“WHAT DID YOU SAY, DAD?”
Iyon ang may kalakasang tanong ni Agatha at napatayo pa siya. Suminghap siya sa narinig na sinabi ng kaniyang daddy.
Nandito sila sa terasa upang mag-usap tulad ng sinabi nito kanina sa hapag. Seryoso talaga ito. Kaya ngayon ay hindi makapaniwala si Agatha sa sinabi nito. Hindi niya na napigilan ang gulat na reaksyon.
Seryoso lamang na bumuntonghininga si Governor Figueroa. Tumingin ito sa malayo at pilit ding pinapatatag ang strictness sa ekspresyon nito.
Yes, her father isn’t the sweetest dad out there. Ilang beses din siya nitong napapagalitan noon. He’s kind of strict, too. Kaya hindi nagkaroon ng mga boyfriend si Agatha kahit noong naging teenager ito.
Kaya ngayon… hindi siya lubos na makapaniwala sa sinambit nito.
“You heard it right, Agatha. Iyon na lamang ang naiisip kong paraan ngayon nang sa gayon ay hindi ka na mapariwara pa sa kagustuhan mong maging isang rebelde. Hindi ko na alam ang gagawin sa iyo,” saad nito na tila lalong ikinasidhi ng sama ng loob ni Agatha.
Her heart is more than broken.
“Ang ipakasal ako sa isang lalaki? Iyon ang solusyon na naiisip mo, Dad? Just… just how insensitive you’ve grown with just those months!” Hindi siya makapaniwal. Sumagitsit ang hapdi sa kaniyang dibdib at nangilid ang mga mata niya sa luha. “I cannot believe you, Dad…”
“This is for your own good, Agatha—”
“N-No! You are getting rid of me… i-iyon ang ibig sabihin ng kagustuhan n’yo na magpakasal na ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala. Just so you can get rid of me…”
Gusto niyang isigaw ang lahat ng iyon pero para siyang nanghihina. Tila hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya na ang dating ama na ingat na ingat sa kaniya at istrikto tungkol sa pagbo-boyfriend, ngayon ay ito na mismo ang nagsabi na magpapakasal siya sa isang lalaki—both influencial in terms of their family name and for her future.
He secured a husband for her.
Ang daming gustong sabihin ni Agatha Ruth, ngunit hindi niya malaman ang uunahin. Kung nandito lamang ang kaniyang mommy… kung sana ay nandito lang si Beatrice, sana ay hindi magkakaganito ang daddy niya… ang kaniyang buhay.
“Really, Dad? You want me to marry someone? Para ano? Para umalis na ako rito sa villa! Is that Rosalina’s wish, huh? Para maging masaya sila ni Jasmine at walang maging hadlang sa pagbibilog nila sa ulo mo at nang sa gayon ay makuha nila ang lahat ng pinaghirapan mo at ni Mommy!”
Hindi niya na napigilan. Tila sumabog ang kaniyang nararamdaman na tinitimpi niya lamang. Oo, naging matigas siya… naging malamig. She loathed Rosalina and Jasmine so much… but that wasn’t enough para paalisin siya rito sa pamamahay na ito… at ipakasal nang gano’n gano’n lang. She really couldn’t believe it.
“Tama na ang pagiging malupit mo sa kanila, Agatha! Rosalina is trying her best to be a good mother, but you always let your anger get in between!” puno ng pagkaistriktong saad nito.
Agatha’s lips parted. Hindi siya makapaniwala sa sariling ama.
“Para ito sa ikabubuti mo, Agatha Ruth. I don’t want you to destroy yourself even more—”
“I am not destroying myself, Dad! I am still your daughter… pero parang nakakalimutan mo na ‘yon dahil masiyado ka nang nilalamon ng mga sampid na iyon—”
“Enough, Agatha!”
Napailing na lamang siya. There is no point in convincing her dad. Ni hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa daddy niya sa desisyon na iyon. Kung si Rosalina man, hinding-hindi na siya magugulat pa.
“I can’t believe you, Dad… l-lahat ng pagkakamali ko ay nakikita mo… ‘yong pagiging matigas ko, pagiging masuwayin ko, ang pagrerebelde ko… p-pero hindi mo makita kung gaano kasakit sa ‘kin ito?”
Hindi niya na mapigilan pa ang pagsabog ng emosyon. She held them back because there’s still hope left within her, na baka sakali… baka sakali ay magigising din ang daddy niya at mauunawaan nito nandito siya bilang kakampi pa rin nito, at hindi kalaban katulad ng ipinipinta ng mga taong iyon.
“T-Tinanong mo man lang ba kung okay ako? K-Kung kumusta na ako? Kung anong nararamdaman ko?” Tuluyang pumatak ang kaniyang luha. Tumiim ang ekspresyon ng kaniyang ama at iniwas ang tingin nito.
Agatha felt alone… it’s true. She’s been alone since her mother’s death. Nandiyan ang kaniyang mga kaibigan ngunit hindi ‘yon sapat para punan ang pagluluksa, ang lungkot, ang pag-iisa… iyong pakiramdam na wala na siyang kakampi dahil pati sa paningin ng sariling ama ay masama na rin siya.
“Tinanong mo man lang ba kung… k-kung anong mararamdaman ko sa pagkamatay ni Mommy? Na ipinagpalit mo siya sa isang babaeng katulad ni Rosalina? In just two months?! Tinanong mo man lang ba… kung kaya ko pa ang lungkot na ‘to? If I’m doing okay?”
No…
Agatha wanted to scream that. She had to grieve for her mom alone. She died alone. Habang ang daddy niya ay naging masaya agad sa piling nina Rosalina, at ngayon ay bubuo ng isang masayang pamilya, na para bang isa na lamang siyang lumang bagay na kailangan nang itapon dahil hindi nababagay sa bago nitong pamamahay.
“You never asked, Dad… you never dared to know! All you did was believe their lies!” naiiyak niyang sinabi. Hindi niya na napigilan pa ang agos ng kaniyang luha. “But I guess you’re right, Dad… baka nga rebelde na ako… baka masiyado na akong malamig… masiyado na akong pusong-bato.”
It’s funny how a short period of time can ruin someone. Because now, Agatha knows she’s beyond just hurt… she feels betrayed by her own dad.
She’s alone. That’s the truth. No one even wants to be with her… masiyado nga naman siyang malamig, masungit, maldita, mataray… walang makakatagal sa kaniyang ugali. Walang magtitiis doon at aalamin kung ano ba ang nasa likod ng kaniyang pagiging matigas.
No one can love a woman who’s like an iceberg.
“Pero nasasaktan din ako, Dad… and I cannot believe what you just said...” Napahikbi siya, ni hindi niya na nga mapagtuunan ng pansin ang pagdiriwang na mararamdaman nina Rosalina at Jasmine dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.
“I chose a good man for you—”
“That’s not the point, Dad…” mahina at mapait niyang sambit.
It’s the fact that he wants her now to get married, ibig sabihin ay nais na nitong ipasa ang responsibilidad bilang ama. That she has no place in his home anymore…
She has no place in his new family.
“Huwag kang mag-alala, Dad… kusa na lamang akong aalis. Nang hindi ka na mamroblema pa at mahirapan, right after graduation, I will move out of this house… you’ll never have to see me again. Baka masira ko pa ang perpekto ninyong pamilya.”
Hindi na sumagot pa ang kaniyang daddy. She quietly wiped her tears away, bago tuluyan nang umalis sa terrace at hindi alam kung paano nga ba kakayanin ang sakit na kaniyang nararamdaman…
“WHAT?!” gulat ding tanong ni Shane nang malaman ang tungkol doon.
Halos isang linggo rin ang kinailangan ni Agatha Ruth para lang magawang sabihin iyon kina Shane at Kattie. Baka mabaliw pa siya kung hindi niya iyon sasabihin at ilalabas.
“Sinabi talaga ‘yon ni Tito Fred? Gosh, I can’t believe him!” saad naman ni Kattie. “He wants you to marry someone? Let me guess, it’s gonna be his business partner’s son! O kaya naman kasamahan niya sa politiko! Ugh, kung nandito lang si Tita Beatrice, I’m sure—”
Marahang siniko ni Shane si Kattie kaya naman napatigil ito sa pagsasalita. Napatikhim na lang ito kalaunan.
Huminga lang nang malalim si Agatha. She has to face the truth, anyway… her mother is gone. Wala na ito. Wala na siyang kakampi.
“If you want to move out… you can go to my house, Agatha. You know naman, papayag si Mommy,” sabi ni Shane na concerned na agad.
Hindi sanay si Agatha sa pagak na pamumuhay. She was raised in a rich family. Frederick Figueroa is a governor, at pinalaki man siyang hindi exposed sa mundo na iyon, alam niyang malaki ang impluwensya ng kaniyang daddy.
Naalala niya nang minsang pinag-usapan ng mga kaklase niya noong elementary ang daddy niya… they called him a ‘bad politician.’ At siguro ay bata pa siya noon upang maintindihan, umiyak na lang siya at pinagtanggol ang daddy niya.
And it hurts because now, their relationship is fading…
“Ayaw ko rin namang makaabala, Shane… maybe I’ll find a job… and then… I don’t know, live alone,” may pait na sabi ni Agatha.
Hindi niya sigurado kung ano ba dapat ang kaniyang gawin. Ang natitiyak niya lamang ay ayaw niya na ring umasa sa yaman ng daddy niya…
“What? But how will you survive? How will you cook your food?” medyo nagpa-panic na tanong ni Kattie.
Hindi rin alam ni Agatha. She’ll learn how to do it.
“My problem is that… I can’t let the house go. Puro memories ni Mommy ang nandoon,” may lungkot at kirot sa puso niyang saad habang hinalo na lamang ang milkshake.
Nandito sila sa isang ice cream shop malapit lamang din sa university. Marami-rami rin ang mga estudyante roon dahil masarap talaga ang mga tinitinda rito dahil may mga dessert din.
“Maybe in time you’ll learn how to let it go, Agatha,” seryosong sabi ni Shane.
Hindi makasagot si Agatha. She doesn’t know if she can really do that. Huminga siya nang malalim.
Nakatalikod siya sa gawi ng glass door ng ice cream shop, kaya naman noong napatingin sina Shane at Kattie roon ay hindi niya alam kung anong tinitingan ng dalawa, hanggang sa nagsalita ang mga ito at nagsikuhan.
“Oh, my gosh, look at that handsome guy… he looks so cool!” sabi ni Kattie at uminom sa milkshake nito habang napapakurap.
Agatha was unfazed. Normal na tagpo na lang din naman iyon kapag may nakikita ang mga ito na gwapo at hot.
“Agatha, you gotta look at him. He’s so handsome! Ang tangkad at hot! Dali…” untag nina Kattie at Shane. “Huwag mong ipahalata.”
Hindi niya rin naman alam kung bakit niya ito nilingon. Mahina pang napatili nang pareklamo ang dalawa dahil sa kapansin-pansing paglingon ni Agatha. Kaya nang lumingon iyong lalaki sinasabing ng mga kaibigan na ngayon ay nasa tapat ng counter, agad na nag-iwas ng tingin sina Shane at Kattie, at kunwari ay abala sa pag-uusap.
Naiwang nakatingin si Agatha, and normally she would just take her eyes again. Kaso sa pagkakataong iyon ay hindi. Dahil unti-unti napaawang ang kaniyang mga labi at nangunot ang noo niya.
What the hell?!
Napatingin din ito sa kaniya at natigilan. Pareho sila. Kaya hindi na napigilan ni Agatha na magsalita na tiyak maririnig nito dahil malapit lang sila sa counter.
“You?!” she asked with a hint of surprise and slight annoyance.
“Miss Greenminded?” Nagsalubong din ang mga kilay nito at may amusement sa mga mata. He even turned his body to face her direction. “What a small world,” saad nito habang tila namamangha rin nang magkatagpo ang kanilang mga mata.
Seryoso ba ito? Nagkrus na naman ang landas nila sa isang ice cream shop!
Hindi na naiwasan ni Agatha Ruth. “Sinusundan mo ba ako?!”
Nakilala niya agad ang lalaki dahil ganoon pa rin naman ang ayos nito. Maybe that’s his signature look, iyong cool look na talagang mapapatingin ang mga babae! Alam niya rin naman na physically, type talaga nina Shane at Kattie ang katulad ni Mr. Scammer—Trenton, but if they found out he’s poor, for sure ay matu-turn off din ang dalawa. It’s just not their type. But who knows.
“Agatha,” mahinang suway ni Shane ngunit ayaw niya pa sanang magpapigil. Halos tumalim pa ang kaniyang tingin.
“Hi! Aren’t you Dominic’s uncle?” biglang sabi ni Kattie at ngumiti bago pa muling makapagsalita si Agatha dahilan para natigilan siya at napaangat ang kilay.
Napatingin si Mr. Scammer—Trenton kay Kattie at tumango naman ito. Ngumiti ulit si Kattie at nasa mga mata na tila nahahalina rin sa kagwapuhan nito.
“Agatha naman! That’s Dominic’s uncle…” saad ni Shane dahil sa sinabi niya kanina na sinusundan siya nito.
Who the hell is Dominic again?!
“Right… that’s his uncle! Ang schoolmate natin na si Dominic. That explains why he’s here,” sabi rin ni Kattie.
Nagbulungan ang mga ito na tila ba wala ito sa harapan nila. Ngumisi lamang si Trenton at kinuha ang order nitong mukhang ice cream sandwich. Lumapit ito sa kanilang gawi ngunit bago pa tuluyang makapagsalita ay siya namang pagpasok ng isang grupo ng mga lalaki sa ice cream shop kaya muling umingay ang door chime.
Napatingin na lang si Agatha Ruth sa nauunang lalaki. He wasn’t so familiar, pero dahil sa bulungan nina Shane at Kattie ay mukhang iyon na nga si Dominic. He surely is a college student.
Gwapo nga ito, pero hindi ganoon ka-mature ang datingan. There is also a difference between him at ang antipatikong lalaki na ‘uncle’ daw ni Dominic. But really, they don’t look like that… mukhang papasang magkasing-edad ang dalawa!
“Tito Trent,” may ngiting bati pa ni Dominic.