The white flower was dancing through the wind, it was the only flower that survived. Kahit gaano pa kalakas ang bawat dating ng hangin dito, tila napakalaya lamang nitong sinasalubong ang hangin at sumasayaw pa doon. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Victoria kung ganoon din ang babaeng nakikita niya ngayon na hindi kalayuan sa kaniya. Nakatayo lamang ito, nagmamasid sa lupon ng mga taong naroon. They were all wearing black and tears were evidently flowing on their cheeks. Saksi siya sa bawat pagnangis ng mga ito.
"I hate him" nai-usal nito. Lumipad 'yon sa kaniyang pandinig kaya naman otomatikong gumuhit ang isang ngisi sa mga labi ni Victoria.
Where could that hate bring you, Afarra?
Isa isang nagsialisan ang mga nakiramay doon. Maging ang lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya ay lumisan na rin. Hindi nito tinangkang lapitan siya, ngunit alam niyang sinisilaban na siya nito sa isipan. Labis ang galit na nag-uumapaw sa dibdib nito na siyang ikinatutuwa niya pa lalo. Davior, you should feel frightened right now.
She stayed there for minutes, waited for that man to be alone. Her lips automatically curved up when that man simply wiped his tears that he surpassed to avoid earlier, with the people's eyes. She could hear his weak sobs, pleading for his mom to return and hug him tight. Too stupid, he thought she would come back to him by those pleads and tears?
Victoria gets her black rose and went to him. As she approached him, she could feel that victorious fire on her heart. This is just a fcking start, kiddo. I still have mercy on you, let's take it slow.
"You lost your mother, I know how hard it is because I lost my mom too,but don't act as if it's your last hours. Look at your sisters and be strong for them. You are the only one they could cling on" her cold voice sends chill on his spine that made him looked up at her. She puts the black rose on her tomb and left.
In just a minute, Victoria appeared on Davior's side. She was sitting on his passenger seat and playing with a Barney stuff toy.
Ramdam niya ang mabilis na pagdaloy ng dugo nito sa katawan, ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso nito sa kaba, o marahil ay takot. Matalino si Davior at alam nito ang nais niyang iparating.
"They are too young yet they already lost their mother? Who could they blame,huh?" Bumadha ang mapagpanggap na lungkot sa kaniyang mga mata. "Fionna is too young, however, I could use her to get him. Ahuh?"
"Victoria, please"
"Oh, you're pleading" umukit nanaman ang ngisi sa kaniyang labi pagkatapos ay sa isang iglap ay nasa likuran na siya ng sasakyan. "You made your decision when lies touches your tongue the moment I asked you,Davior" lumapit ang kaniyang mukha dito at bumulong kahit na nanatili siya sa likuran ng sasakyan. Davior stayed still, incapable of speaking but fear was still evident on his eyes. "Face my sweet consequences"
Davior was left there alone, he quickly withdrew the air he was stopping all along earlier.
I will do anything just stop you,Victoria, even facing my own death.
•
•
•
The rain pours unexpectedly, behind the good mood of the sun earlier. Nawala ang araw sa kalangitan at tila nakisabay ito sa kaniyang nararamdaman. He didn't mind the heavy drops of rain that made him wet all of a sudden. Wala na siyang pakialam kahit pa basang basa na talaga siya roon. Nanatili lamang siya sa tabi ng puntod ng kaniyang ina at doon nagtangis.
Wala na ang mga nakiramay at ang tanging nag-iisang sasakyan na naiwan lamang doon ay ang kaniya. Kahit na anong pilit ng mga ito na sumama na siya ay hindi niya nagawa, walang nagawa ang mga ito kundi ang hayaan siya.
Sariwa pa sa kanyang isip ang nangyari noong gabi na umalis siya para sunduin ang kaniyang ina pero 'yon na pala ang huling gabing makikita niyang humihinga ito. It happened in a blink, tila isang masamang panaginip ito at gusto na niyang magising. He hoped that tomorrow, he will wake up and seeing her mother's preparing their foods for breakfast or she will call him on his door and tell him to get up already. Na sana buhay pa ang kaniyang ina at wala siya ngayon doon.
Kanina, habang unti-unti itong ibinababa ay tila unti-unti rin ang panghihina ng kaniyang paghinga. Ito ang nagbibigay din ng lakas sa kaniya kaya paano na siya ngayon?
He reminisced his moments with his mom that will surely stay on his memory from now on. They will no longer have her, she will no longer be there and smiled at his success. His mother's support will no longer be there when he needs it. All of her comforts and soothing words that he needs whenever he's down will also no longer be there. How could he lives after this?
Nawala na nga ang kaniyang ama, ngayon naman ay ang kaniyang butihing ina.
Fangs. Those fangs and that terrible scene that kept on repeating on his mind. Hinding-hindi niya 'yon makalilimutan. Ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina ay tumatak na sa kaniyang isipan.
When he saw his mother's neck, that two small round dots were visible. His suspicion got validated after that. So, it was true all along. Those creatures do really exist and he promised to get her head, even if he'll face his own last breath.
"An eye for an eye and tooth for a tooth. He stoled your life, Mom, and I will kill her by my own hands"
•
•
•
Si Kazhius ang unang bumungad sa kaniya pagkarating niya sa kanilang tahanan. Tahanan, it's a spurious word for her. This is not her home, this is her cage since then.
"Saan ka nanggaling?" Bungad sa kanya ng binata na si Claw.
Umupo siyang agad sa itim na couch na naroon. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng upuan. "Prepare some fake documents and papers. You'll do a good job, Kazhius, but I still don't trust you. I need my cards, a simple car and a book. This identity suits me more" kakaigang imahe ang nagsimulang maglaro sa kaniyang isip. "I will be a biology teacher for Monfador. You have to do deep I
investigation for her family, and I need it sooner that I expected it" ngumisi siya. "This is interesting after all"
Being Wood doesn't mean they're always weak when it comes to humans, she had mistakes before and she wouldn't let that happen again.
Kahit papaano'y hindi naman pala siya maiinip habang wala ang kaniyang ama. May mga tao siyang paiikutin sa kaniyang mga palad and when the perfect time comes, it will be the sweetest explosion.
"Zackarhus Grey? Not bad"
•
•
•
Kazhius doesn't seems to enjoy his princess's suggestions. He came to meet Davior and got to know about his family. Hindi malabong nahulog nga ang lalaki habang iniimbestigahan nito ang pamilyang sumira sa buhay ng dalaga. Isang tao si Davior na itinuring na rin niyang kapatid. Kahit isa siyang bampira ay malapit ang kaniyang damdamin sa mga ito dahil isa rin siyang tao noon.
He was an orphan before. Pinagmalupitan ng tadhana at walang nagawa kundi ang sumunod sa agos ng buhay. But his life changed when he met Victoria. Sa isang bar siya noon nagtatrabaho bilang isang macho dancer, isang binatang lalaking nagpapabayad para lang mabuhay kahit na ang kapalit ay ang dangal at puri. Isang gabi noon nang magpasya siyang lumabas muna para huminga, dahil nga sa pagod na pagsasayaw at pagbibigay saya sa matatandang babae. Pero mali ang pagpasya niyang lumabas nang gabing 'yon dahil natyempuhan siya ng isang lalaking asawa pala ng isang matandang babaeng nag-ipit ng ilang libong pera sa kaniyang suot na pang-ibaba. Tanging puting brief lamang ang suot niya noon. Masaya pa nga siya dahil may mauuwi nanaman siya para sa mga batang kalye na matagal na niyang tinutulungan pa noon.
Isang suntok, dalawang suntok hanggang sa hindi na niya mabilang kung nakailang suntok na ba ito sa kaniya. Basta, ang tanging nararamdaman niya lang noon ay labis na pananakit ng buong katawan.
Nagising na lamang siya noon na nasa isang selda. Hindi niya alam kung bakit, paano ba siya nakarating doon hanggang ilang buwan din ang nilagi niya doon. Nalaman niya lamang ang dahilan kung bakit nga ba siya naroon, malakas ang kapit ng lalaking bumugbog sa kaniya.
Ang buong akala niya ay doon na siya mananatili hanggang sa isang araw ay nakilala niya nga ang dalaga.
"What?" Mataray na sabi nito sa kaniya. Tumaas pa ang kaliwang kilay nito sa kaniya pagkatapos ay walang ganang tumingin sa mga kuko.
"Sino ka?"
"I'll bail you out. Come on" anito.
Gusto niyang matawa ngunit nahinto rin ng dalawang pulis ang nagbukas sa kaniyang selda at ganon-ganon na lang nga ay nakalabas siya.
She sustained his needs and he needs to be converted as an exchange. Nung una'y tinawanan niya lang ito at inisipang may sayad ang babae ngunit nang magbago ang kulay ng mga mata nito at unti-unting lumabas ang pangil nito, tila hihimatayin siya anumang oras.
Labis ang takot niya nang araw na 'yon. Ang hindi niya lang maintindihan ay hinayaan siya ni Victoria na mabuhay pa ng mga oras na 'yon. She motioned him to leave and he did. Umalis siya ng mansyon na 'yon bitbit ang labis na takot sa dalaga.
Pinilit niyang mabuhay ng maayos, hindi na bumalik sa pagbibigay ng aliw ngunit walang tumatanggap na trabaho sa kaniya dahil sa kawalan ng pinag-aralan. Ilang buwan lang ay bumalik siya sa pagiging gigolo at naging call boy pa. Ngunit hindi talaga siya iniwan ng kamalasan dahil ilang grupo nanaman ng lalaki ang dumukot sa kaniya at binugbog siya ng husto.
Nasa bingit na siya ng kamatayan noon. Nakahalik ang kaniyang pisngi sa malamig na sahig at ilang oras lamang ay babawian na ng buhay.
"Hindi parin ba magbabago ang isip mo?"
Kahit na malabo na ang kaniyang paningin ay kitang kita niya parin ang makintab na sapatos nito. Kilala niya ang boses na 'yon, hindi siya nagkakamali.
"Sinabi ko na noon sa iyo ito at sasabihin ko muli sa iyo. With this immortality, kayang kaya mong gawin ang naisin mo. Kahit gaano pa katagal ang nais mong buhay. Kahit ilang gintong alahas ang gusto mong suotin, makakamit mo, Eddy"
Nanghihina na siya. Hanggang sa pinilit niyang abutin ang sapatos nito at pinilit magsalita. "Tulungan mo'ko"
•
•
•
Victoria could feel the strong affirmation after hearing those words from Zackarhus. Napangisi siya, naglaro ang imahe ng lalaki sa kaniyang isipan. While looking at him holding a knife, determinado talaga itong patayin siya. Kitang kita niya sa mga mata nito ang pagsasayaw ng galit at poot para sa kaniya. Oh, how she loves those stares. Muling bumalik ang mata ng lalaki sa hawak nitong libro, isa 'yong libro para sa mga bampira.
Napangisi siya. "Vampires on books aren't real, kid. We don't die through the sun and we don't fall inlove" nakakapanindig-balahibo ang sumunod niyang tawa para roon. "How silly. Ilang kasinungalingan pa ba ang gagawin nila para sa mga bampira?"
Lumagpas ang tingin nito sa labas ng binata. Dahan-dahan ang pagbabalik niya sa suot niyang itim na hood. Ngumisi siya, "Hindi pa ito ang huli nating pagkikita" she made sure Zackarhus could hear that and then she decided to left.
"Hanggang saan ang kaya mo, Zackarhus?"