Kabanata 7

1537 Words
Kabanata 7 Titig na titig si Sarah sa mukha ng asawa niya habang inaayos niya ang suot nitong long sleeve. Sumunod niyang tinulungan sa pagsuot ng necktie ang lalaki. Ganoon pa rin, hindi maalis ni Sarah ang tingin sa lalaki. Tahimik lamang ang asawa niya habang pinasuot ni Sarah rito ang itim na tuxedo nito. Hindi niya naisip na magiging ganito katahimik ang umagang pagsasaluhan nilang dalawa. Sa katunayan ay naninibago siya. "Klent, may sakit ka ba?" tanong niya rito. Hindi batid ng lalaki kung ano ang sasabihin. Minabuti na lamang nito na pagsalubungin ang mga kilay at pinakunot ang noo. "I'm not sick, Sarah." "Ah, ganoon ba? Naninibago lang ako." "Huwag mo na akong hatdan pa ng tanghalian sa opisina ko mamaya. Lalabas kami ni Joseph." "J-Joseph...ni Talia?" "Sarah, please, masyadong maaga para magtanga-tangahan. Wala naman akong ibang kaibigan na Joseph ang pangalan, right? Ask something that has sense," malamig na wika ng lalaki. "Pasensiya ka na," aniya. Hindi siya pinansin ng lalaki. Kinuha na lamang nito ang attaché case kung saan nakapaloob ang mga importanteng papeles. Tinanod niya ang asawa hanggang sa makababa na ito. Niligpit niya ang kalat sa silid nila. Pagkatapos nito ay lumabas siya upang magpahangin sa hardin. Saglit lang siya sa parteng iyon ng mansion at agad din siyang pumasok. Narinig niya na may kausap sa cellphone ang Mama ni Klent. Wari niya ay sinasadya ng byenan niya na iparinig sa kaniya ang pag-uusap nila ng babae na nasa kabilang linya. Bigla na lang kasi nitong ini-loud speak ang tawag. "Tita Amanda, napagsabihan niyo na ba ang anak niyo?" "Pinagagalitan na niya ako dahil paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya ang dapat niyang gawin. Honestly, his wife is building a wall between me and my son, Rebecca." Naging malungkot ang tinig nito. "Kung sana ay ikaw ang aking daughter-in-law ngayon ay hindi ako babastusin ni Klent. This woman is a bad influence to my son." "Tita, hindi pa naman huli ang lahat para sa amin ni Klent—para sa atin upang maging pamilya na talaga!" "Of course, Rebecca. Ikaw lang naman talaga ang gusto ko para sa anak ko!" "Kung ako ang asawa ni Klent ay tiyak akong may apo ka na sa akin, Tita!" "I know! And I hope the heavens will favor us, My Dear. You are bringing happiness to me, Rebecca. Hindi na ako makapag-hintay na ikaw ang magiging daughter-in-law ko!" Huminga nang malalim si Rebecca. Tila ba ay hinuhuli nito ang simpatiya ng Mama ni Klent. Habang nakikinig siya sa dalawa ay nanliit siya sa sarili. Minadali na lamang niya ang kaniyang paglakad. "Why are you sad?" "Tita, obviously, it's because of your daughter-in-law. Sa tuwing nakikita niya ako ay pinapakitaan niya ako ng hindi kaaya-ayang ugali." "She's just insecure, My Dear. Alam niya kasi na malaki ang tsansa na makukuha mo ang anak ko mula sa kaniya. Well, we are all aware that you are better than her." "Really, Tita?!" "Oo naman, Rebecca! Maghihiwalay rin sila soon. I heard them argue and fight all the time." Umakyat na lamang siya at namalagi nang ilang saglit sa kanilang silid. Kahit na ano ang gawin niya ay naiisip niya ang pag-uusap ni Rebecca at ng ina ni Klent sa linya kanina. Bumagabag sa kaniyang isipan ang bagay na iyon. Tila ba'y may umudyok sa kaniya na bumaba at konprontahin ang ina ng asawa niya. Nasa sala at nagbabasa ng dyaryo ang byenan niya. Lumapit siya rito at tumikhim. Maingat na nilapag ng byenan niya ang hawak nitong dyaryo at inangat nito ang titig sa kaniya. "Ma, puwede ba tayong mag-usap?" "What is it all about, Sarah? Nakita mo naman na I am trying to relax, sipping peace, right?!" "Tungkol sa pinag-usapan niyo ni Rebecca Reyes Soler!" "Tumatapang ka na ngayon, Sarah. You're trying to ask something you never should." "Well, this is not about me and how you belittle me together with that woman, Mama. But it is about my husband and his image." "Oh! Look, who's talking about my son's image!" Hinead-to-foot siya nito. "What about that, by the way?!" "Sana alam mo kung ano ang adbokasiya na dala ni Klent sa labas. Hindi puwedeng lumabas ang mga isyu naming dalawa sa loob ng mansion na ito. What happened here should stay here." "Sarah, sinabi ko lang kay Rebecca ang totoo. Bakit, hindi ba kayo nag-away ng asawa mo? You're fighting again and again, right?" Tumayo ito at lumapit kay Sarah. "At puwede ba na huwag mo akong diktahan sa kung ano ang dapat kong sabihin?! You're nothing but a useless wife of my son." "Useless?! Natanong mo na ba ang sarili mo kung bakit hindi niya ako kayang pakawalan? How about trying to realize that he sees something in me? Something he benefited or something he enjoys! Kung talagang useless ako para sa kaniya ay bakit hindi niya ako magawang alisin sa buhay niya? Bakit ka niya sinusuway at mas pinipiling isantabi ang kagustuhan mo para lang manatili ako sa tabi niya?" Mabilis na gumalaw ang nanginginig na kamay ng byenan niya upang bigyan siya ng sampal. Ngumiti lamang si Sarah dahil sa nakikita niya. Namumula ang mukha at naiiyak ang ina ng asawa niya. "Wala kang respeto, Sarah!" "Nirerespeto kung sino ang nararapat, Mama. But someone like you doesn't deserve it. Pareho kayo ni Rebecca. Always remember that you can't ask what you can't give." She sighed. "At kung puwede sana ay huwag niyong nilalabas ang pag-aaway namin ni Klent. It doesn't mean na ina ka niya ay puwede mo nang siraan ang anak mo." "I am not destroying my son, Sarah! Ikaw ang sinisira ko! And I will never stop habang nakikita kitang nakadikit sa kaniya!" "Asawa ako ni Klent! What destroys me, destroys him too, Mama! Kung hindi niyo man ako matanggap sa pamilyang ito ay naiintindihan ko. Because the feeling is mutual, Mama. Hindi ko rin matanggap-tanggap na nagkaroon ako ng byenan na tulad mo. Mata-pobre at hindi alam ang salitang women empowerment!" "Mahal ko ang anak ko kaya ko 'to ginagawa! Hindi mo iyon naiintindihan dahil hindi ka ina!" "Mahal mo si Klent? O mahal mo ang mga bagay na mayroon siya? He gave you name, luxury, business, and class. Those things are precious to you, things you can't afford to lose, Mama. Kaya huwag kang plastic!" Nabigo ang byenan niya na sampalin siyang muli. Nasalo niya ang kamay nito at matalim na tinitigan ito. "Kahit na ilang beses mo akong sampalin ay hindi mo ako mapapaalis sa mansion na ito dahil mismong ang anak mo ay hindi ako kayang alisin sa buhay niya." "Hindi kita matatanggap, Sarah! Rebecca will always be the daughter-in-law I only accept!" "Minalas ka lang, Mama, dahil ako ang pinili ni Klent. Sa kabila ng kakulangan ko ay hindi niya ako kayang itaboy." She laughed shortly. "Kung gusto mo talaga na maging daughter-in-law si Rebecca. Go on, magbuntis ka ng isa pang anak na lalaki at kapag nasa edad na ay ipakasal mo sa babaeng iyon. Kahit ako pa ang kunin niyong wedding planner." Marahas na binawi ng byenan niya ang kamay nito. Kasunod ng galaw niyon ay ang pagtapon nito ng sarili sa sahig. Sarah was out of idea what was happening. But when the sound of an opening door heard throughout the living room her heart started to beat fast. Tumingin siya sa kaniyang byenan. Saglit itong ngumiti at agad na humawak sa dibdib ang ginang. Nagpapanggap na nasaktan. "S-Sarah, bakit mo ginagawa ito? You think that I am that bad?! Maayos akong lumapit sa iyo para kausapin ka at humingi ng tawad. B-But you pushed me, treating me like a cruel mother-in-law." "W-What?!" "Pagod na ako sa relasyon natin bilang in-laws. I want us to start a good relationship with each other. P-Pero ano ang sinabi mo? You can't forgive and forget everything I have done to y-you. Ang masahol pa ay sinaktan mo ako!" "Sarah!" Lumingon siya kay Klent. Ngayon ay nakuha na niya kung anong nais na mangyari ng kaniyang byenan. She wanted her to look like the villain in her husband's eyes. "K-Klent, hindi totoo ang sinasabi niya. She's framing me u-up." Tumayo ang kaniyang byenan at tumakbo ito kay Klent, sabay yakap kay Klent. "How c-could you stand a woman who's disrespectful towards your mother, Son? Gusto ko na maging okay na kami, but she's hurting me. Mabuti na lang at dumating ka! B-Baka hindi lang ang pagtulak niya sa akin ang kaniyang ginawa kung hindi mo kami agad naabutan, Klent." "K-Klent, hindi iyan totoo. Binabaliktad niya ang sitwasyon." "Don't believe her, Klent. Alam ko na may matindi siyang galit dahil hindi ko sya matanggap. She's a wolf hiding in a sheep's clothing!" "Hindi iyan totoo! Ikaw itong nanampal!" "How dare you raise your voice at my mother, Sarah! Get upstairs and let us talk there!" Inalis ni Klent ang mga kamay ng ina at nilagpasan siya nito. Tumitig siya sa byenan niya na ngumiti dulot ng tagumpay nito. "You can't defeat me, Sarah." "Devil," mariing diin niya. "I can fo better than that, Sarah. I can act like a Hollywood star, convincing everyone to favor my side." She just rolled her eyes, and go upstairs, following her husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD