Story 1- My Bestfriend Contract Girlfriend/ Prolugue

1168 Words
Napatingin bigla si Clouie kay Aldrine nang tuluyan ng nakalapit sina Suzette at Clyde sa altar. Nababasa nya ang kalungkutan sa mga mata ng matalik na kaibigan. Mula paman noon na nakilala nya ito, wala pang ibang babae na nakabihag sa puso nito kundi si Suzette lang. Seryoso ito pagdating sa gugustuhing babae. Kaya sa paglipas ng mga taon, nung nakita nito uli ang babae. Nabihag uli ni Suzette ang puso nito. Ganun din naman sya, mula pa noon, si Clyde na ang pinangarap nyang lalaki. Kaya nung nakita nya ito uli. Nabihag din uli ni Clyde ang puso nya. Pero tanggap na nya hindi ito ang nakatadhana para sa kanya. Hindi nga lang nya alam kung ano ang nadarama ni Aldrine ngayon ikinasal na si Suzette kay Clyde. Hindi pa naman ito masyadong open sa saloobin nito pagdating sa pag-ibig. Hindi na sila gaanong nagtagal ni Aldrine sa reception, pagkatapos nilang bumati sa bagong kasal, ay nagpaalam na agad sila sa mga ito. “Are you okay?”tanong nya sa kaibigan. Kanina pa kasi ito tahimik. Well, sadya naman na tahimik na tao ito. Kaya nga tinatawag nya ito na Mr. Introvert. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse nito. Tinahak nila ang daan patungo sa San Bartolome. Napalingon ito sa kanya ng sandali. Saka ibinalik ang pokus sa pagmamaneho. “Ok naman ako. Ikaw?” balik na tanong nito sa kanya. “Are you sure?” she teased, para mapatawa nya ito kahit papaano. Hindi naman ito magagalit sa kanya. Ni minsan, hindi sila nag-aaway nito. Lagi kasing iniintindi nila ang mood ng isa't- isa. Kaya mahal na mahal nya ito bilang kaibigan. “Oo naman.” Napansin nya ang pangiti nito. Bad boy look si Aldrine noon ,madalas mataas ang makapal na buhok nito na hanggang batok, at bahagyang itinali lang. Pero ngayon, neat look na ito. Hindi na mataas ang buhok nito at nag- aahit narin ito. Aaminin nya na napakaguapo na nito ngayon tignan. Kakaiba ang dating ng s*x appeal nito. He has a brown skin and a deep mysterious eyes. Pangsamantala silang huminto sa isang dalampasigan. Nasa San Bartolome na sila, medyo malapit na sila sa Villa Del Fuengo. Magkatabi silang nakaupo sa hood ng kotse,habang nakaharap sa tubig dagat. “Akalain mo 'yon, pareho na naman tayong broken hearted ngayon.” seryoso na sabi nito sa kanya. “Oo nga. Mukhang ito talaga ang kapalaran nating dalawa. Pero masaya naman ako para kina Clyde at Suzette.”totoong sabi nya. “Ako din naman.” Sandali silang natahimik. Parehong diretso ang mga paningin nilang dalawa. Napatingin sya dito kalaunan. May nabasa syang lungkot sa mga mata nito. Kahit hindi nito aminin, alam nyang may sakit parin itong nadarama. Well, hindi naman talaga madali ang mag- move on. “Aldrine—“ sambit nya sa pangalan nito. Napalingon ito sa kanya. Nagkatama ang mga paningin nila. “Bakit? May sasabihin ka?”ngumiti ito. Lumanghap muna sya ng maraming hangin, bago nagsalita. “Ayaw mo bang magkaroon ng girlfriend?” lakas- loob na sabi nya. Napatawa naman ito. Masarap pakinggan ang tawa nito, dahil lalaking- lalaki ang tono nito. “Sino ang gagawin kong girlfriend, wala pa naman akong nakitang ibang babae na papatol sa akin.”hinaluan pa nito ng biro ang sinasabi. Napatawa narin sya sa sinabi nito. Bakit ba masyado silang seryoso kung pwede naman silang magtawanan? “Malay mo, baka papatulan kita.” Hindi sya nagbibiro dito. Sandali