Story 5- The Price of Loving YOU- Prolugue

1606 Words
Nakatingin lang si Alissa sa dalawang tao na kaharap nya. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin sa mga ito. Sadya syang pinuntahan ng mga ito dito sa maliit na opisina nya na nirentahan lang nya. Nasa ibabang bahagi ito ng BLUEBIRD BUILDING, isa itong commercial building na matatagpuan sa bungad ng Makati. Inaasahan na nya na hindi sya mawawalang ng bisita araw- araw, pero sa pagkakataon ito, hindi nya inaasahan ang dadating na bisita. Kasalukuyan syang nakaupo sa swivel habang nakaupo ang mga ito sa kanyang harapan. “Hi Alissa!” nakangiting bati sa kanya ni Loraine. “Loraine and Zac—what a surprise?” nakangiting sabi nya sa mga ito, pagkatapos nyang kalmahin ang sarili. Kahit hindi sabihin ng mga ito. May idea na sya sa pakay ng mga ito sa kanya. Hawak kamay ang mga ito kanina habang papasok sa pintuan ng opisina nya, at mukhang may kakaiba pang tinginan ang mga ito sa isa’t- isa. At mas naging sigurado sya sa hinala nang nakita nya ang engagement ring na suot- suot ni Loraine. Masaya sya para sa dalawa. “We’re here Alissa--- kasi balak ka namin kunin ni Loraine bilang wedding planner namin. “ nakangiting sabi ni Zac. “Naalala mo yon nagkita tayo nung isang taon sa kasal ni Lizette. She said na ikaw ang wedding planner ng kasal nya, kaya more than what she expected ang naging come out.” nakangiting sabi ni Loraine. “We hope na hindi mo kami tatanggihan ni Zac.” Nanatili syang nakatitig sa mga ito. Ayaw nyang tanggihan ang mga ito. Pero, kung tatanggapin naman nya ang alok ng mga ito, baka kung ano ang magiging consequences nito sa kanya. Ibig sabihin lang kasi nito, she will going to face the greatest nightmare of her life. “Please don’t think that were tormenting you, kaya ka namin kinuha bilang wedding planner. A wedding is a wonderful thing that happens once in a lifetime, Loraine and I are just wanted our wedding to be perfect, although nothing is perfect but at least close to perfection.” Mahabang sabi ni Zac na tila seryoso talaga. “That’s why, we want to hire a perfect Wedding Planner for that very special moment in our life.” Nakaramdam naman sya na kaginhawaan sa sinabi nito. Tama naman ito. Halos lahat yata ng ikakasal ay nangangarap ng isang malaperpektong kasal. Kahit pa hindi naman lahat ang napabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng ganito at isa sya sa mga iyon. “And Zac and I choose you. Anyway 6 years are long enough na naman siguro para-----“ “Papayag ako.” putol nya sa iba pang sasabihin ni Loraine. Tama ito. It’s already 6 years passed, at kailangan na nyang harapin ang mga taong iniiwasan nya. She is now a different Alissa, strong ang wise. Hindi na sya ang dating Alissa na kay daling lukuhin at paasahin. Hindi habang buhay na kailangan nyang umiwas. Isa pa, hindi nya matanggihan ang mga ito, dahil may malaking naitulong ang mga ito sa kanya noon. ------- Kasalukuyan nyang kasama sina Loraine at Zac, nasa malaking hardin sila ng Villa Del Fuengo na katapat lamang sa malaking swimming pool ng Villa. “Napagpasyahan namin pareho ni Zac na dito sa Villa ang reception ng kasal namin. “ ani sa kanya ni Loraine, kahawak- kamay nito ang bestfriend nito na ngayon fiancée na nito. “Oo. Masyado kasing maraming alaala sa amin itong Villa namin. Halos dito kami sabay na lumaki.” Ani naman ni Zac na buong pagmamahal na tumingin sa fiancee. Hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na maging sobrang close sa dalawa noon, pero alam nyang namulatan na ni Loraine bilang bestfriend si Zac, at sinong mag-aakala na ngayon, ikakasal na ang dalawa. Tadhana nga naman, parang itinadhana na talaga ang mga ito na hindi mapaghiwalay mula pa noon. Palakad- lakad sila sa paligid. Habang ipinaliwanag nina Loraine at Zac, ang plano nila sa kung ano ang gusto nila motif ng kasal nila. Mataman naman syang nakikinig habang nakasunod sa kanila ang kanyang assistant while nagtake- note sa mga sinasabi ng dalawa. Pagkatapos ng ginawa nilang palakad- lakad sa halos buong paligid ng garden at swimming pool, napagpasyahan nilang na umupo muna sa garden set na naroon sa gilid ng pool. Malaparaiso talaga ang ganda ng Villa Del Fuengo, ngayon lang sya nakapasok dito, perfect talaga ito para maging wedding reception ng dalawa. Not only the memories but because of the beautiful ang relaxing ambiance of the place. Mala nasa fairy-tale ang lugar. Magaganda ang mga bulaklak sa hardin, magagandang tignan ang berdeng- berde Bermuda grass na napapalibot sa napakalaking bahay. “Alissa---“ maya’t- maya sabi sa kanya ni Loraine. Tila may pagkaalala ba ang titig na iniukol nito sa kanya? Mukhang meron itong sasabihin