“Nakita mo si Aiva?” tanong ni Aiden nang makasalubong ko siya sa kitchen nila. Walang masyadong tao rito. Tumango ako. “Nasa garden siya kasama si T-Tristan, mukhang may importante silang pinag-uusapan.” Nang makita ko kung paano hinalikan ni Aiva si Tristan ay umalis na ako. I couldn’t take it so I turned around and left them. Hindi ko matagalan kahit isang segundo na makita sila. “Are you okay? Namumula ang mata mo.” Napayuko dahil doon. Unti-unting gumalaw ang balikat ko dahil sa pag-iyak. Wala akong balak na umiyak sa harapan niya pero hindi ko na kaya. It hurt me so much. “Hey, hey, bakit ka umiiyak?” natataranta niyang tanong. I stifle my cry. Pinunasan ko ang mata ko na may luha. Nag-aalala ang tingin niya at hindi alam kung paano ako patatahanin. “Sorry, may naalala

