Farah's POV Magkatabi kami ngayon nakaupo sa back seats ng sasakyan, hindi ko na siya kinausap mula ng lumabas ako sa kwarto namin. Ang unang plano ko sana ay ang utusan siyang ipagdrive ako katulad ng ginagawa namin noon tapos nakasunod lang sa likuran namin ang sasakyan kung saan nakasakay ang driver at bodyguards namin kaso wala ako sa mood na lambingin siya. Aaminin ko medyo na-hurt ako sa naging reaction niya, sa pagiging tahimilk niya. Heto ang napala ko sa kakatanong ng kung ano-anong naiisip ko, kahit hindi pa naman talaga nangyayari. Masyado kasi ako'ng advance mag-isip, eh pero pano nga kung sakali na hindi kami magka-baby? Ayaw na kaya niya sa akin, iiwan na kaya niya ko?! Bakit ba kasi siya masyado nagmamadali na magka-baby kami parang nape-pressure tuloy ako! Naiinggit