pero hindi alam kung paano simulan. Napatingin ito kay Zac na tila humihingi ng tulong. Napabugtong- hininga muna si Zac. “Alissa—don’t ever think na pinapalayas ka namin ngayon, kaya lang baka gusto mong umalis muna-----“ “Pupunta kasi ngayon dito si Kyle.” Putol ni Loraine sa ibang sasabihin ni Zac. Sandali syang bahagyang napatulala ng narinig ang pangalan ng lalaki pero kinalma nya ang sarili. “Baka lang naman ayaw mo syang makita. Nag-offer na kasi ngayon ng wedding catering service ang restaurant nya. At ito ang napili namin para mag-cater sa kasal namin.” Ani ni Loraine na tila may pagkaalala ang boses. “We’re sorry—kung ngayon lang namin nasabi sayo. Nakalimutan kasi namin pareho dahil sa sobrang excitement na nadarama pareho namin ni Loraine. “ bumugtong hininga na naman si Zac. “Hands-on parin naman kami sa preparation ng kasal namin, hindi namin hahayaan na makik--------“ “It’s okay!” nakangiting putol nya sa ibang sasabihin ni Zac. Anim na ang taon ang nakakalipas, kailangan na nyang harapin si Kyle. Anyway kung ang Deliciously ang napili ng mga ito ang magcater sa kasal ng mga ito, wala na syang magagawa dun. As a wedding planner, trabaho nya ang makipag-cooperate sa Deliciously, she have to face Kyle in a civil manner. “Are you sure?” tila hindi makapaniwalang sambit ni Loraine Nakangiti syang tumango. “It’s part of my job, Loraine—“ nakangiting sabi nya. “At mula ng tinanggap ko ang trabahong ito, alam na alam ko na ang pwedeng mangyari. Kyle is a Del Fuengo at inaasahan ko na magkikita kami muli.” Mahabang paliwanag nya sa mga ito. Napangiti naman ang mga ito. Maya’t- maya lang--- “Hello kuya and-------“ ani ng isang napakaganda at matangkad na babaeng, kalalabas lang sa bungad ng malaking bahay at natigil ito sa pagsasalita, at mariin itong nakatitig sa kanya. Nakipagtitigan sya dito. Gusto na yatang maglaglagan ng kanyang mga luha. “Alissa?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Clouie?” ------- “I lost contact of you for too long. What happen to you?” tanong sa kanya ni Clouie ng nakapagsarinlan silang dalawa. Si Clouie ay ang high school bestfriend nya. Malaki ang naitulong nito sa kanya noon, nung kailangan nyang lumayo sa San Bartolome. Kahit ayaw nya, kailangan din nyang putulin ang communication nilang dalawa. She is lost and heart-broken at that time, at ayaw nyang magkaroon ng kahit ano man contact mula sa kahit sino na bahagi ng Del Fuengo. Hindi lang naman sinasadya ang pagkikita nila ni Loraine sa kasal ng pareho nilang kaibigan na si Lizette. Pero, baka kailangan narin nyang harapin ang lahat ngayon. “Sa tulong ng naiwan na pera sa akin ng mga magulang ko, nakapag-aral parin ako doon sa Cebu, nagtapos ako ng BS of Entrepreneurship sa isang university doon. Pagkagradwet ko, nagtrabaho ako sa isang malaking kompanya, while suma-sideline din paminsan- minsan as event planner, yon mga malilit lang na event, nakapag-ipon, saka ako pumunta sa Manila at nagtayo ng sarili kong negosyo, tinupad ang pangarap kong maging Wedding Planner, at ngayon, halos isang taon na akong wedding planner.” Mahabang kwento nya sa matalik na kaibigan. “I’m happy that you are fine, Alissa. Alam mo ba na nung pinutol mo ang communication natin, sobrang nag-alala ako sayo. Hinanap ka nga namin ni Aldrine sa kahit sinong nakakilala sayo. Wala din alam sina Kuya at Loraine kung saan ka nagpunta. Pagdating daw nila ng apartment, wala kana at nakita nalang nila na may iniwan kang sulat para sa kanila at sa akin. Hanggang sa sumuko na ako. ” malungkot na sambit nito. “I’m sorry Clouie—please, don’t ever think na dinamay kita sa mga nangyayari noon, I just want to move on.” Hinawakan nito ang isang kamay nya saka ngumiti sa kanya. “I understand.” Natural na napakabait ni Clouie, kaya nga naging matalik nya itong kaibigan dahil hindi ito tumitingin sa status ng isang tao. Well, kahit naman buong angkan ng mga Del Fuengo. Natigil sila sa pagku- kwentuhan pa sana ni Clouie nang napalingon sila pareho ng may humintong kotse sa parking area ng Villa na medyo malapit sa kinauupuan nila sa ilalim ng malaking puno ng narra. Tila may pagkabahala ang mga titig na iniukol ni Clouie sa kanya nang tuluyang ng nakalabas mula sa kotse ang dumarating. Hindi sya nakakilos, basta lang sya nakatingin sa lalaking dumating. For the years passed, mas lalo yata ito naging gwapo at tumangkad, ang lapad narin ng katawan nito. Napatingin ito sa bungad nila ni Clouie. “Hello Clo-----“ natigil ito sa akmang pagbati ni Clouie nang napako ang paningin nito sa kanya. Nagkatinginan sila nito at nafreeze yata sandali ang oras habang nagsingabot ang kanilang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD