"Oy, Steph! Tutal may sahod ka na, baka naman gusto mo ring mag-ambag dito sa bahay?" mataray na sabi ni tita Ningning nang maabutan ako sa kusina na mag-aalmusal sana.
Nagkatinginan kami ni Kylie. Her eyes rolled immediately as she shook her head. "Iniipon ho ni Steph ang sahod niya para hindi na sagutin ni tita Lorena ang tuition niya."
"Kylie..." suway ko.
Bumaling sa akin si tita Ningning. "Ito? Mag-aaral?" Umismid siya habang mataray akong pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Naku, maniwala ako! Umpisa lang na naman 'yan. Kalaunan, sa Nanay na naman niya ang takbo."
"May masama ho ba ro'n? Anak naman siya--"
"Kylie." I shook my head. Umirap naman siya na tila hindi sang-ayon sa pagpapatahimik ko sa bibig niya.
Padabog na binuksan ni tita Ningning ang kaldero. "Sayang lang ang pampaaral. Kung sana sa unang subok pa lang nagtino na, hindi sana nasayang ang higit kwarenta mil sa isang sem! Buti ka pa nga nakatapos ka kahit mahina rin naman 'yang tuktok mo. Oh, eh 'di may napuntahan ang hirap ni ate Menggay sa abroad? Eh, ito?" Idinuro niya ako. "'Yang sinasabi mong iipunin mo, Steph, itulong mo na lang dito sa bahay nang may silbi ka."
Bwisit na bwisit na sinundan ni Kylie ng tingin si tita Ningning noong nakaalis. "Nakakawalang-gana talaga. Kapag nakaipon ako at na-regular sa trabaho, mag-upa na lang tayo, Steph. Bwisit talaga 'yan akala mo naman sila ni tito Roger may ambag dito sa bahay eh sila nga ang malakas gumamit ng kuryente at lumamon pero puro asa kay Mama at tita Lorena naman."
I put my utensils down. Tama si Kylie. Nakakawala nga talaga ng gana, kaya imbes na magsasandok ako ng pagkain, hindi ko na lang itinuloy.
"Oh, hindi ka kakain?" tanong ni Kylie.
I shook my head as I put the plate and utensils back. "Hindi na. Nabusog na ko sa bunganga ni tita Ningning."
Kylie sighed. "Sa susunod nga Steph, lumaban ka."
I flashed a broken smile. "Paano naman ako lalaban kung tiyahin natin 'yon, Kylie? Ano na lang ang sasabihin kina Mama at Papa? Na may anak silang bastos? Walang modo at walang utang na loob?"
"Bakit, Steph? Mas matimbang ba talaga ang utang na loob kaysa sa emotional distress na nabibigay nila?"
Hindi ako nakakibo. No. But if I will stand up for myself, people might think I'm the wrong one. Isisisi lang sa pagpapalaki ng mga magulang ko ang magiging pagsagot ko kahit na ako ang nasa katwiran, dahil sa kulturang mayroon kami, wala kang karapatang magsalita at tumindig kung higit na nakatatanda ang kausap mo.
Pilit na lang akong ngumiti. "Sabay na tayong umalis. Maliligo lang ako. Alas nuebe ako ngayon."
Kylie nodded after she understood that I didn't want to continue our conversation. Nang hawiin ko ang kurtina sa pinto ng kusina ay natataranta akong lumapit kay Papa nang makita ko siyang pilit na humahakbang galing ng kwarto.
"Pa! Bakit naman hindi ka nagtatawag? 'Di ba sabi ko patutunugin mo 'yong bell na nilagay ko sa kwarto mo kapag kailangan mong magbanyo?"
Namumula ang mga matang umiwas ng tingin sa akin si Papa. Kung bakit ay hindi ko alam. Hindi ko rin sigurado kung nadinig ba niya ang sinabi ni tita Ningning sa akin kanina. Ayaw ko na rin namang tanungin kaya inakay ko na lang siya patungo ng banyo.
I waited for him to finish before I brought him back inside his room. Nang maiayos ko siya sa kama, napansin kong nakatitig sa akin si Papa.
"May gusto ka ba, Pa?"
Papa inhaled a sharp breath before he looked away. Lumamlam naman ang mga mata ko, at nang hindi ako nakatiis, naupo ako sa gilid ng kama saka ako sumandal sa kanyang dibdib.
"Mag-aaral akong mabuti, Pa. Magiging abogado ako para makausap na kita ulit." I sniffed. "Miss na miss na kita, Papa..."
Bago pa ako mapahikbi ay umalis na ako ng kanyang kwarto. I gave myself some time to cry it all out in my own room before I looked myself in the mirror and reminded myself why I have to work hard.
Muli akong nabuhayan ng loob kahit ang sama ng simula ng araw ko. I went on with my day, but while working as a waitress at the cafe, another scene triggered my wounded inner child.
"Papa, mahal naman yata rito, eh. Saka hindi naman ako nakapasa sa scholarship grant exam," dinig kong sabi ng isang dalaga na tantya ko ay first year college.
Her Dad smiled and tucked her hair behind her ear. "Kaya nga tayo magsi-celebrate, anak kasi alam kong pinaghirapan mong mag-review. Hindi ka man nakapasa sa scholarship program, ang mahalaga, ibinigay mo ang makakaya mo at sinubukan mo. Okay na 'yon, anak. Sige na, sumahod naman si Papa. Orderin natin 'yong pino-post mo sa Facebook."
She sniffed and giggled. "Si Papa talaga. Nag-share lang ako kasi nakakatakam sa picture."
Ngumisi ang kanyang tatay. "Eh, kaya ka nga natatakam kasi gusto mong tikman. Sige na, 'Nak." Tumingin siya sa akin at tinawag ako. "Miss, saan ba rito 'yong parang chocolate cake na may cookies na toppings?"
I sniffed and tried my best not to shed a tear as I pointed the menu. Nang makita ng dalaga ang presyo ay kaagad niyang tinignan ang tatay niya.
"Ang mahal pala, Papa. Maglugaw na lang tayo."
Nahihiyang ngumiti sa akin ang tatay. "Bigyan mo nga kami nito, Miss."
"Pa..."
"Ayos lang, 'Nak. Nagtabi ang Papa ng pera para sa araw na 'to, para ano man ang resulta, malilibre ka ng Papa." Muli siyang bumaling sa akin. "Ito Miss, ha? Isa tapos bigyan mo kami no'ng may yelo na kape."
I scanned the girl's father. May green na vest na nakatiklop sa kanyang tabi at maraming paltos sa kamay na tila sa construction site siya nagtatrabaho. Pero kahit na ganoon, kahit na hindi nakapasa sa scholarship program ang anak niya, bakit parang proud na proud pa rin siya?
Bakit si Papa, kahit na matataas naman ang grades ko noon, bakit ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganito sa kanya? Why can't my father be like this man?
Dinamdam ko nang husto ang mga katanungang iyon hanggang sa nakarating ako sa opisina ni Dean Chen. Pagpasok ko pa lang ng opisina niya, halata nang nabakas niya kaagad ang pananamlay at lungkot ko.
He immediately closed his laptop and went to the other couch to ask me what happened, as if he was really concern about how my day went.
I drew in a sharp breath. "Kasi kanina sa trabaho, may mag-ama na nag-order. Nagsi-celebrate sila kahit na hindi nakapasa 'yong bata sa scholarship program." Namasa ang mga mata ko at ang dibdib ko ay sumikip. "Napaisip lang ako. Akala ko kasi lahat ng tatay gaya ng sa'kin. Na maa-appreciate ka lang kapag may napatunayan ka na sa buhay. Hindi pala? May mga tatay pala na kahit pagbagsak mo ay makakasama mo sila?"
Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Dean Chen. "Not everyone is the same, Steph. Hindi rin natin pwedeng sabihin sa kanila kung pa'no ba dapat nila tayo itrato. We could never dictate them, but we can learn from them."
I sniffed and wiped my tears. "Kapag ako ang nagkaroon ng pamilya? I will make sure that I will celebrate both failures and wins with my kids. Ipaparamdam ko sa kanila na hindi lang nila ako sa tagumpay makakasama kun'di pati sa pagbagsak... kasi sobrang hirap kapag gusto mo silang makapitan kapag nadapa ka, pero hindi sila willing iabot ang kamay nila sayo."
Hindi ko na kinayang kontrolin ang emosyon ko. I cried my heart out, making Dean Chen stand up and occupy the space next to me. Halatang nag-aalangan pa siya noong hapitin ako upang umiyak sa kanyang balikat, at habang hinahagod niya ang aking buhok, pakiramdam ko ay gumaan ang dibdib ko.
He didn't put more fuel to the fire. He didn't tell me that I have a terrible father. Hinayaan lamang niya akong mailabas ang sama ng loob ko habang nakayakap ako sa kanya. He didn't even mind if I wet his shirt with my tears. Tila gusto niya lamang iparamdam na may masasandalan ako tuwing masyado nang mabigat ang pasan-pasan ko.
Suminghot ako at nahihiyang kumalas sa yakap. "Pasensya na, Dean Chen."
He gave me a small smile then offered me his handkerchief. "I don't think you'll learn when your emotions are all over the place. Stressed din ako ngayon sa nanay ng anak ko so how about we get out of here and go someplace where we can both breathe?"
Nagpunas ako ng namamagang mga mata. "Where?"
He pushed some strands of my hair that was sticking on my cheek because of my tears, the stroke of his fingertips on my skin suddenly made my heartbeat double.
"Sa rooftop ng penthouse ko," aniya.
Napakurap ako. "You're... inviting me to your place?"
He nodded. "Only to chill not to... whatever stuff you have in mind."
My cheeks burned. "Can we drink? I miss drinking."
Kumunot ang kanyang noo. "Please don't plan something naughty? I'm only inviting you so we can breathe some air."
Pabiro akong umirap. "Hindi kita gagapangin, Ginoong Henry."
He smirked. "Siguraduhin mo lang, Miss Madrigal. Siguraduhin mo lang..."