Habang naglalakad si Isabel papuntang tindahan ay saktong nakita niya ang chapel na malapit sa kanila.
'Oo nga pala linggo pala ngayon' Sa isip ni Isabel. Hindi man halata pero nakakaalala parin naman siya sa Panginoon.
Lumapit siya sa simbahan hindi na rin siya pumasok sa loob dahil sa kasuotan niyang naka pambahay lamang. Humiling lamang siya sa Panginoon at nag pasalamat.
'Lord, Alam ko pong buhay ka at pinakikinggan mo ako ngayon. Alam ko pong mayroong Diyos na nakikinig sa akin ngayon....
Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ng pamilya ko. Masyado silang na bubulag sa maling gawain kaya sana po ay iligtas mo sila sa kasalanan. Iahon mo po kami sa kahirapan nang sa gayon ay hindi na gawin nila mama at papa ang kanilang masamang gawain. Gamitin mo po ako upang mabago ang kapalaran namin. Handa po akong mag pagamit para sa ikabubuti ng pamilyang ito, Panginoon. Mahal na mahal po kita... In Jesus name, Amen.'
Umalis rin agad ito upang tumungo sa tindahan. Habang nag lalakad sa kalsada upang tumawid ay may biglang bumusina ng malakas sa kanya.
Dumagundong ang puso nito sa kaba at halos ang mga tao sa paligid ay na patingin sa gawi niya.
Tumingin siya sa magarang kotse. Bumaba ang driver nito. Maganda at parang artista ang postura halatang yayamanin.
"OMG! Oh my gosh, Are you alright?" pina ikot pa nito si Isabel upang tingnan kung may galos bang natamo.
Umiling si Isabel sa babae at mukhang naka hinga naman ito ng maluwag sa nalaman.
"Oh Gosh, Buti naman at walang nangyari sayo. Here's my calling card, call me when you need my help." Inilahad nito ang calling card kay Isabel.
Tinanggihan itong kunin ni Isabel.
"Nako.. pasensya na pero nakakahiya naman kung dahil lang sa nangayari ngayon ay bibigyan mo pa ako ng calling card mo tas aalukin mo pa ako ng tulong." Bakas ang sensiridad sa boses ni Isabel.
Dahil sa narinig ng babae ay na tuwa siya sa sinabi ni Isabel. Pakiramdam niya ay mabuting tao si Isabel.
Paano ba naman ay sa suotan niya ay mahahalata monv mayaman ito at kapag mayaman ang bumungad sa'yo ay huhuthutan mo ito. Kaya ganon na lamang ang pagka mangha nito kay Isabel.
Gumilid sila ng pwesto para hindi maka abala sa mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Pero inaya naman nito si Isabel na makipag usap sa kanya sa loob ng kanyang kotse.
"Pasok ka muna, mas maganda kung dito tayo sa loob ng kotse ko mag usap dahil masyado na tayong pinag titinginan ng mga taga rito." sabi nito.
Sa una'y nag dalawang isip pa ito at napa kamot ng ulo pero wala ring na gawa at na kumbinsi ang sariling pumasok sa loob ng sasakyan ng babaeng hindi pa nag bibigay ng panagalan.
Pagka pasok sa likod ng kotse ay ngumiti ang babaeng maganda at hinawakan ang kamay nito. "Kunin mo na to."
"Hays, sige na nga."
"You know what.. kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko parin alam ang pangalan mo. By the way i am Aira Fuentes, and you are?" sabay lahad ng kamay nito. Inabot ko ang kamay niya dahil na gagalak akong makilala siya.
"I'm Isabel, Isabel Labrador."
"Wow ang ganda ng name mo, bagay sayo." tuwang ani nito.
Napatawa naman ako sa sinabi nito. "Thank you. Ano ba yan napapa english ako dahil sa'yo." at tumawa rin si Aira.
Nakipag kwentuhan ito sa akin ng mahigit 20 minutes. Kahit saglit pa lamang kaming nakakapag usap ay magaan agad ang loob ko sa kanya at ganon rin daw siya. Na hinto ang aming pag uusap ng may tumawag sa kanya.
"Hello kuya?"
Tahimik lamang si Isabel sa gilid. Hindi naman niya maiwasang wag makinig sa sinasabi ni Aira dahil mag kalapit lang sila at nasa iisang kotse sila.
"Ow geez i forgot kuya. Is it ok na magsama ako ng friend ko?"
"Really kuya?... Ow thank you so much! you're the best brother in the world. Wish ko sana... mahanap mo na ang the one mo hahaha."
"Yeah ok, Bye."
Na tapos ang tawagan nila at bumaling ito kay Isabel na tahimik na naka dungaw sa bintana.
Sa isip isip ni Aira ay mabuting tao talaga si Isabel at paniguradong pwede niya itong ma-recruit.
"Isabel,"
Tawag nito at lumingon si Isabel kay Aira.
"Hmm?"
"Aalis na ko. Thank you sa time ha. Nice meeting you Isabel." sabay yakap nito.
"Thank you rin."
Kumawala sa yakap si Aira at humarap kay Isabel.
"Isabel babalik ako rito bukas ok lang ba?"
"Oo naman. Kaso mag ingat ka lang rito kasi madaming loko loko rito sa lugar namin. Tsaka mayaman ka pa naman at maganda. Ito ha.. payong kaibigan lang, sa susunod na pupumunta ka rito ay mag sama ka ng bodyguard mo--"
Pisadahan ito ng tingin si Isabel.
"Mukha namang afford ninyo ang bodyguard."
"Ok, noted bestie!"
Matapos ng pagpapaalam ni Isabel ay pumunta ito sa tinadahan na pinag kakautangan nila. Na wala sa isip niya ang dapat niyang gawin dahil sa bagong na kilala nito.
***
It's been a year.... Ang tagal kong hindi naka uwi sa pilipinas and i think its about time to go there.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang kapatid.
"Hello kuya?" bungad ng kanyang kapatid sa kabilang linya.
"Hello, Gusto ko lang ipaalala sa'yo na bukas na bukas ay nasa bahay na ako and also mayroon tayong family dinner with my friends."
"Ow geez i forgot kuya. Is it ok na magsama ako ng friend ko?"
Napa isip muna pero agad din pumayag dahil ngayon lang naman ito.
"Really kuya?... Ow thank you so much! you're the best brother in the world. Wish ko sana... mahanap mo na ang the one mo hahaha."
He rolled his eyes. Isipin na nating very workaholic siyang tao sa mga naka lipas na taon at muntik pa niyang mapabayaan ang sarili niya at ang importanteng tao sa kanya. Buti na lamang ay nandiyan ang pamilya niya para gisingin siya sa kahibangan niya.
"Sige na, mag ingat ka diyan bye."
"Yeah ok, Bye."
Matapos ibaba ang tawag ay lumabas siya ng kanyang kwarto at pinuntahan ang kwarto ng kanyang anak.
Mahimbing itong natutulog. May kalungkutan palagi sa puso niya kapag na kikita niyang mag isa lang anak niya habang lumalaki. Nilapitan niya ang kanyang anak at niyakap.
"I love you son.."
___
Kalalabas lamang niya ng Airport at sunundo rin siya ng kanilang driver.
Medyo matinding traffic ang sumalubong sa kanila bago pa ito maka usad.
Nang makarating sa tapat ng puntuan ng kanilang malaking bahay ay bumungad sa kanila ang mga magulang at kaibigan nito na inaabangan talaga ang kanyang pag uwi sa pilipinas.
Yakap agad ang ginawa ng mga ito sa kanya dahil sa sobrang pagka-miss. Matagal na panahon ang ginugol niya sa ibang bansa kaya naman ganito na lamang ang pagkamiss ng kanyang pamilya at kaibigan na naiwan rito.
"My son... My baby..." tawag ng mother niya sa kanila ng anak niya.
"Welcome back bro!" ani ng kanyang mga kaibigan.
Nilibot nito ang kanyang mata dahil sa pagtataka. Lahat ng kaibigan at family niya ay sinalubong siya pero ang kaisa-sang kapatid niyang babae ay hindi niya na kita.
"Where is Aira?" takang tanong nito sa pamilya niya.
"She's not here. Sabi niya ay susunduin niya pa ang bagong kaibigan niya." sagot ng kanyang ina. "Don't worry about your sister, son. She's old enough."
Knowing his mom is very understanding in every situation.
___
Matagal tagal ring late ang kanyang kapatid bago dumating sa bahay nila.
Nag tama ang mga mata nila kaya nginitian niya ang kanyang kapatid, pero hindi ito gumanti ng ngiti at naka sad face.
"What happen?" alalang tanong nito sa kapatid niya.
Nag martsa ito pa punta sa gawi nila at maingay na umupo sa tabi.
"Yung friend ko kasi ayaw sumama sa akin." malungkot na sagot nito.
"Pangit ka raw kasi.." biglang singit ng kanilang pinsang lalaki.
"Hoy! Excuse me, Ikaw kaya ang PANGET. Isipin mo ang tangkad tangkad mo nga kaya lang ang problema sa inyong MATATANGKAD NA PANGET ay madaling na kikita ang panget mong mukha,
Palibhasa ay unang gawa ka nila tita, Kaso palpak.
Pero ok lang ganon naman daw talaga minsan pag panganay, practice lang daw muna. Kaya tignan mo yung sumunod mong kapatid na si Archie ang gwapo."
Nagsi hagalpakan ng tao ang mga tao dahil sa bangayan nila. Pero ganito naman talaga sa pamilyang ito. Normal na sa kanila ang ganito.
Tapos nang mag salo salo sa hapag kainan at tumambay sila ng mga kaibigan niya sa swimming pool area.
"So ano naka moved on kana talaga?" tanong ng kaibigan niyang ai Hajime.
"Yeah," maigsing sagot nito at tumungga ng kanilang iniinom.
"Akala namin hindi kana uuwi pa rito sa pilipinas, but we're happy na... ok kana ngayon." Ani ni Roy.
"Wala namang rason para hindi makalimot." confident na sagot nito.
"Dapat ganyan! Iyan ang tamang sagot ng isang Aikie Fuentes."