itong napanganga sa sinabi nya, saka ito napatawa at napailing sa sinabi nya. . “Clouie—ngayon ko lang nalaman na palabiro ka pala.” “Pero, hindi ako nagbibiro.” Sabi nya na napanganga na naman nito. Kinalma nya ang sarili. “Lagi nalang tayong naiwan broken- hearted na dalawa. Bakit kaya kahit hindi natin subukan na maging tayo? Don’t worry, hindi naman gaanong seryoso ang relasyon nating dalawa. Kung makahanap kana ng babae na mamahalin mo. Walang sabi- sabi at malaya ka na uli.” Madiin itong nakatitig sa kanya. Parang siniguro nito na hindi sya nagbibiro sa kanyang sinasabi. Seryoso ang mukha nyang nakatingin dito. “Clouie—are you sure? Hindi kaba nagbibiro?” Napatango sya. “Paano naman kung ikaw ang makahanap ng lalaking mamahalin mo?” nakakunot- noo pa ito. “Hindi mangyayari 'yan kasi sisiguraduhin ko muna na masaya kana sa babaeng mamahalin mo bago ako magmahal ng iba.” totoo nyang sabi dito. “Paano kung maputi nalang ang buhok ko at wala parin akong nahanap.” Nakatawang tanong nito. “Grabe ka naman!“ may halong pagrereklamo nya. “Bigyan mo naman ako ng chance na magkaroon ng totoong boyfriend.” “Bakit laro- laro lang ba ang gagawin natin ngayon?” Nakangiti ito. Umaksyon sya na parang nag-iisip pa. “Hindi naman. Gusto ko talagang maranasan na magkaroon ng boyfriend.” Gusto talaga nyang maranasan ang buhay na ganun. At the age of 24, hindi pa kasi nya naranasan ang magkaroon ng boyfriend. Ito ay dahil, pagkatapos ng pagka broken hearted nya noon kay Clyde ay takot na syang umibig uli. Hindi naman nya lubos akalain na mainlove sya uli kay Clyde at nasawi na naman. “Ang ibig kong sabihin, 'yon boyfriend naman na mahal ako.” Napatitig ito sa kanya. “Pero, mahal naman kita.” Napatawa sya sa sinabi nito. “What I mean, 'yon mahal ako na more than friends.” “Oo nga naman pala.” Natutup nito ang pagkakamali. “Seryoso kaba talaga? Alam mo naman na lagi kitang pinagbibigyan sa lahat ng gusto mo.” pagsisiguro nito. Well, totoo naman 'yon. Lahat ng gustuhin nya at hilingin dito, ay pinagbibigyan sya nito. Mas magiging close nga sya dito kaysa mga kapatid nyang lalaki. Ang kuya Zac nya kasi, lumaki na may ibang kasa- kasama, ang bestfriend nito. Na ngayon, naging girlfriend na nito. Hindi naman sya close ang kakambal nyang lalaki na si Zaith. Bago pa dumating si Aldrine sa buhay nya, ang daddy Aki nya ang kasa- kasama nya. Sobrang spoil sya dito. Prinsessa nga sya sa buhay nito. At saka, madalas din syang kasa- kasama ng grandma Ysabelle at grandpa Daniel nya sa hacienda, kaya lumaki sya na pinangarap na maging isang simpleng haciendera. Sya na nga ngayon ang kasalukuyang nagmamanage ng Hacienda Del Fuengo. Sa lahat ng mga apo, sya ang nagiging pinaka-close sa mga grandparents nya, dahil siguro sa Villa Del Fuengo sya lumaki na kasama ang mga ito. Habang si Aldrine naman, mula sa mana na nakuha nito sa ama ay nagbukas ito ng sarili nitong negosyo. Meron itong sariling car shop, mahilig ito sa mga sasakyan. Isang bagay na napagkasunduan nito at ng daddy nya. Magaling ito, pagdating sa mga makina ng sasakyan. “Yup. I’ m serious.” Ngumiti sya. “So ngayon, girlfriend na kita?” paniniguro nito sa maging bagong status nila. Nakangiti syang tumango. "Mula ngayon, ako na ang contract girlfriend mo. At mae- expire ang unwritten contract natin kung maiinlove kana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD