Nakatitig pa rin ako sa mga red roses at chocnut na binigay sa akin ni Terrence.
Ang sweet niya! Hehehe!
Hindi ko talaga inaasahan na maaalala niya ako sa Araw ng mga Puso. Siya lang ang tanging lalaki na nagbigay sa akin ng mga iyon.
At, hindi basta-bastang boylet.
Fafa!
Humaygad!
Saan bang planeta nanggaling ang lalaking iyun?
Hindi ko malaman ang lahi niya kahit na siya ay may platinum blonde na buhok at green eyes. Nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Minsan ay iniisip ko na baka isa siyang prinsipe sa nagmula sa malayong
kaharian at nagpapanggap lang na ulila.
Napakagwapo!
Super!
Sobra!
As in!
Noong una pa lang kaming nagkita, kahit na siya ay marungis at mukhang gusgusin ay napakagaan na ng loob ko sa kanya. At, nang ako ay kanyang pansinin mula sa kinauupuan niya upang masdan ako, alam ko na may itsura siyang maipagmamalaki.
Lalung-lalo na nang siya ay aking malinisan.
Minsan ang ginto ay nababalot ng putik.
Sa bawat buhos ng tubig ay tumatambad sa akin ang pinakamagandang lalaki na nakita ko sa balat ng lupa. Wala pa akong nakita na artista, modelo, o likha ng sining na makakapantay sa anyo niya na perpekto ang pagkakahulma mula ulo hanggang paa. Halos hindi ko maidampi ang kamay ko sa "olive" skin niya na "flawless" lalung-lalo na nang tiningnan niya ako ng buong tiwala. Napakaamo ng kanyang mukha at tila ba nangungusap ang mga mata. Nang nginitian niya ako ay nanghina ang aking mga tuhod. Nagniningning ang mga mata niya kapag ngumingiti.
Ang katawan, jusko! Fit na fit! Totoo pa lang firm hawakan ang abs! Kahit mga underwear models, mahihiyang tumabi sa kanya. Inay ko po! Kahit siguro madre matutulala! Pinili ko na hindi siya titigan sa hindi nararapat at baka ako ay magkasala.
Hehehe! Ay! Nakita ko pa rin pala ng hindi sinasadya.
Pero, slight lang!
Hindi ko tuloy mapanindigan ang sinabi ko na walang malisya. Isa kasi siyang malaking tukso!
Joke lang!
Oops, half-meant!
Sorry! Hehehe!
Si Terrence kasi nanggugulat e!
Bigla ba naman niyang tinanggal ang tuwalya mula sa katawan niya! Hindi ako prepared. Mabuti na lang at sanay akong magpaligo ng mga lolo at lola kaya success ako na paliguan siya na hindi masyadong naiilang.
Kahit ang boses niya ay nakaka-in-love. Lalaking-lalaki ang tinig niya ngunit malambing ang punto. Malamang kahit na galit na siya ay hindi pa rin kapani-paniwala.
Pinagtitinginan siya ng mga tao, lalo na ng mga babae sa tuwing kami ay lumalabas ng bahay. Sikat na siya sa barangay namin. May mga ilang teenager na binabati siya ngunit ang tugon lamang niya ay pagtango o kaya ay para bang walang narinig. May pagkamahiyain yata si Terrence o sadyang ayaw niya ang atensyon.
Hindi naman siya suplado.
Mabait naman siya at madaling kausap.
Gentleman nga e!
May pagka-weird nga lang siyang magkumento at natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. Sa tangkad niya na estimate ko ay 6'3" at muscles ay para siyang katorse anyos na batang kalye kung magsalita. May effort naman siya na magsalita ayon sa edad niya na sa pagkahula ko ay early twenties ngunit sumasablay talaga. Nakakaaliw rin siya kapag nanonod kami ng cartoons. Tawang-tawa na siya ngunit pinipigilan niya.
Ang cute!
Kahit halos dibdib niya lang ako at may dating ng isang makisig na sundalo, ay maihahalintulad pa rin siya sa isang pasaway ngunit malambing na lalaking "bunso".
May mga kuya kaya siya?
Ang gaganda rin siguro ng mga itsura!
It's raining men!
Idagdag mo pa si Father Benjie!
Ayahay!
Ang pogi ng paring iyon! Mas gwapo at pangrampa talaga si Terrence pero para kasing mas realistic ang itsura niya at hindi ka maiilang na lapitan siya.
Crush lang naman!
Sino bang hindi makakapansin sa kanya e sobrang puti niya? Mas maputi pa yata siya kay Snow White at parang uminom siya ng sandamakmak na glutathione. Medyo chinito siya ngunit mahaba ang mga pilik. Ang mga mata niya ay kulay tsokolate at parang nagiging pula kapag tinatamaan ng liwanag. Kissable pa ang lips niya na mala-rosas ang kulay.

Hay, oppa*!
(Ang ibig sabihin nito sa South Korea ay "kuya". Maari rin ito na term of endearment sa mga lalaki na gusto ng mga babae)
Matangkad din siya at kahit na naka-abito siya palagi ay kitang-kita pa rin ang kisig ng pangangatawan niya. Ang ganda ng bagsak ng mga damit sa kanya at kung karaniwan lang siya manamit ay mapagkakamalan siya na college student.
Paano kaya naging pari ito?
Mukha siyang artista na nagkamali ng propesyon.
Kapag nagmimisa ay nasa harapan ang mga teenager na babae, kasama na rin ang mga binabae sa pakikinig sa kanya. Napansin ko nga na dumami ang mga nagsisimba simula nang dumating siya. Ang bait din kasi at ang galing magmisa. Nakakatawa siyang magsermon at hindi boring. Good vibes kaming lahat pagkatapos ng misa.
Bago magsilabasan ang mga girls ay pasimple pang yayakap sa kanya. Hindi kaya siya na-chachancing minsan? Natatawa na lang siya kapag napapatagal ang yakap sa kanya at nanakawan pa ng halik sa pisngi.
Marahil ay sanay na siya.
Hehehe!
Alam ko na inis na inis si Terrence sa kanya. Siguro totoo ang kasabihan na, "Ang pogi ay galit sa kapwa pogi". Pero sana ay huwag na niyang sungitan ang pari. Nakikipagkaibigan lang si Father at wala naman sigurong balak na masama.
Para kasing ayaw niya akong lumalapit kay Benjie.
Bakit kaya?
Medyo overprotective siya sa akin.
Naiintindihan ko.
Napansin niya siguro na lapitin ako ng kamalasan at masasamang tao. Baka pinoprotektahan niya lang ako.
Madalas ay naiisip ko na baka anghel siya na nagkatawang-tao upang gabayan ako. Paano ako hindi magdududa e iniisip ko pa lang ang kailangan ko, parang alam na niya?
Kapag malamig ang umaga, nakahanda na ang mainit na tubig na pampaligo ko. Poor lang kasi kami kaya walang heater. Ang tiyaga niya rin na mag-init ng tubig at isalin sa timba.
Sa oras na nagugutom na ako, mabilis siyang mag-ayang kumain at nakalagay na sa mesa ang pagkain.
Naka-alalay siya palagi kapag nadadapa, nadudulas at halos mahulog ako sa hagdanan.
Pati sanitary napkin ko, misteryosong lumitaw sa may pintuan nang minsan akong datnan ng regla ng madaling araw.
Nakakahiya!
Pero ang hindi ko malilimutan ay ang pangako niya na walang makakapanakit sa akin at babantayan niya ako. Sa totoo lang ay kahit na nais kong maging positibo sa buhay ay dinadalaw din ako ng takot at pangamba. Hindi lang dahil sa muntikan na akong biktimahin ng mga bampira kaya ako na-trauma. Ang mga kamag-anak ko rin na sinaktan ako ang napapanaginipan ko pa rin gabi-gabi. Simula ng dumating si Terrence ay naramdaman ko na ligtas ako.
Hulog siya ng langit sa akin.
Ngunit minsan, nahuhuli ko siya na nakatingin sa kawalan, na para bang napakalalim ng kanyang iniisip. Sa totoo lang ay medyo natatakot ako kapag ganoon ang ekspresyon niya. Pero may tiwala ako na hindi naman siya masamang tao.
Minsan ay aligaga siya na para bang may mabigat siya na problema. Nais ko sana na tanungin siya ngunit baka akalain niya ay nanghihimasok ako sa buhay niya.
Gusto ko sana siyang tulungan.
Nais kong mapagaan ang pakiramdam niya mula sa mga bagay na gumugulo sa kalooban niya.
Sino ka ba talaga, Terrence?
Habang tumatagal ay nahuhulog ang loob ko sa iyo. Kailangan kong pigilan dahil pakiramdam ko, isang araw, ay iiwanan mo rin ako. Sinasabi ng isipan ko na magkaiba tayo ng mundo.
Parang di tayo bagay. Ang layo ng pagkakaiba ng antas ng itsura natin at ang dami ng mga talento mo.
Sabi ni Tita Watty kahawig ko naman daw yun artista na si Angel Locsin. Kahit anong titig ko sa salamin ay mukhang hindi naman. Siguro magiging kamukha ko lang siya kapag nalasing siya o kaya ay hindi siya natulog ng isang taon.
Hay, naku, Terrence.
Posible kaya na magustuhan mo ako?
Magsabi ka lang na mananatili ka sa piling ko at may pagtingin ka sa isang katulad ko ay matutuwa ako.
Sobra.
Aalagaan natin ang isa't-isa hanggang sa huli.
May "forever" ba?
Sana mayroon at ikaw ang makakasama ko.
Pero, ligawan mo muna ako, pagkatapos, magiging boyfriend kita, magde-date tayo sa park, magpapakasal at bubuo ng masayang pamilya.
Family na kaagad?
Ayiee!
Malaki naman ang bahay ni Tita, tamang-tama para sa mga bata na baka kasing-ingay ko pero kuha ang cuteness mo!
Wishful thinking pa more!
Libre naman mangarap.
Gusto ko talaga ng happy family!
In love na yata ako! Hehehe!
Ang puso ko! Tumitibok-t***k!
Hindi ka kasi mahirap mahalin...
Guardian Angel ko.