man lang inilihis kahit na nakatalikod na ako.
“Sir Napoleon, ipinapatawag niyo raw ako?” tanong ko sa kabila ng naghaharumento kong puso. Napalunok ako para tanggalin ang nerbyos sa aking dibdib at pilit binabasa ang aking labi gamit ang aking dila.
He’s hot. Kahit kaliligo niya lang, ang hot niyang tingnan pero hindi naman ako ganoong klaseng tao na tititigan siya hanggang sa maging uncomfortable siya nang tuluyan. Hindi naman ako ganoong tao.
“Yeah,” simpleng sagot niya hanggang sa naramdaman kong wala na ang kaniyang mga mata sa aking gawi. Nakarinig din ako ng mga yabag na panigurado ay magpapalit na siya.
“Bakit po?” tanong kong muli dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit bigla na lang niya akong ipinatawag dito.
Wala naman akong natatandaang may kasalanan ako dahil alam ko naman sa sarili ko kung may nagawa akong mali. Bukod sa pagdidilig lang ang ginagawa ko madalas, wala naman na akong pinapakialaman. Iyon lang din naman ang ginagawa namin noon pa man. Kaya bakit bigla na lang niya akong ipinatawag? Para saan?
Hindi naman kami close pero bakit basta na lang niya akong ginulo? Ang unang pagkikita lang naman kasi namin ay kanina lamang. Iyon ang unang beses na nagkita kami dahil kapag nagpupunta siya rito sa kanilang mansion para bumisita o hindi kaya ay magbakasyon, hindi naman nagtatagpo ang aming landas. Siguro ay dahil ang nasa isip ko lang naman ay tapusin ang aking trabaho saka diretso uwi. Bukod doon ay wala na. Kasi hindi naman na namin sakop ang ibang trabaho ng mga employee talaga nila. Kaya hinding-hindi ko talaga maiintindihan kung bakit.
“You’ll stay here and eat with me,” aniya. Para naman akong nabuhusan nang malamig na tubig sa kaniyang sinabi. Hindi ko kasi talaga inaasahan na gagawin niya ang bagay na ito dahil ang buong akala ko, may iuutos lamang siya sa akin o hindi kaya ay tatanungin.
“Huh?” nalilitong bulalas ko dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Aayain niyang kumain ako kasabay niya? Bakit? Hindi naman kami magkakilala. Paano na lang kung kalaban ako, hindi ba? Hindi man lang niya inisip ang kapakanan niya kung sakali at basta na lang lumalapit sa akin na akala mo ay kilala talaga niya ako. Ganito ba talaga ang mga Smirnov? Hindi ba sila natatakot magbigay ng tiwala kahit na ngayon pa lang kami nagkita?
“I haven’t eaten lunch. Kaya ikaw ang ipinatawag ko dahil alam kong hindi ka pa kumakain, right?” tanong niya sa akin.
Narinig ko ulit ang yabag ng kaniyang mga paa hanggang sa tumigil ito sa aking likod. Ilang beses akong napamura sa aking utak kahit na hindi naman talaga ako nagmumura. f**k!
“Yes, Sir Napoleon,” sagot ko at dinagdagan pa nang mahinang tawa. “Pero balak ko po sanang kumain sa bahay.”
Sayang kasi ang niluto ni Mommy kung hindi ako kakakain doon sa bahay. Kaya nga atat na sana akong umuwi kaso dahil nga ipinatawag niya ako nang biglaan, mukhang maling desisyon yata ang magpunta rito.
Hindi naman kasi ako lumaki na mahilig magsayang sa pagkain. Kahit pa wala akong gana, kakain at kakain pa rin ako hindi dahil sa nasasayangan ako sa pagkain. Kung hindi ay nasasayangan ako sa effort ng nagluto. Hindi rin naman ako tumatanggi kung kakain ako pero dahil nga nakalaan na sana ang tiyan ko para sa lulutuin ni Mommy, mukhang kailangan kong sundin ang kaniyang kagustuhan para lang hindi ako mapagalitan.
“This is an order. You’ll eat with me,” malamig na wika niya.
Hindi naman na ako nagsalita. Para kasi akong nainsulto sa kaniyang sinabi. Imagine, gusto kong umuwi para kumain ng luto ni Mommy pero heto siya, pinipilit ako at ginamit pa ang posisyon niya para lang utusan akong kumain aksabay sya.
Siguro puwede naman akong kumain pero kaunti lang. Kapag kasi dadamihan ko, hindi na ako makakakain sa bahay. Bawal din namang tanggihan ang pagkain kaya mukhang wala talaga akong choice kung hindi ay kumain na lang talaga rito kasama siya.
Pagdating namin sa hapag, nalula ako sa sobrang dami ng pagkain. Dadalawa lang kami pero ang pagkain ay parang pang-isang pamilya na sa sobrang dami. Hindi ko tuloy lubos maisip na gagawin ni Sir Napoleon ito. Puwede namang magpaluto siya ng pagkain na hindi ganito karami tapos magtatawag ng kasama niya para siguro ubusin ang pagkain.
Naging isang linya ang aking labi habang tinitingnan ang mga pagkain na nakahilera. Wala akong balak magpakabusog pero mukhang hindi yata ako makakatakas kaagad dito.
“Let’s eat,” he declared.
Nakarinig na ako ng tunog ng mga kubyertos habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa aking plato at palipat-lipat ang aking mga mata sa pagkain na nasa harapan ko. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung ano ang dapat kong kainin. Kinakabahan din ako sa presensya ni Sir Napoleon dahil sobrang bigat nito. Para siyang may kaaway madalas dahil sa aura niya.
“Are you not going to eat, Miss Rusco?” tanong niya.
Binasa ko ang aking labi gamita ng aking dila saka napabuga na lang ng hangin. Pinili kong kunin ang isang piraso ng manok at saka inilagay ito sa aking plato. Wala talaga akong matipuhan na kainin. Parang nawalan nga ako ng gana dahil sa nangyari ngunit hindi naman ako makakapalag sa ganito.
“Kakain po,” mahinang sambit ko at kaagad na kumuha ng kanin kaso bago pa man sana ako makakuha, nagulat ako nang unahan niya ako at inilagay sa aking pinggan. Matapos pa no’n ay kumuha pa siya nang maraming ulam basta na lang inilagay sa aking plato hanggang sa nakita ko kung paano ito mapuno.
“You should eat. I know that you’re tired. You need to regain your strength before going home,” pinal na wika niya bago ipagpatuloy ang kaniyang pagkain.
Naiwan naman akong tulala sa kaniyang ginawa dahil sa gulat at pagtataka kung bakit basta na lang niyang pinuno nang walang paalam ang aking plato.