Nakaupo sya sa likuran bahagi ng kotse ni Kyle. Ang akala nyang dinner lang nila ni Kyle ay hindi pala, dahil kasama pala nila si Savanah.
“Kyle baby— why are we going to celebrate now? Ano bang ganap?" tanong ni Savanah kay Kyle.
“Honey—alam mo bang nanalo ako sa cooking contest ng school namin kanina.” Masayang kwento ni Kyle dito. “Sabi ng mga judges, na natural ang talent ko sa-----“
“Well—good for you!” walang gana na sambit ni Savanah dito. Kung sya ay todo makasuporta kay Kyle, si Savanah naman ay talagang kontra sa kursong kinuha ni Kyle. Madalas ito ang laging pinag- aawayan ng dalawa.
“Aren’t you happy for me, honey?”
Napatingin si Savanah kay Kyle. “Kyle—talaga bang pagiging kusinero lang ang pangarap mo?Wala kabang balak na pamahalaan kahit isa sa mga family businesses nyo?”
“Babe—ang pangarap ko ay maging chef, hindi kusinero.” Kontra ni Kyle sa sinabi ni Savanah. “Balang araw, balak kong magtayo ng isang restaurant na label ko.”
“Whatever!” tila nairita pa si Savanah.
“Okay kalang ba dyan?” puna sa kanya ni Kyle.
Tumango lang sya.
“Bakit ba natin isinama si Alissa?” naiinis na tanong ni Savanah.
“Because of her advices Honey—kaya ako nanalo.” Mula sa rear mirror, nginitian pa sya ni Kyle. Pilit din syang ngumiti, itinago ang selos na nadarama.
“Duh!—“ si Savanah. “Alam nyo bagay kayong dalawa—parehong baduy ang mga pangarap ninyo.”
“Honey—ano ba nyang mga pinagsasabi mo?” tila pinilit lang ni Kyle na hindi mainis sa girlfriend.
“I don’t know about you Kyle—bakit ba ang simple ng pangarap mo when you can be someone better than just a cook.” Talagang hindi pa ito tapos sa pag-aaway nito kay Kyle. “Why can’ t you be just like your cousins?
Ganito talaga si Savanah, mahilig nitong ikumpara si Kyle sa mga pinsan nito.
“Honey—magkakaiba kami magpipinsan.” nabanaag na nya ang inis sa boses ni Kyle.
Nagpabugtong- hininga lang sya. Mukhang mag-aaway na naman ang mga ito.
“So, galit kana naman? Pinagsasabihan lang naman kita, para magising ka sa katotohanan na napakabaduy talaga ng pangarap mo.”
Mukhang nagalit yata ng sobra si Kyle, kaya pabigla nitong nakabig ang manibela ng kotse.
“Are you trying to kill me?” galit na tanong ni Savanah dito. Muntik na kasing tumama sa dashboard ang magandang mukha nito.
Buti nalang nakahawak sya at hindi tuluyan tumama ang mukha nya sa likuran bahagi ng backrest ng inuupuan ni Savanah.
“I’m sorry.” hinging paumanhin ni Kyle. “Are you okay?” pag- alalang tanong nito sa girlfriend. Hindi man lamang sya napansin nito.
“Do you think I’m okay?” galit na bulyaw ni Savanah dito.
“I’m sorry baby!” hinging paumanhin nito kay Savanah.
Wala nga syang halaga dito, dahil hindi man lamang ito nag-abala na lingunin sya. Ano pa nga ba ang aasahan nya? Talagang mas priority nito si Savanah kaysa sa kanya.
“Ewan ko sayo—“ saka padabog na akmang bubuksan ni Savanah ang pinto ng kotse pero napigilan ito ni Kyle.
“Honey--- I’m sorry.”
“Can you just take me home?” galit na sabi ni Savanah. “I don’t want to go on a dinner with you and Alissa anymore.” Galit na galit na talaga ito.
“Oo pala.” Saka lang sya naalala ni Kyle. “Are you okay?” tanong nito sa kanya.
I’m not—ang sakit na ng puso ko.
Pinilit nyang ngumiti habang napatango. Bumaling na naman ito kay Savanah.
“Baby—please don’t be m---“
“Just take me home now!” bulyaw ni Savanah. Iba ito kung magalit. Sadyang spoil- brat pa naman ito at immature.
“Honey!—“
“Just take me home—“
Bumugtong hininga muna si Kyle bago sinunod ang gusto ng kasintahan.
Lihim syang nainis, gutom na gutom pa naman sya. Bakit ba naman kasi napaka- immature ng pinsan nya? Maganda naman ang pangarap ni Kyle. Hindi naman madali ang pagiging chef. Si Savanah nga walang pangarap sa buhay. Gusto lang nito ang makapangasawa ng mayaman, para hindi na nito kailangan magtrabaho.
-------
Pagkatapos ihatid ni Kyle si Savanah pabalik sa bahay nito. Pumunta sila ni Kyle sa dalampasigan na malapit lang sa park ng San Bartolome, bumili nalang sila ng pagkain at dinala nila dito. Kasalukuyan silang nakaupo sa buhangin habang nakatingin pareho sa tubig dagat.
“Bakit ba ganun ang pinsan mo?” tanong nito sa kanya, may hawak itong isang bote ng alak. Sa tuwing mag-aaway ang mga ito, sa kanya ibinuhos ni Kyle lahat ng hinanakit kay Savanah. “Bakit ba napakababa ng tingin nya sa pangarap ko? Sa tingin mo mababa ba talaga ang pangarap ko, Alissa?”
“Kyle, hindi mababa ang pangarap mo. Hindi madali ang pagiging chef, pawis at dugo din ang maging puhunan mo para matupad mo ito.” totoong sabi nya dito. “Sa totoo nga, hangang- hanga ako sa pangarap mo at sa galing mo sa pagluluto.”
Napatingin ito sa kanya sa sinabi nya.
“Talaga?” nakangiting tanong nito.
Nakangiti syang tumango. Totoong hangang- hanga sya kay Kyle sa halos lahat ng bagay. She loved and adored him mula pa noon.
“Mabuti kapa. Lagi kang nandito para sa akin.” Saka ibinalik nito ang paningin sa dagat. “Nung sinabi ko kina mommy at daddy na gusto kong mag-aral sa culinary school, napansin ko ang pagkabigla nila. Inaasahan kasi ni daddy na ako ang magma-manage ng Hidden Pearl someday o maging kapitan sa Love Cruise. Though, they always there to support me sa mga gusto kong gawin, nararamdaman ko parin paminsan- minsan ang frustration nila.” tila may pagdaramdam ang boses nito. Wala kasi ni isa sa pamilya nito ang pumasok sa food businesses, kahit pa talagang natural ang galing ng halos lahat ng Del Fuengo sa pagluluto. “Sayo ko lang naramdaman ang klasi ng suporta na hinahanap ko. Mula pa noon, alam mo na ito ang pangarap ko.” nakatingin na naman ito sa kanya. “Salamat at lagi kang nandito para sa akin.”
Ngumiti sya dito.
“Wala yon Kyle—malaki kaya ang utang na loob ko sa pamilya mo.” totoong sabi nya dito. At saka, mahal na mahal kaya kita, kaya lagi lang akong nakasuporta sayo sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay.
“Kung nasaan man ngayon si Yaya Selda—sigurado ako proud na proud sya sayo.”
Mapait syang napangiti. Naalala nya kasi ang mahal na ina.
Saka ibinalik nito ang paningin sa dagat.
“You know what, I love Savanah—I love her very much.” Nasaktan sya sa narinig kahit matagal na nyang alam yon. “Kaya lang minsan—nakakapagod din ang mahalin sya. Minsan, tingin ko, hindi nya ako pinahalagahan.”
Parang gusto nya itong yakapin at damhin lahat ng sakit na nadarama nito.
“She cared for you Kyle---“ pagpapalakas ng loob nya dito. “She is just spoil, impulsive and immature—but she loves you.” Parang maiiyak na sya.
“Yah. Maybe, you right.” Bumugtong- hininga ito. “Sana darating ang panahon na mag mature narin sya.” saka tumunga ito sandali ng alak mula sa bote na hawak- hawak nito. “Sana naging katulad nalang sya sayo.”
She will never be me and I will never be her. Kahit napakaganda pa ni Savanah, hindi ko pinangarap na maging katulad nya.
“Maiintindihan karin nya balang araw.” pero alam nyang matagal pa bago mangyari iyon. “Naniniwala naman ako na mahal ka ng pinsan ko. Sigurado ako bukas na bukas din, magkakabati na kayo.”
Dahil gagawa talaga sya ng paraan para magkabati agad ang mga ito. Ayaw nyang makitang malungkot si Kyle. Kitang- kita nya sa mga mata nito ang kakaibang kasiyahan pag kasama nito si Savanah.